Serenity Monvazen
Wow!
As in wow!
Ang laki naman ng school na to!
At kung hindi ko pa nababanggit pwes babanggitin ko na.
This kind of school is my dream school!
This is impossible but... Hell!
Tago yung school sa di ko kilalang gubat basta malayo pero worth it naman pag natunton mo na.
Beautiful.
Biruin mo nga naman, may ganito pa lang klaseng school.
Tiningala ko yung nakasulat sa napakataas na gate.
Naka curve sya at sa gilid nya napapalibutan ng dahon. Bakas ang pagkakaluma pero hindi maitatago ang ganda na dala nito. Nababalutan ang bawat letra ng gold na kulay.
"Royal Blood." Bulong ko sa nakasulat.
"Power can save you from death." Dugtong ng nerd na katabi ko sa sulat na nasa baba ng salitang Royal Blood.
Napahinga ako ng malalim bago sumunod sa paglalakad kasama yung ibang kaedad ko na papasok din sa loob.
At yung apat na tao kanina na kasama namin ay di ko na alam kung nasan. Nauna sila at hindi ko na alam kung san sila nagtungo.
Tsk. Pake ko ba sa kanila. Paniguradong gulo lang ang dala nila.
Napatingin ako sa loob ng makapasok na kami.
Kung ganon dito nag aral si papa?
Andito kaya sya?
Pano ko sya mahahanap kung sa umpisa pa lang hindi ko na alam yung itsura nya?
Tss.
Si kuya? Andito kaya sya?
Nahinto ang pag iisip ko nang biglang may umakbay sakin.
Muntik ko na syang patulan pero napataray na lang ako nang makilala ko kung sino sya.
Yung babaeng may kapangyarihang pahintuin yung mga bagay gaya ng pagpapahinto nya sa upuan na binato ko sa kanila kanina.
Nasa gitna namin sya ng nerd at naka akbay din sya dun.
"First day of school nyo here at isa kayong mga Neophyte. Di ba maganda naman kung magkaroon agad kayo ng kaibigan? Dahil dyan, I volunteer myself to be your bestfriend." Hyper na sambit nya.
Magkaibang magkaiba kami ng ugali, and I hate that.
"Neophyte?" Nagtatakang tanong nung nerd.
Tanong ko din yon kaso nga tinatamad akong magtanong tanong ih.
"Ow yah!" Agad na pumitik sa kawalan tong babae sa gitna namin na para syang may naalala. "Neophyte. Yan ang tawag sa inyo ngayon. Baguhan. New to a subject, surrounding, society and everything." Sambit nya.
"Ahh." Bakas ang bilib sa itsura ng nerd.
Hindi ko na lang sila inintindi at muli ko na lang inilibot ang tingin ko sa paligid.
Kamangha-mangha.
"Yap! So bago ko kayo ilibot at bigyan ng free lectures about sa school na pinasukan nyo at mga studyanteng makakasama nyo dito ay magpakilala muna tayo sa isa't-isa." Huminto sya sa paglalakad kaya napahinto rin kami. Agad nyang nilahad ang kamay nya sa gitna naming dalawa nung nerd. "I'm Luna Anson." Pagpapakilala nya.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...