Royal Blood 8

44 9 0
                                    

Serenity Monvazen

"Di ka pa pupunta ng room mo? May kanya-kanya daw na meeting ang per section."

Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa biglaang sulpot ni Luna sa tabi ko.

Tamad ko syang tinignan.

Obvious naman na papunta ako sa room ko nagtanong pa sya.

Ang pabalang ko sanang pagsagot ay nahinto nang bigla akong makaramdam ng pagpulupot ng mahigpit sa kamay ko tsaka ako nito hinatak.

Nang makita ko ang side view ng mukha nya ay agad akong napalunok.

Zero.

Kakaibang kaba at kung ano mang emosyon ang naramdaman ko lalo na ngayong nasa tabi ko lang sya at hawak-hawak nya pa ang kamay ko.

Tandang tanda ko pa ang panaginip ko kasama sya.

Ang mga tingin nya.

Ang presensya nya.

Dahil sa kanya, dahil sa kanya muntik na kong mawala. Mamatay.

Hindi yon panaginip. Hindi ko alam pero parang totoong totoo ang lahat.

Naniniwala din ako na dahil sa kanya lumabas ang ability ko.

Hindi ko maintindihan ang takbo ng panaginip kong yon dahil na rin sa putol-putol pero isa lang ang tinatak ko sa utak ko.

'Kapahamakan lang ang dala nya'

Ang lahat ng pinaniniwalaan at kinatatakutan ko ay napatunayan kong totoo nang makita ko mismo sya ng harap harapan.

Totoo ang lahat. At kung kaya kong umiwas para maiwasan ang kapahamakang dala nya ay gagawin ko.

Hindi sa lahat ng oras ay kaya kong maipagtanggol ang sarili ko.

Alam ko sa sarili ko kung kelan ako matatalo sa laban, at alam kong isa na to sa ikatatalo ko.

Nang medyo makalayo at mapunta kami sa hallway na walang medyong tao ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak nya sa kamay ko.

Nang mahinto sya sa paglalakad ay napahinto na rin ako.

Seryoso nya kong tinignan. Pinilit kong magpakamatapang at labanan ang tingin nya.

"Anong kaylangan mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

Geez! Buti di ako nautal.

"Your wound." Maikling sambit nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Napalunok ako sa paraan ng seryosong pagtingin nya sakin.

Agad akong umiwas ng tingin bago ako nagsimulang tumalikod sa kanya.

"Wala kang pake." Maikling sambit ko.

Magsisimula na sana akong maglakad pero agad akong napahinto sa sinambit nya.

"Elite." Napakunot noo ako bago takang tumingin sa kanya.

Seryoso at walang emosyong tingin lang ang iginanti nya sakin.

"Wala akong pake sa grupo nyo. Kung balak nyo kong bwisiten pwes, wala akong panahon para makisabay sa inyo. Sagad na sagad na yung pasensya ko." Tinarayan ko sya bago ako tumalikod. "Konting awa naman sa magagandang kagaya ko." Bulong ko sapat na para marinig nya.

Nawawala talaga ako sa pagiging cool minsan pag nakaka bobo yung kausap ko. Yung kasama ko.

"Join with us. Sa grupo ko. Sa Elite." Napataray ako sa kawalan bago ko sya muling hinarap.

Hindi pa rin naman nawawala ang takot ko kapag kaharap ko tong lalakeng to at tingin ko hindi na to mawawala.

"Sabi nila malaking karangalan daw ang makapasok sa grupo nyo? So bakit ganito mo na lang kadaling ialok sakin yan na parang nagbebenta ka lang ng gulay sa palengke?"

Dahan-dahan syang tumango bago nag isang hakbang na lumapit sakin.

"Because of your ability." Maikling sagot nya.

Bigla kong naalala yung ginawa nila kanina sa school namin.

Dun pa lang, alam ko na na may alam sila sa ability ko.

At habang iniisip ko yung nangyare simula kanina hanggang ngayon unti-unti kong naiintindihan ang mga bagay-bagay.

Kagaya ko sila, ang Elite. May ability sila kagaya ko.

Nung unang kita ko dito sa school na to, ang buong akala ko ay lahat ng studyante dito ay kagaya ko na may ability.

Malaman mo pa lang tong pangalan ng school, mapapa isip kana.

Malay ko bang Elite lang ang may mga ability.

Yung lalake na nakapikunan ko kanina, unang tingin pa lang alam ko na at ramdam ko na na hindi ko sya kagaya.

Pero aaminin ko, nung nagsimula ang laban namin kanina may naramdaman akong kakaibang lakas mula sa kanya.

Dun ko naisip isip na baka nga hindi lahat ng nag aaral dito ay may ability pero sigurado ako na lahat ng nandito ay may kakaibang taglay na physical strength.

Sigurado ako.

Lahat ng nandito ay hindi normal na basta tao lang.

"Oh? Edi yung lalake kanina sa school namin yung yayain mo, tutal nalaman mo naman siguro yung ginawa nya kanina di ba? Ginawa ba namang ahas yung ballpen---"

"Kasali na sya sa grupo. Ikaw na lang ang kulang." Pinigilan ko talagang mapatalon sa gulat dahil sa biglaang sulpot ni Volt mula sa kung saan.

Napataray ako sa kawalan nang mag tabi silang dalawa. Hindi naman halata na magkapatid sila. Hindi talaga promise. Tsk.

"Edi goods, with s." Tamad kong sambit bago sila talikuran.

"Kaylangan mong sumali sa grupo namin. May ability ka."

Hindi ko sila nilingon pero muli akong nagsalita na sigurado akong magpapahinto sa kanila.

"Si Jex. May ability rin sya gaya natin di ba?" Napangisi ako nang wala akong marinig na kahit ano sa kanila.

Aba'y pano ko hindi malalaman? Ilang beses kong nakatitigan si Jex sa mata at ilang beses ko rin syang naka dikit kanina.

Kung anong nararamdaman ko pag kasama ko si Liquid ay ganon na ganon ang nararamdaman ko kay Jex at sa mga Elite.

Ramdam ko agad kung sinong isa samin at hindi.

Hindi yon matatawag na ability, instinct.

"Kung si Jex pwedeng humindi bakit nyo ko pipigilan? Sa dami ng studyante dito? Ilan ang may ability na wala sa grupo nyo?" Dire-diretsyo kong tanong.

Aba'y para akong naiipit rito sa dalawang to ih.

"We rejected them." Seryosong sambit ni Zero.

Ay pak! Ang nililigawan ng nakararami ay nanliligaw sakin ngayon. Kiligin na ba ko at napaka swerte ko? Geez! Edi kayo na!

Sunod naman ay napatingin ako kay Volt.

"Hindi naman kasi porket may ability ka makakapasok kana basta sa grupo ng Elite. Malaki ang responsibility na kaylangan naming gawin bilang myembro ng Elite at hindi namin yon pwedeng basta na lang ipagkatiwala sa mga may mahihinang ability. Sa basta-basta." Rinig kong mahabang sambit ni Volt dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Isa lang ang masasabi ko. Ayoko sa ugali nila. Katulad na katulad ko.

"Kung ganon ang mga kagaya ko naman ang tatanggi sa mga kagaya nyo. May freedom to choose naman siguro ako di ba? Ayokong sumali sa grupo nyo at wala akong balak." Huling sambit ko bago ko mismo silang talikuran.

Napangisi ako.

More... I need more, Elite.


ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon