Royal Blood 7

54 9 0
                                    

Serenity Monvazen

"Ms. Leigh. Section D." Rinig naming sambit ng lalakeng nagsa-salita sa harap.

Naka pila kami ngayong mga bago dito sa main area at hinahati-hati na kami sa section.

At ngayon nga natawag na si Leigh at napunta sya sa section D. Dumiretso agad sya sa pila ng mga section D matapos syang matawag. Lilingon pa sana sya sa direksyon ko pero agad akong umiwas ng tingin.

Marami pang ibang natawag bago matawag ang pangalan ko.

"Ms. Sery. Section F." Napataas kilay ako sa narinig ko.

Akala ko ba hanggang section E lang ang meron?

How come na napunta ako sa 'Section F' at sa fact na ako lang ang ka isa isang bago na napunta sa section F.

Napakunot noo ako nang mag iba ang tingin ng ibang students na nakapalibot sakin. Para namang ako ang pinaka malas na student sa paningin nila. Tsk.

Saktong pagtawag sakin kaylangan talaga nilang manahimik ng ganyan?

Umiling na lang ako bago ko hanapin ang pila ng 'Section F' na sinasabi nila.

Nang makita ko ang iilang studyante sa gilid at nakalagay sa taas na F ay agad akong napatango. Mas onti mas better.

Nakapamulsa ang dalawang kamay ko sa magkabilang bulsa ng skirt na suot  ko tsaka ako nag lakad papunta sa direksyon nila.

Napataas kilay ako nang makilala ko yung iilan sa kanila.

Yung iba sa kanila parang nakita ko na sa grupo ng Tyrants at yung leader nila andito din sa section na to.

Tingin ko naman hindi lahat ng nandito ay taga Tyrants, parang yung iba nakita ko na sa ibang grupo.

Iilan lang kaming babae at ang marami talaga samin ay yung lalake.

"Jex." Napataas kilay ako nang makita ko ang kamay sa harap ko.

Agad kong hinarap ang nag mamay-ari non. Tingin ko, eto yung leader ng Tyrants.

Pinamasadahan ko sya ng tingin mula ulo hanggang paa bago ako napa ngisi at napa iling.

Agad ko syang tinalikuran at hindi pinansin.

Wala sa sariling nag lakad ako sa medyo likod. Yung walang presents ng Tyrants pero nasa section F pa din.

Nanatili na lang akong nakatingin sa nagsasalita sa harap.

Magiging okay lang kaya si Leigh sa section nya

Kita ko pa lang dito sa school na to, uso yung nambu-bully sa mga nerd ih.

Kung ganon, kaya nya naman siguro ipagtanggol yung sarili nya.

Pumasok pasok sya dito, pwes harapin nya yon mag isa.

Huminga ako ng malalim bago ko ipinalibot ang paningin ko sa stage.

Umalis na siguro yung mga Elite.

Pag tas kong umalis sa kwartong yon ay hindi ko na sila nakita. Pati nga si Liquid hindi na nag pakita sakin.

Sasapakin ko talaga yon oras na magkita kami. Aba'y hindi pwedeng ako lang yung nahihirapan saming dalawa.

Sya naman talaga may kasalanan kung pano ako napunta sa sitwasyong to ih.

"Kung ako sayo ay lagi na kong didikit kay Jex. Lalo na't sya pa ang unang nag approach sayo." Napahimas ako sa batok ko nang marinig ko ang sinambit ng biglaang tumabi saking babae.

Base sa itsura nya ay hindi sya yung tipo ng babae na mahinhin. Mukha syang weird na seryoso.

Dahil interesado ako sa pinapakita nyang ugali ay agad akong humarap sa kanya.

"Why would I?" 

Napangisi sya sa tanong ko.

"So totoo nga yung nabalitaan ko mula sa mga chismosang studyante dito. 'Fearless Woman'.

Napakunot noo ako sa sinabi nya.

Utang na loob, wag mong sabihing yan ang tawag sakin ng mga chismosang studyanteng nakakita sakin kanina. Ang baduy ha.

Tumango ako bago ako humarap muli sa harapan.

"Ambilis naman kumalat ng balita. Pero hindi totoo yon. Kasi isipin mo nga naman, bakit ka matatakot sa lalakeng yon. Hindi ako fearless, sadyang di lang talaga sya nakakatakot." Mahabang paliwanag ko sabay tawa ko ng bahagya.

"Tyrants sya. Oo pwedeng hindi sya nakakatakot pero ang grupo nya, ang leader nya. Sila ang dapat mong katakutan." Saglit kong tinignan yung babae.

Agad ko namang ibinalik ang tingin ko sa harap.

"Sya yung leader di ba? Anong nakakatakot sa kanya?" 

Matagal na namutawi ang katahimikan kaya agad akong napatingin sa kanya.

Naabutan ko syang nakatingin sa harap.

"Hindi ko alam. May sikreto yan si Jex kaya mas okay na nakadikit ka lagi sa kanya. Hindi mo masasabi kung sinong kaaway mo dito kaya mas mabuti na dumikit ka doon sa tao o grupo na kinatatakutan ng karamihan."

Paliwanag nya na nagpa kunot ng noo ko.

"Sikreto?" Yun lang ang tanging salita na tumatak sa utak ko.

"Sikreto na kahit isa samin walang nakaka alam. Tanging sya lang. Mukhang interesado sya sayo, so ano pang inaantay mo? Grab the opportunity ng malaman mo." Nakangising sambit nya.

Tumango ako bago muling ibalik ang paningin ko sa harap.

"Hindi ako interesado sa kahit ano mang sikreto nya." 

"Edi iligtas mo na lang ang sarili mo. Dumikit ka lang sa kanya ligtas ka na." Akala ko tapos na sya pero hinarap nya mismo ang sarili nya sa harap ko.

"Ang pagiging 'Section F' ay isang kamalasan. 'Section F' ang pinaka mababang section. Walang magandang maidudulot ang pagpunta mo sa section na to. Lahat ng taga dito ay grabe ang hirap na nararanasan mula sa mga kapwa studyante. Tanging ang mga taong nakadikit sa Tyrants at kay Jex lang ang nakakaligtas sa kamalasang dala ng 'Section F'."

Mahabang paliwanag nya bago sya tawagin ng katabi ni Jex na lalake.

"Faith!" 

"Pag isipan mo ang sinabi ko. Hindi ka lang magiging ligtas. Makakakalap ka rin ng impormasyon mula kay Jex." Sambit nya bago umalis sa tabi ko.

Huminga ko ng malalim bago nag isip-isip.

"Nagamot na ba yang pasa mo sa likod? Nga pala, ako nang bahala sa ka grupo kong yon. Ako na rin ang hihingi ng tawad sa nagawa nya sayo." 

Pag angat ng paningin ko ay ang nakangiting mukha ni Jex ang bumungad.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon