Serenity Monvazen
Nang matapos ang pangyayareng yon na hindi ko rin naman na nasundan kasi lutang talaga ako magdamag ay agad akong dumiretso sa condo ko sa Neophyte building.
Actually lahat kaming Neophyte ay dumiretso dito para mag ayos ng gamit dahil ngayon din mismong araw ay lilipat na kami at didiretso sa condo ng kanya-kanya naming team.
Hindi pa rin ako matahimik nang hindi ko nakikita si Leigh. Dapat ngayon ay nakapili na rin sya ng team nya which is yung sa Royal Sage pero wala... Wala ni anino nya.
Ang pag aayos ko ng gamit ay nahinto nang makarinig ako ng katok mula sa pinto ko.
Agad akong tumayo at inaasahang mukha ni Leigh ang bubungad sakin ngunit mukha lang ng magaling kong kapatid ang naabutan ko.
Agad akong napalunok ng makaramdam ako ng takot.
Geez! Kelan pa ko natakot sa lalakeng to?
"H-Hi!" Nakangiting sambit ko ngunit ang ngiting yon ay naging hilaw nang nanatili ang nakakatakot nyang tingin sakin.
"Anong katangahan na naman ang ginawa mo Sery?" Seryosong sambit nya.
Aba! Heto na! Alam na alam ko to, dito magsisimula ang mga brutal nyang pananalita. Ang walang katapusan nyang mga salita para sa nag iisa at napakaganda nyang kapatid.
Kaya bago pa yon mangyare ay agad kong hinatak yung babaeng tumatakbo sa hallway na dumaan sa likod lang ni Liquid tsaka ko to hinatak.
"Oy! D-Desiree!" Nauutal na sambit ko. The hell? Sino si Desiree? Agad ko syang inakbayan at kunot noo naman syang nakatingin sakin. "San punta? Di ba sa library tayo ngayon para sa test next week?" Sakto pa na may short quiz ang lahat ng students next week para sa history ng Royal Blood. Agad ko namang nilingon si Liquid. "Sige na Li-Servo. Salamat sa tulong." Nakangiting sambit ko kay Liquid na halatang nagtitimpi sa galit sakin tsaka ko hinatak yung babae kung san.
Nang makalayo ay dali-dali ko rin syang binitawan.
Nang humarap sya sakin ay agad syang yumuko na nagpakunot noo sakin.
Ngunit kalaunan ay naintindihan ko rin naman, yeah Elite life nga naman.
"Nga pala, san ka ba pupunta at parang nagmamadali ka?" Takang tanong ko sa kanya.
Nanatili syang nakayuko kahit habang sumasagot sa tanong ko.
"M-May gulo daw po kasi sa field. Yung Challengers and Tyrants nagkakagulo daw po." Madaliang sagot nya.
Sa binanggit nya ay lalong napakunot noo ako.
Tyrants?
"Bakit daw? Kasama ba sa gulo yung leader ng Tyrants?" Muling tanong ko.
"Yes po---"
"Teka nga muna, umayos ka nga ng tayo at tigilan mo ang pag yuko sakin. Naiirita ako." Naiinis na sambit ko.
"P-Pero---"
"Now." Seryosong sambit ko.
Pansin ko ang paghinga nya ng malalim bago sya maayos na tumayo at naiilang na tumingin sakin. "Now speak."
Lumunok sya bago ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag sa nangyayare.
"Mainit daw po kasi ang ulo ng leader ng Tyrants tas yung ibang member ng Tyrants napagdiskitahan yung ibang member ng The Challengers, eh knowing Challengers, walang tinatalikuran yon lalo na paglabanan. Siraulo pa leader non kaya naisip nilang bumawe kaso naunahan sila ng Tyrants, ayon nagkagulo na po."
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...