Serenity Monvazen
"Sery!" Inis kong dinampot ang bag ko matapos ang huling sub namin.
Hindi na pumasok pa si Jex matapos ang nangyare kanina at sa totoo lang... Wala rin akong pake.
Padabog akong lumabas ng classroom namin.
"Sery!" Muling tawag ni Luna matapos ko syang lagpasan.
Walang pasensya ko syang nilingon. Kasama nya si Trig.
At wala rin aking pake don.
Kainis!
Hindi ba alam ng tao pag wala sa mood yung ginugulo nila?!
Nakakainis lang yung pagiging insensitive nila.
"What?" Walang buhay kong tanong.
"Tawag ka ni Volt. Magkita daw kayo sa field." Napataas kilay ako sa sinambit nya.
"Wala akong interest. Paki sabi nalang."
Muli na sana akong tatalikod nang muli syang magsalita.
"Tungkol daw kay Jex."
Agad akong napakunot noo nang mapansin ko ang pagiging seryoso kanina pa ni Trig na hindi naman nya ugali.
Tungkol rin ba to kay Jex?
Huminga ako ng malalim bago napagdesisyunan na umalis at iwan sila don.
Habang naglalakad ay pansin ko ang iilang matang nakatingin sakin.
Hindi ako manghuhula pero ramdam kong mga taga Tyrants sila.
Agad akong napairap bago napagdesisyunan na baliwalain nalang sila.
Jusko.
Di ba uso service dito? Napaka init! Ang layo ng building namin sa main field tapos don nya pa gustong makipagkita?
Asan sa katawan nya dumadaloy ang pagiging gentleman?
Tsk!
Inis akong nagpatuloy sa paglalakad sa gitna ng tirik na tirik na araw.
Nang may dumaan sa gilid ko na isang studyante na mula ata sa Royal Sage ay walang paalam kong kinuha sa kamay nya ang isang plastic cup na may lamang juice.
Gulat syang napalingon sakin.
"Thanks!" Labas sa ilong na sambit ko staka tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad.
Agad ko namang tinungga ang juice na hawak ko na... Agad ko rin namang naisuka.
Yak!
Inis kong nilingon sa likod ko ang babae na may hawak neto kanina.
"Herb." Maikling sagot nya na tinutukoy ay ang kakainom ko lang na nakakasukang juice.
Taeng inumin yan. Kahit taong walang panlasa, magkakalasa talaga pag nakainom ng ganito ka panget na lasa ng juice ih.
Geez this herb! Royal Sage nga naman. Nagtaka pa ko. Kahit inumin nila, may halong pang gamot.
***
"Speak." Tamad na sambit ko sa seryosong nakatingin sakin ngayon na si Volt.Presko syang nakaupo sa isa sa mga bleach dito sa main field habang nakapamewang naman akong nakatayo sa harap nya na parang tila nanay na pinapagalitan ang anak.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...