Serenity Monvazen
"Ang mga hindi ko mababanggit na pangalan ay mananatili sa area na to'. At ang mga mababanggit naman ay mahahati sa grupo na maghahanap sa ibang students." Panimula ni Zero.
Nanatili naman akong tahimik tulad ng iba. Nasa malayong parte pa rin ako pero mula dito ay kitang kita ko naman na sila lalo na si Zero na nakatayo at nagsasalita. Rinig na rinig ko rin ang mala bossy nyang pagsasalita.
Tignan mo tong lalakeng to, career na career ang pagiging leader, pati dito inagawan ng posisyon ang leader ng ibang group. Tsk!
Sya na magaling.
Nanatili ko syang pinagmasdan.
Ang gwapong nilalang.
Sa kabila ng pagiging gwapo, andaming nakatagong sikreto. Napakalalim na tao. Napaka seryoso, napaka malihim.
Kung totoo ngang meron akong past with Jex ibig sabihin malaki ang chance na nakilala ko na rin dati si Zero? Kung totoo lahat ng naririnig ko about sa past ibig sabihin nagkita na kami dati ni Zero, nag-usap, nagkwentuhan?
Ganyan din ba ang ugali nya dati?
Masama na ba talaga ang pakikitungo nya sakin kahit dati pa?
O baka naman... Baka naman kahit papano naging magkaibigan kami.
Naging magka close.
Ewan.
May parte akong naalala noon nung pumunta ako sa kwarto ni Jex, naalala ko noon sa past na magkapatid sila nila Zero pero syempre wala akong pruweba doon at hindi ako sigurado.
Pero if ever na totoo...
Napatingin ako sa pwesto ni Volt.
Nakatayo sya sa tabi ni Zero na nagsasalita... Habang seryosong nakatingin sa pwesto ko.
Napalunok ako.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at lumingon naman sa pwesto ni Jex... Si Jex na malalim na nakatingin sakin... Para syang may malalim na iniisip.
Dahil sa ilang ay agad akong umiwas ng tingin sa kanya at muling ibinalik ang tingin sa taong napakalabo kong makasundo... Si Zero.
Si Zero na sakin din nakatingin pero hindi tulad nila Volt at Jex... Walang emosyon ang mga mata ni Zero...
Imbes na umiwas ay pinanatili ko ang mga tingin ko sa kanya.
Masasabi kong may pagkakahawig talaga sila ni Volt, labis lang ang takot ko kay Zero pero magkahawig talaga sila ni Volt. Pero kung ikukumpura... May pagkahawig din silang dalawa kay Jex. I mean... Yeah, hindi mo mapapansin kung hindi mo tititigan at wala kang pake pero habang nakatitig ako ngayon sa mukha ni Zero... Nakikita ko talaga si Jex sa kanya.
Kung magkapatid nga sila... Anong nangyre sa past at parang hindi naman sila magkasundo ngayon? Actually, ang lumalabas ay parang tinatakwil nila Volt at Zero si Jex ih.
"That's all. Ang mga natawag ang pangalan ay pumunta dito sa harap at magkakaroon tayo ng main meeting. Aalis na rin tayo" Sambit naman ni Volt.
Agad akong tumayo at pinagpagan ang sarili.
Dahil sa kalutangan at kalaliman ang iniisip ay hindi ko na narinig ang mga pangalang binanggit ni Zero pero wala namang duda na kasama ako sa mga maghahanap sa ibang students dahil bukod sa taga Elite ako ay leader din ako ng group ko.
Nang makuntento ay agad akong naglakad sa direksyon nila. Dali-dali naman akong pumunta sa harap kasama ng tingin kong ibang natawag.
Litong napatingin sakin ang iba. Habang seryoso naman saking napatingin sila Volt at Zero, ganon din si Cassian at Jex. Napatingin naman ako kay Servo na kasama sa natawag pero seryoso lang rin syang nakatingin sakin.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...