Serenity Monvazen
"Hiding from your own party huh?" Inis kong nilingon ang lalakeng huling gugustuhin kong makita.
What's wrong with them? Bakit ba hindi na lang buhay nila ang isipin nila at nangengeelam pa sila ng buhay na may buhay.
"Oh please, wala ako sa mood Zero." Pagsukong sambit ko.
"Better." Maikling sambit nya.
Yah. Of course, he's Zero. Lahat ata ng negative na nangyare at mangyayare sa buhay ko ay ikakatuwa nya pa.
Sa sobrang inis ko sa kanya ay hindi ko na napagtuunan pang pansinin ang porma nya.
Nasabi ko na bang yung mga katulad nya ang tipo ko?
Like, kung dream guy para sa standard ko ay literal na papasa.
Gwapo.
Itim na itim ang mata.
Makapal ang kilay.
Natural na pagkakapula ng labi.
Cold.
Tahimik.
Matangkad.
Hindi makulit.
Hindi madaldal.
Suplado.
Matalino.
Hmm... Mayaman?
Nirerespeto.
Kinakatakutan.
Mabango.
Yap! Ganyan mga tipo ko. But not the fact na gusto nya kong patayin.
Wait... What the hell? Ano ba tong mga pumapasok sa isip ko?
"Just leave me alone, okay? Hindi nyo naman ikamamatay pag di nyo ko napakilala sa lahat di ba? Member pa rin ako ng Elite kahit hindi nyo i-announce." Iritang sambit ko.
"Why?"
Agad akong napakunot noo sa tanong nya.
Putspa! Hindi mo na kaylangang maging lutang para lang hindi maintindihan ang mga sinsabi nya.
Nasa katinuan ako at hindi pa nakakatikim tong lalamunan ko ng kahit anong klaseng alcohol pero hindi ko talaga sya maintindihan.
"What?" Walang pasensyang tanong ko.
Ngumisi sya bago ilagay sa dalawang magkabilang gilid ng bulsa ng pants nya ang dalawa nyang kamay.
"Why did you choose my team?" Agad akong napa-irap sa tanong nya bago nagsimulang maglakad.
Ramdam ko naman ang pagsunod nya sa likod ko.
"Nagtanong ka pa, for sure naman na alam mong sa una palang grupo nyo na ang pipiliin ko."
Malakas ang kutob ko na bawat galaw ko ay alam ni Zero. Alam nya kung anong iniisip ko. Alam nyang sa una pa lang ay grupo nya na ang pipiliin ko.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...