Royal Blood 21

35 7 0
                                    


Serenity Monvazen


Agad akong napahilata sa kama ko. Napakaganda.

Totoo.

As in pang mayaman talaga.

Ang light ng color ng buong paligid sa kwartong to. Unang tingin palang malalaman mo na na babae ang may ari neto.

Pagpasok ko palang ng kwarto ay talagang namangha na ko sa laki.

May sariling cr din to.

Siguro... Mas malaki lang ng konti yung kwarto ni Jex dito. I mean malaki talaga yung kwarto ni Jex.

Wait up. Bakit ko ba inuungkat yung lalakeng yon dito? Simula ngayon, dapat ko na syang iwasan. Nababaliw na sya.

Pero...

Pero gusto ko pa sana syang makilala... I mean what if may mga katotohanan pala yung mga naririnig ko sa ibang tao? What if may past ako na hindi ko alam? And if ever na totoo nga yon... Isa si Jex sa makakatulong sakin.

Agad nawala ang mga iniisip ko nang makarinig ako ng tatlong sunod-sunod na katok.

Tamad akong umupo sa kama at inantay na lamang na bumukas ang pinto dahil hindi ko naman ni-lock yon.

Agad akong napataas kilay nang makita kong sumilip ang pagmu-mukha ni Vest sa pinto.

"Ahhh! A-Aray! Ano ba Fat!" Sigaw nya kasabay ng pag alis nya sa pinto ko.

"Don't call me Fat! You idiot!" Rinig kong sigaw ni Fatima sa labas na tila pinapagalitan si Vest.

"Fine! Dun ka na! Tutulungan kong mag ayos ng gamit yung kaibigan ko!" Sigaw din naman ni Vest na ikina-singhal ko.

What's wrong with him?

"You pervert idiot! Kalalake mong tao tas papasok ka sa kwarto ng babae to the point na kakakilala mo pa lang sa kanya!"

"Hoy! Dati ko pa syang kilala at magkaibigan na kami ngayon! Di ba Sery?!" Sigaw ni Vest, nanghihingi ng tulong sakin.

Pero dahil mabait akong kaibigan ay hindi ko na lang sya pinansin at nanatili na lang ako sa kinauupuan ko.

"Whatever! Shooo! Isusumbong kita kila Zero pag nakabalik na yung mga yon. Dun ka na! Ako na ang tutulong kay Sery. Psh! Pervert!" Huling sigaw ni Fatima bago sya mabilis na pumasok sa kwarto ko at ni lock yung pinto.

Ilang segundo pang pagtatakwil kay Vest bago sya manahimik at umalis.

Agad na tumakbo papalapit sa pwesto ko si Fatima tsaka sya umupo sa tabi ko.

"Hi! Ako muna yung makakasama mo for today ha? Wala silang lahat dito at busy, except don sa pervert na si Vest but don't worry, you have me." Nakangiting sambit nya.

"No need. I don't need help." Prangkang sambit ko.

Imbis na mapikon sakin ay agad syang ngumiti ng todo.

"That's fine. Wala rin naman akong balak na tulungan ka sa mga gamit mo. Tamad ako Sery... Super! Kumbaga panonoorin lang kita habang nag aayos at habang ako naman ay sasagutin ang kahit anong tanong mo." Nkanagiting sambit nya pa din kasabay ng paghilata nya sa kama ko.

Napahinga na lang ako ng malalim.

Tumango-tango ako bago agad na tumayo at nagsimulang kunin ang maleta ko tsaka ko ito ibinagsak sa kama ng pahiga. 

"So... Any questions? Sa school, sa team... Sa Elite." Muling tanong nya.

Agad akong napakunot noo nang may maalala.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon