Serenity Monvazen
Wala sa mood kong dinampot ang shoulder bag ko pati na rin ang maleta ko.
Tamad akong naglakad palabas ngunit saktong pagbukas ko ng pinto ay bumungad sakin ang nakakainis na pagmumukha ng lalakeng mayabang na taga Elite habang nasa likod nya naman ang dalawang lalake na hindi ko mamukhaan.
Tinaasan ko sya ng kilay ngunit isang matamis na ngiti naman ang ginanti nya sakin.
"What?" Taas kilay na sambit ko.
"Pinapasundo ka sakin nila Volt papuntang condo." Nakangiting sambit nya.
Tumango ako bago napatingin sa dalawang lalake sa likod nya.
"Them?"
"Mga staff, tutulungan ka nila sa mga gamit mo."
Agad naman akong napatingin sa bag at maleta ko na hindi naman kalakihan.
Hindi naman masyadong marami yung dinala kong gamit dito ih.
"Why?" Nagtatakang tanong ko. Hindi nya ba nakikita na iilan lang naman ang gamit ko dito?
"Privilege of being Elite." Nakangising sambit nya.
Yeah, as always. Mayabang pa din.
Tumango na lang ako bago iniabot ang bag at maleta ko sa kanila.
Nang maiabot ko sa kanila ang gamit ko ay nauna na silang naglakad habang naiwan naman akong kasama tong lalake.
Nagsimula na kaming maglakad habang ramdam ko ang pagsunod ng tingin ng iilan samin at ang madadaanan naman namin ay agad na yumuyuko samin.
Ramdam ko naman ang ngiting ngiti na katabi ko kaya napa irap na lang ako.
"Hindi naman halatang masaya ka sa nakukuha mong atensyon." Sarcastic na sambit ko sa kanya.
Agad naman syang lumapit sakin habang naglalakad kami tsaka sya bumulong.
"Privilege of being Elite."
Napairap na lang ako sa sinambit nya.
"Whatever."
"I'm Vest." Maikling sambit nya.
"Not interested." Madaliang sagot ko.
Agad akong napahinto sa paglalakad nang bigla syang pumunta sa harap ko.
Napa-atras pa ko dahil sa sobrang lapit nya at dahil nga taga Elite kami ay kanya-kanyang bulungan na naman ang maririnig sa paligid mula sa mga chismosang mga studyante.
"Hi Ms. Not Interested. I'm Vest, can I be your friend?"
Agad akong napangisi bago dahan-dahang lumapit sa kanya na naging dahilan ng pag-atras nya.
"I thought kilala mo ko? Ka schoolmate pa naman kita so I expected na alam mo..." Agad akong tumingkayad para maibulong ang sasabihin ko. "Being my friend means being an enemy of many." Nakangising sambit ko bago sya tinulak at nagsimulang maglakad.
"Still! Gusto ko pa ring maging kaibigan ka." Agad akong napahinto sa paglalakad nang marinig ko ang isinigaw nya.
Hindi ba sya nahihiya?
"What the hell?" Bulong ko nang mapansin kong andaming studyanteng nakarinig ng sinambit nya.
Mamaya isipin nila na kinakawawa ko ang pinakamamahal nilang Elite.
Agad na tumakbo papalapit sa direksyon ko si Vest tsaka sya dumikit sakin.
"I want to say sorry sa nagawa ko sa kasama mo doon sa Dean's office, si Leigh ata yon. Nagulat lang talaga ako sa nangyayare at hindi ko ine-expect na may mga katulad pala ako na handang kunin ako." Mahabang paliwanag nya habang naglalakad.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...