Serenity Monvazen
"Lalim ng iniisip natin ha." Napahinga ako ng malalim nang makaramdam ako ng pagpatong ng braso sa balikat ko.
Uso talaga panggulo sa school na to no?
Minsan gusto ko lang namang mag-isip isip pero syempre hindi natin maiiwasan na may manggugulo talaga sa 'Me time' mo. Tsk.
Agad kong binalingan ang naglakas loob na akbayan ako.
Eto yung babae kanina sa section F.
Base sa naaalala kong itinawag sa kanya nung kasama ni Jex ay Faith ang name nya.
"Close tayo?" May halong inis na sambit ko sa kanya.
"Eh kayo ni Zero at Volt pati si Servo na taga Justice Bringers na Section A din, gano kayo ka close?" Agad akong humiwalay sa kanya tsaka ko sya hinarap.
Nakangiti nya naman akong tinignan na parang inosente sa mga bagay-bagay.
"Pano mo nakilala si Servo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.
Gets ko naman kung pano nya nakilala sila Zero at Volt kasi nga naman ang tagal na ng mga yon dito at taga Elite pa.
Pero si Liquid na kadadating lang dito?
Pano nya nakilala si Liquid?
Lalaking yon pati pangalan binigay pwede namang Liquid na lang.
Pa Servo-Servo pang nalalaman, ako lang naman tumatawag sa kanya non.
"So kilala mo nga si Servo? Nakita ko kanina na hinatak ka ni Zero at kinausap ka nilang dalawa ni Volt. Dalawang Elite. Tas nung naglalakad ka na paalis don nakita ko namang hinatak ka ni Servo sa kung saan. Malay ko ba kung anong ginawa nyo don."
Agad nyang inilapit ang mukha nya sakin.
"Ano nga bang ginawa nyong dalawa ni Servo?" Nang aasar na tanong nya.
Napailing ako bago ko sya muling tinitigan.
"Pwede bang sagutin mo na lang yung tanong ko? Pano mo nakilala si Servo?"
Agad syang napataas ng dalawang kilay bago ngumiti.
"Kanina lang sya nagdesisyon na tumira dito pero matagal na syang dumadaan daan dito. Mabilis syang sumikat dahil sa may itsura nga naman tas may mga issue pa na may kapit daw sya mula sa mga matataas. I mean yung mga may-ari ng school."
Napalunok ako sa sinabi nya.
So dati nya pa alam tong lugar na to.
Dati pa sya nakakapunta dito?
Ano pa kayang sikreto ang dala ng Liquid na yon?
"Ah ge." Maikling sagot ko bago tumalikod.
"Naka fling ko." Napahinto ako tsaka natatawang napatingin sa kanya.
Tinitigan ko sya bago ako matawa.
So seryoso nga? Nakafling nya si Liquid.
"Seryoso ba?" Natatawang sambit ko.
Tumango sya bago ngumiti at inilagay ang dalawang magkabilang kamay sa magkabilang bulsa ng jeans na suot nya.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...