Royal Blood 36

23 3 0
                                    

Serenity Monvazen

"Tahimik mo, anong nangyare?" Hindi ko na namalayan ang pagtabi sakin ni Liquid.

Pinili ko talagang lumayo sa lahat, pinagtulakan ko pa nga si Vest dahil ayaw akong lubayan pero gusto ko talagang mapag isa ngayon.

Naguguluhan ako sa nangyayare at piling ko mababaliw na ko. Andami kong hindi maintindihan.

"Gusto ko nang umuwi." Wala sa sariling sambit ko habang nakatingin sa kawalan.

Ramdam ko ang paghinga nya ng malalim.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. Kung hindi ka sumunod sakin dito---" 

Agad ko syang nilingon.

"Servo, gusto ko nang umuwi." Seryosong sambit ko.

Wala ako sa mood para marinig pa ang sermon nya. Seryoso ako sa part na gusto ko nang umuwi.

Hindi ko na kinakaya ang mga nalalaman ko. Mababaliw ako kapag nanatili pa ko dito kasama sila.

Lumambot naman ang mga tingin nya sakin.

"Fine. Pagka-alis natin dito kakausapin ko agad ang Executives para maka uwi ka kaagad." Seryoso ring sambit nya.

Tumango-tango naman ako at ibinalik ang tingin sa kawalan.

"Servo..."

"Hm?"

"Anong dahilan mo at hinahanap mo pa rin si Papa?" 

Ramdam kong napahinto sya sa tanong ko.

"What do you mean?" Huminga sya ng malalim at pinatuloy ang pagsasalita. "Of course, Papa natin ang pinag uusapan dito. Syempre hahanapin ko sya." Tuloy-tuloy na sagot nya.

"What if wala na pala sya?"

"Serenity!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Servo.

Napalunok ako dahil sa takot. Nang lingunin ko sya ay namumuo na ang lito at galit sa kanyang mata.

Fine. My fault. Mali yung pagkakasabi ko. Hindi naman yon yung intensyon ko ih.

"No. I mean, sa ilang taong nakalipas... K-Kung buhay nga sya bakit hindi nya tayo hinanap? Bakit hindi sya bumalik satin---"

"Dahil hawak sya ng kalaban!" Muling sigaw nya.

Gulat akong napatingin sa kanya at kita ko agad ang pagsisisi sa kanyang mata.

Hindi nya ata intensyong sabihin yon.

Sa dami ng nalaman ko simula nang tumungtong ako dito sa Royal Blood ay hindi na ata ako masasanay sa mga pasabog nila.

Napatahimik sya at hindi alam ang sasabihin sakin.

Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.

"Sery..." Mahinang tawag nya sakin.

Hindi ko na lang sya pinansin at nagsimula na kong maglakad. "Sery please... Intindihin mo ako."

Saglet ko syang nilingon sabay pilit ko ng ngiti.

"I understand. Hindi rin naman kita mapipilit na magsabi." Kalmadong sambit ko sabay lakad.

Hindi ko alam kung anong sumaping kakalmahan sa katawan ko at ganito ang nangyayare sakin. 

Dapat ngayon nakakunot na ang noo ko at kinokompronta ang Liquid na yon pero heto at ang kalma ko at nginitian pa yung lalakeng yon.

Siguro aware na ko na marami pa talaga akong hindi alam at wala silang balak na ipaalam sakin ang lahat ng yon.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon