Royal Blood 3

45 9 0
                                    

Serenity Monvazen

"Ma... Ano ba tong kalokohan na to?" Pagod na sambit ko.

Kausap ko si mama sa kabilang linya at tila puputok na ang mga ugat ko sa buong katawan ko dahil sa mga pinagsasabi nya.

Kasama ko dito sa office ng Dean yung apat, yung Dean, at yung dalawa pang ka schoolmates ko.

"Nasan si Zero?" Rinig kong sambit ng isang babae na kasama dun sa apat.

"Busy. Andami nyang inaasikaso. Kasama nya si Cassian. Napadaan lang dito at chineck yung mission natin." Sagot naman nung isang lalake na maligalig.

Napakunot noo ako. Tila unti-unting umiiral na naman ang pagiging chismosa ko.

"Why? Tingin nya ba di natin kakayanin if ever na may sumugod dito na kalaban at unahan tayo sa plano? Abay anong silbi ng lakas ni Volt, di ba?" Natatawang sambit ulit nung babae sabay tingin dun sa lalakeng inakala kong leader nila.

So Volt pala ang pangalan nya.

Napailing na lang ako at hindi sila inintindi.

Zero pala ang ang pangalan ng bangungot ko na yon? I mean ng lalakeng yon?

All this time bangungot lang tawag ko sa kanya, biruin mo nga naman, may pangalan rin pala sya.

"Ma..." Pagtawag ko ulit kay mama.

("Sweetheart, listen to me. You need to come with them. Anak maaaring kasama nila ngayon ang kuya mo.")

Agad akong napakunot noo sa sinabi ni mama.

Anong kalokohan to?

Sandali kong pinagmasdan ang apat na taong to bago ko ibalik ang atensyon ko kay mama.

"Asaan si kuya? Pano sya mapapasama sa mga taong to? Umalis ba sya?" Sunod sunod na tanong ko kay mama.

Parang kanina lang magkasama pa kami ni kuya nang ihatid nya ko dito sa school.

Saan na naman nagtungo ang liquid na yon?!

("Anak...")

Napakunot noo ako sa tono ng pananalita ni mama.

Ano bang nangyayare?!

"Ma! Can you please tell me right now? Naguguluhan na ko. Nasaan si kuya? Saan sya nagpunta? Bakit nyo ko pinapasama sa mga taong to? Kilala mo ba sila?"

Naguguluhan na ko at kaylangan ko ng kahit isang sagot. F, mababaliw ako nito.

Agad kong tinaasan ng kilay yung lalakeng makulit na kasama sa apat nang makita kong grabe sya makatingin sakin.

Tss. Nanunuri yan?

("Anak, ang papa mo. Doon sya nag-aral.")

"Po?!"

Hindi ko talaga maintindihan.

Napahilot ako sa sintido.

Sumasakit na ang ulo ko.

("Anak, ipapaliwanag nila sayo ang lahat. Kaylangan mo lang magtiwala. Sumama ka sa kanila at masasagot lahat-lahat ng tanong mo. Yung mga tanong mo na hindi masasagot ng isang normal na kagaya ko.")

Pagkatapos ng sinambit ni mama ay namatay na yung tawag.

Dahan-dahan kong naibaba ang phone ko dahil sa pagkalito.

Naguguluhan ako sa nangyayare.

Agad akong napatingin sa apat na taong to.

Masasagot nila ang mga tanong ko kapag sumama ako sa kanila?

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon