Royal Blood 18

33 7 0
                                    

Serenity Monvazen

Agad akong kumalas sa pagkakahawak nya sakin.

Nang makawala ay buong lakas ko syang sinampal. Nagagalit ako, galit na galit ako.

A-Anong nagawa ko at pinapahirapan ako ng ganito?

And what?!

Ako?! Pumatay?!

The hell!

Ni pagpatay nga sa ipis na nakita ko sa kusina ng bahay namin hindi ko nagawang patayin, in fact pinalaya ko pa nga kasi naawa ako.

Tas ako papatay?!

Hindi ko magagawa yon!

Oo at ginagamit ko minsan ang ability ko para pahirapan ang mga nakakairitang kaaway ko pero hindi pa ako umaabot sa puntong makakapatay ako!

"Leave me alone." Seryosong sambit ko sa kanya.

Agad naman syang napailing.

"No... Serenity, delikado ang buhay mo. Hindi mo alam kung sinong pwedeng maging kalaban mo." Seryosong sambit nya.

Seryoso ko syang tinitigan sa mga mata nya.

"At ikaw hindi?" Agad napakunot noo sya sa sinambit ko. "Anong akala mo? Magpapakita ka nalang sakin at magpapakilalang kaibigan ko tas magsasabi ng mga walang katuturang bagay tas paniniwalaan ko na lang basta?!" Galit na sambi ko sa kanya.

Agad rin namang sumeryoso ang mga tingin nya sakin.

"Then tell me, wala ka bang napapansin sa mga tingin ni Zero sayo? Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin nya binabantaan?"

Agad akong napalunok sa sinambit nya.

Alam kong may point... B-But maybe... Maybe may iba pang reason.

"Wala kana don." Diretsong sambit ko sa kanya bago sya talikuran.

"Fine. Then pano mo ipapaliwanag ang katotohanang alam ko kung san ka ipinanganak, alam ko kung sino ang mga magulang mo, kilala ako ni Servo and ask him... Maybe maipaliwanag nya sayo lahat. Alam ko kung pano kayo nag start ni Jexon. Alam ko lahat. Dahil kababata mo ko Serenity---"

"Stop! S-Stop!" Galit na sigaw ko sa kanya ngunit nanatili akong nakatalikod mula sa kanya.

"Hayaan mo kong tulungan ka Serenity. Please..."

Napalunok ako bago sya muling hinarap.

"Kilala ko kung sino ako. Wala kang karapatang guluhin ang buhay ko. Kung gusto mo kong tulungan, kung totoong kaibigan kita, pwes umalis ka na. Wag ka nang magpapakita sakin. Please lang."

Matapos kong sambitin yon ay hindi ko na inantay pang makapagsalita sya at agad na kong tumakbo papalayo.

Kasabay ng pag alis ko sa lugar na yon ay ang pagkabangga ko sa isang bulto.

Ang pagtumba ko sana ay nahinto nang maramdaman ko ang pagpulupot nya ng braso nya sa bewang ko para alalayan ako.

Agad kong itinangala ang tingin ko sa kanya. Ang mala berde nyang mata ang unang bumungad sakin.

Agad akong napaatras nang makilala ko sya.

"V-Volt..."

Pansin ko ang pagkunot noo nya nang mapansin nya ang pagkailang ko sa kanya.

"Why so tense?" Takang tanong nya sakin.

Agad kong naalala yung sinabi nung lalake sakin, totoo man o hindi, nakakaramdam pa rin ako ng guilty.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon