Serenity Monvazen
"Hoy! Bakit ngayon ka lang? San ka pa ba nagpunta?" Bungad sakin ni Aly nang tumabi ako sa kanya sa pila.
Hinihingal akong tumakbo papunta dito sa meeting room dahil nga may announcement daw. Kaya heto rin kaming buong studyante nitong school ay nakatayo at inaantay ang announcement nila.
Jusko! Di manlang nagready ng upuan.
"Wala, jan lang. Naglakad-lakad. Eh ikaw? San ka galing?" Sagot ko sa tanong nya kanina pero agad napakunot noo ako ng makita ko ang iilan-ilang sugat sa braso nya tas namumula mula pa ang kaliwang pisngi nya. "What's that?!" Madiin akong napahawak sa pisngi nya, nang di makuntento ay sa braso nya naman. Inilibot ng mata ko ang bawat sugat na nakikita ko sa kanya.
"A-Aw! Masakit, Sery!" Daing nya na ikinataas kilay ko.
"Masasaktan ka talaga lalo sakin kapag hindi mo ko sinagot." Madiing sambit ko sa kanya. Nang magkaroon ako nang hinala kung saan nya pwede itong makuha ay agad ko syang tinaasan ng kilay. "What the f, Aly?! Sinugod mo ba yung Sand na yon?!" Halos ilapit ko na sa tenga nya ang bibig ko nang mabingi sya sa pagsigaw ko.
Agad naman syang napa-irap.
Loko to, ansarap batukan.
"Sandy. Her name is Sandy not Sand, Sery." Tinatamad na sambit nya.
Pake ko ba sa pangalan non?
"I don't care. Basta pareho namang mukhang buhangin yung babaeng yon. Just tell me na lang kung anong ginawa nila sayo!" Galit ako. Galit na galit.
Sino sila sa tingin nila para gawin to kay Aly?!
"Chill Sery. Daplis lang to. Ginanti lang naman kita sa kanila ih." Naiinis na sambit nya.
Halos mapasabunot ako sa sarili kong buhok dahil sa inis ko sa nangyare sa kanya. Idagdag pa ng sinabi nya.
"Abat! G*go yung mga yon ha!" Akmang aalis na ko nang bigla akong hawakan sa braso ni Aly.
"Ano ba?! Sira ka ba?! Ayos na ko! Tsaka please lang, bawasan mo naman yung pagmumura mo. Kababaeng mong tao ih." Pagpigil nya sakin kasabay pa ng pag tunog ng matinis na microphone.
Tignan mo to, kung makapagsalita parang di rin sya babae.
Tsaka anong masama? Nag e-express lang naman ako ng aking damdamin.
Wow Sery, lalim non ha.
Napairap ako nang mapansin kong magsisimula na.
Babawi talaga ako.
"Good day students." Pabungad na salita ng speaker ng meeting.
Anong good sa day kung sya ang unang bubungad samin?
Itutuon ko na sana ang atensyon ko sa harap nang makita ko bigla ang grupo nila Sand or Sandy or whatever her name is.
Napangisi ako.
Patago kong inayos ang kamay ko at pilit na kinokontrol ang hangin.
Yang mga ngiti sa mga labi nyong mga damuho kayo ay tatanggalin ko. Kakapal ng mga mukhang ngumiti, pag tas nilang manakit ng ganito sa isang studyante? Malas lang nila at sa kaibigan ko pa nila ginawa.
Balak ko na sana silang ipatid gamit ang malakas na impact ng hangin nang biglang may humarang sa paningin ko.
Biglaan kong ibinaba ang kamay ko at umayos sa pagtayo nang makita ko ang lalake kanina na nakatayo sa puno. Yung kasama ng dalawang babae.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...