Serenity Monvazen
"What happened?!"
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na bulungan sa paligid ko.
Naramdaman ko ang paglapag ng kung sino sakin sa lapag na obviously, may tela naman.
Pilit kong iminulat ang mata ko kahit nahihirapan.
Unang bumungad sakin ang pagmumukha ni Tyron na nagbuhat sakin. Umatras sya at umalis.
"Anong nangyare sayo? May masakit ba? Ang sabi naman kasi sayo hindi ka aalis dito. Bakit ba kasi napakatigas ng ulo mo?!" Napapikit ako. Sino pa nga ba? Edi ang napaka oa kong kuya.
"Chill bro. Ayos lang ako." Pagpapakalma ko sa kanya ngunit tila lalong nangunot ang noo nya at hindi natuwa sa sinabi ko.
Kahit nahihirapan ay pilit akong umupo.
"Sery please, mag seryoso ka naman? Ginagawa mo na lang biro lahat ng bagay. Nakikita mo ba yung lagay mo?" Agad syang napasabunot sa buhok nya.
Napaka oa talaga neto, para namang hindi nya ko nakita ng ganito dati, mas malala pa nga eh dahil don sa mga nakaka away ko lalo na sa labas ng school.
"Servo please, kumalma ka nga---" Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil napako ang tingin ko sa isang direksyon.
Hindi magandang tanawin.
Masakit sa mata!
Eto na pipikit na--- Aish! Bat ako pipikit?!
Pakeelam ko ba?!
Imbis na pumikit ay wala sa sariling napasama ang tingin ko sa direksyon nila.
Si Zero... Na may babaeng kayakap.
Ha!
Dapat matuwa pa nga ako ih!
Wala na sakin ang atensyon nya! Magagawa ko na lahat ng gusto ko!
Tama!
Ta--- Tama...
Bwisit!
Ang kapal ng mukhang halikan ako tas makikita ko na lang na may kalingkisan na babae! Pumutok sana lahat ng brain cells nila!
Hirap man ay agad akong umiwas ng tingin.
Nakakabulag sila ih.
"Nakikinig ka ba sakin?!" Inis na sambit ni Servo kaya inis rin akong napatingin sa kanya.
Bakit ba? Para fair.
"H-Huh?"
"F*ck?!" Inis nyang sambit sabay alis.
Inismiran ko lang sya at nagkibit balikt.
Baliw.
Agad hinanap ng mga mata ko sila Vest.
Nakabalik rin naman siguro sila dito ng buo at kumpleto no?
Sa paglibot ng mga mata ko ay iba ang natapatan nito.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...