Serenity Monvazen
Tuesday.
Literal na hindi naging ka aya-aya ang unang gabi--- I mean araw ko dito sa Royal Blood pero babaguhin ko yan ngayong araw.
Tuesday ngayon kaya ang klase ay per group pero dahil wala pa naman akong napipiling group gaya ng mga kasamahan kong bago ay may kalayaan kaming mag ikot-ikot sa buong school o kaya naman lumabas daw or mag observe sa group na gusto namin.
At dahil hindi naging maganda ang unang gabi ko dito ay mas mabuting huminga muna ako sa labas.
Aalis ako!
"Sery!" Ang paglalakad ko ay nahinto nang marinig ko ang boses ni Leigh.
Agad ko syang nilingon mula sa likod ko.
Natawa ako ng bahagya nang muntik na syang madapa sa pagtakbo papunta sakin.
"Hey."
"Lalabas ka?" Hinihingal na tanong nya.
"Yap! Sama ka?" Pag aaya ko sa kanya.
"Pwede ba?" Agad akong napasimangot sa tanong nya.
"Yayayain ba kita kung hindi?" Bagot na sambit ko.
Agad naman syang ngumiti sakin.
"Okay! Sama ako!" Napangiti naman ako sa sagot nya. Maglalakad na muli sana kami nang muli syang magsalita. "Teka Sery, hindi ba natin yayayain si Luna?"
Huminto naman ako sa paglalakad at nakangiting lumingon sa kanya.
"Hmm... Ano kaya kung umalis ka sa tabi ko at sa kanya ka sumama? Gumala kayo, hindi kita pipigilan. Promise."
Napasimangot naman sya sa sinambit ko.
Sa paglalakad namin sa hallway ay agad naming nakasalubong si Jex with his groupmates. Mga naka pangsuot sila ng pang training. Para siguro sa klase nila ngayon.
Agad namang napayuko si Leigh na katabi ko na tila takot na takot sa grupong Tyrants.
"Hey. Chin up." Bulong ko sa kanya pero tila wala syang narinig at tuloy lang sa pag yuko habang naglalakad.
Tsk. Mabangga ka sana.
Naiilang naman akong napatingin sa direksyon ni Jex na nasa gitna nila na sakto namang nakatingin din sakin.
Napakurap-kurap ako tsaka agad na napaiwas ng tingin.
Anong nangyare at tila nailang na ako sa kanya?
"Sery! Leigh!" Walang pasensya naman akong napalingon sa likod ko.
At ano pa nga ba? Grupo lang naman ng Elite ang papalapit sa pwesto namin.
Naunang nakalapit si Luna samin dahil sa madaliang pagtakbo nya.
Agad syang pumwesto sa gitna namin at inakbayan kami pareho ni Leigh.
"Luna! Makaiwan naman to!" Sigaw naman nung isa pang babae na kasama rin sa Elite.
"Tagal mo eh." Natatawang sambit ni Luna.
Nakahinga ako ng maluwag nang makalagpas na samin ang Tyrants.
"Close kayo ni Jex?" Agad naman akong natauhan sa sinambit ng hindi ko namalayang katabi ko na pala. "Ow! Fatima nga pala, from Elite." Nakangiting sambit ni Fatima.
"H-Ha?"
Hindi ko na lang sya pinansin at ibinigay ko na lang ang buong pakiramdam ko sa limang lalakeng nasa likod ko. Si Trig, Cassian, Volt, Zero at yung lalakeng mayabang na kayang gawing hayop ang kahit anong bagay.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...