Royal Blood 10

46 9 0
                                    

Serenity Monvazen

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa naka assigned na room para sa section F ay halos magwala na ko sa inis.

Aba! Pano ba namang hindi?

May pinag titripan na naman yung grupo ni Jex.

Isang lalake at dalawang babae na hindi ko sigurado kung kaklase ba namin.

Pauli-ulit silang tinatadyakan, sinasabunutan at sinasampal nung mga Tyrants. Ultimo babae wala silang pinagpipilian.

Di ba uso sa kanila yung salitang 'Time out'? Or yung salitang 'Space'?

Jusko. Pahinga-pahinga rin sa pambubully. Di ba sila napapagod?

Napa iling ako bago napagdesisyunang lagpasan ang grupo nila na nasa gilid ng pinto ng room. 

Nilagpasan ko rin ang dalawang babae at isang lalake na napiling pagtripan ng grupong to.

Aba! Hindi ako pumasok sa school na to para magpaka super hero at iligtas ang kung sino mang inaapi lalo na ng Tyrants. Ano ako? Taga linis ng kalat ng grupong to?

Matigas lang ulo ko at mahilig akong makipag away pero pumipili rin naman ako ng kaaway ko.

Uso sakin yung salitang pahinga ih.

Walang pake akong dumiretso sa pinaka likod tsaka ko tamad na ibinagsak ang bag ko sa bakanteng upuan at agad akong umupo don atsaka ko ibinagsak ang ulo ko sa desk.

Ilang minutes lang, promise. Gusto ko lang ng katahimikan. 

Pero kung minamalas ka nga naman, lapitin talaga ako ng mga bobo at kulang sa pansin na mga tao no?

Ano pa bang magagawa ko? Edi face the reality. Ganito talaga pag maganda, lapitin ng problema.

Naramdaman ko lang naman ang pagtadyak ng kung sino sa paa ng inuupuan ko.

Walang emosyon kong iniangat ang ulo ko at ano pa nga ba? Syempre mga alagad ni Jex ang bumungad sakin.

Tinaasan ko sila ng tingin.

"What?" May halong iritang tanong ko.

"Pinapasabi ni boss na pilitin ka daw naming sumali sa Tyrants." 

Agad akong tumango bago ko ipinagkrus ang binti ko.

"Anong kayang ibigay ng grupo nyo na hindi kayang ibigay ng mga Elite?" Mapang asar kong tanong.

Aba kung magtatagal ako dito, dun na ko sa mas mapakikinabangan ko no.

Napalunok ako nang biglaang nahawi ang grupo ng Tyrants sa gitna at agad na lumabas don si Jex tsaka nya seryosong ibinagsak ang dalawang palad nya sa kaharap kong desk.

Seryoso nya kong tinignan sa mata na sinabayan ko lang.

Ma pride din ako no. Sabihan pa kong talo o duwag nito ih.

"Kung ayaw mong may mabuong war sa grupo ko at ng Elite---" 

"Mr. Jex." Agad na napahinto si Jex sa sinasabi nya nang biglang may magsalita sa harap. 

Agad akong napalunok tsaka agad na napalingon sa harap.

Base sa itsura nya ay para syang prof. 

"Ehem." Agad kong inagaw ang atensyon ni Jex kaya agad syang napatingin sakin. "Maupo ka muna, ayaw mo naman sigurong maging magulo tong pag uusap natin no?" 

Agad syang nag tagis bagang bago sya agad na naupo sa tabi ko.

Para naman tong timang. Laki ng galit sa mundo? May lihim ba syang hinanakit sa mundong to?

"Kung ganon, may isa pa lang studyante ang nadagdag sa klase na to?" Panimula nung prof na nasa harapan namin ngayon.

Hindi ako makapag concentrate masyado sa sinasabi ng prof dahil nga may lalake sa tabi ko na kanina pang seryosong nakatingin sakin.

Wag mo sabihing nagagandahan sya sakin?

Nakakabaliw nga siguro tong ganda ko.

Pero ang oa naman ng tingin nya. Nagdadalawang isip na tuloy ako kung nagagandahan talaga sya sakin o bigla syang nagkaroon ng hinanakit sakin.

Yung tipong pag nakikita nya ko kumukulo na agad yung dugo nya sa inis ng wala namang dahilan.

Aba may ganon din ako no. Yung kay Sandy or Sand, basta yon. Nakakakulo kaya ng braincells pagmumukha non.

Masisisi nyo ba ko? Mukha ba namang buhangin, tignan lang natin kung di ka mabwiset.

Back to the topic.

Makipag palit kaya ako ng upuan? Yung malayo sa matatanaw nitong si Jex?

Piling ko talaga pag magkadikit kami or magkasama walang magandang maidudulot ih. 

Sya na puno ng sama ng loob gaya ni Zero at ako na mahilig sa gulo. Tsk.

Pag to pinalipad ko palabas ng kwartong to, iyak to promise.

Aba! Kayang kaya sya ng hangin pag nagkataon no.

Kung di lang to gwapo baka kanina ko pa to sinikmuraan.

Tsaka malay ko ba kung ano yung ability nya. Mamaya sa dulo ako pa pala yung talo. Malay ko ba, baka may ability syang patayin ng agad-agad yung kalaban nya. Mabuti ng mag ingat kahit papano.

Di ko naman talaga sure kung may ability sya pero napatunayan ko lang yon base sa reaksyon nila Zero at Volt kanina ih.

"Kaylangan mong mamili ng group na sasalihan mo Ms. Sery. Pwedeng mamili ka or pwede ring piliin ka ng grupo. Nasa sayo kung tatanggihan mo o hindi. Sa dulo naman na sayo pa rin ang desisyon." Agad akong napangiti bago napaturo ang kamay ko sa prof.

"Aba sir! Yan din ang sinasabi ko sa kanila ih! May freedom naman akong mamili di ba?" Nakangiti kong tanong.

"Of course, Ms. Sery. But you only have 1 week para makapag decide. And one more thing. Hindi mo pwedeng piliin ang Elite dahil sila lang ang may karapatang pumili ng magiging member nila." Napataas kilay ako dahil sa sinabi ni sir.

"You will stay here for one whole year, dipende pa yon kung gugustuhin mo rin na mag enroll dito sa next school year. Don't worry dahil may nakalaan namang condo para sa bawat studyante."

Agad napakunot noo ako.

Condo?

Gano ba kalaki tong school na to at pati condo nagkasya?

"Yap, tama ang nasa isip mo. May condo tayo dito sa loob ng school, nasa likod sya ng parte nitong school. Kung hindi ka pa nakakalibot sa loob ng buong school natin ay ngayon pa lang sasabihin ko na na masyadong malaki ang school na to at hindi tayo magkukulang sa kahit ano."

"Ang condo ay per group kaya habang wala ka pang group ay mapupunta ka muna sa dorm. 1 week kayong mag s-stay don kasama mo ang iba pang bago."

"Every week ay may case kayo na iso-solve. May mga case na pwedeng mapunta sa buong section, or meron din na mapunta sa by group. Case na para sa Tyrants lang and so on."

"M. W. F. ang klase ng per section at tuesday, thursday and saturday ang klase for every group. Sunday is your rest day. Pwede kayong umuwi sa mga bahay nyo or magpahinga na lang sa loob ng condo."

"Hindi ko na ituturo ang lahat dahil nasabi na naman yung iba kanina sa seminar ninyong mga bago. So, I hope you'll enjoy your stay here."

"Again, welcome to Royal Blood Ms. Sery." 

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon