Serenity Monvazen
"You." Maikling sambit ng Minotaur na nasa gitna... Ang leader nila.
Napalunok ako at sa hindi malamang dahilan ay napa isang hakbang ako paatras.
Sinasakop ako ng seryoso at puno ng galit nyang mga tingin.
A-Anong nagawa ko?
Ramdam ko ang takot at kabang namumutawi sa buong pagkatao ko.
Gustong gusto kong umiwas ng tingin mula sa kanya ngunit hindi ko talaga magawa. Para syang may kapangyarihan na higupin ang buong atensyon ko at ituon lamang sa kanya.
Sa kabila ng ramdam kong pag alerto ng mga nakapaligid sakin, ang mahigpit na paghawak ni Vest sa kamay ko... Ang buong atensyon ko ay nanatili pa rin sa leader ng Minotaur na nasa harapan namin.
---
"I will protect your clan. I promise." Sambit ko habang nakaharap sa pinuno ng mga Minotaur.
"Pano ako makakasiguro na hindi madadamay ang grupo ko sa gulong gagawin ng pamilya mo." Seryosong sambit nya.
Napatango ako bago inilibot ang paningin sa mga kasamahan nyang nasa likod nya naka pwesto. Lahat ay sakin rin nakatingin at inaantay ang isasagot ko.
Inilibot ko naman ang tingin ko sa paligid.
Nasa kaharian ako ng mga Minotaur. Napakaganda ng lugar nila. Puno ng green ang paligid. Ang sarap pakinggan ng mga tawanan ng mga nagtatakbuhang batang Minotaur, pati na rin ang tunog na mula ata sa batis. Napaka simple ng buhay nila... Kung hindi lang sila nasama sa plano ni Phoenix.
Muli akong huminga ng malalim.
Sa kabila ng kaguluhang nangyayare sa buhay ko ngayon, nagawa ko pang tumakas mula sa mga bantay ko. Paparusahan ako panigurado oras na malaman ng ama ko ang ginawa kong pagtakas.
Ngunit hindi ako nagsisisi. Kaylangan kong bantaan at sabihan ang Monitaur clan sa gagawing pagsakop sa kanila ni Phoenix... Ni Dad.
Isa itong clan nila sa pinaka physical na malakas kaya gustong gustong sakupin ni Phoenix ang clan nila upang madagdag sa kakampi nya para sa darating na war na pangungunahan nya laban sa Royal Blood... Sa paaralang pinapasukan ko.
"Kaya ngayon pa lang ay binabalaan ko na kayo. Bukas ng gabi, alasais ang tungo nila dito para sakupin kayo." Inilibot ko muli ang tingin sa kanilang lahat. "Alam kong may kakaiba kayong lakas pagdating sa physical... Pero... Pero alam nyo naman siguro na wala rin kayong laban kay Phoenix." Agad akong napayuko. "Masyado syang malakas para sa inyo."
Huminga sya ng malalim at seryosong ibinalik ang tingin sakin.
"Bakit mo to ginagawa? Pano ako maniniwala sayo kung mismong tatay mo ang may planong lusubin ang kaharian namin."
Napalunok ako at agad na seryoso syang tinignan sa mga mata.
"I hate him." Seryosong sambit ko. "In fact, I don't see him as my father." Diretsong sambit ko.
"Kung ganon bakit hindi ka na lang umalis sa puder nya?"
Hindi ko na namalayan ang biglaang pamumuo ng galit sa mga mata ko.
"I can't. Hindi sya papayag at wala akong magagawa, masyado syang malakas. At... At ayokong iwan ang mom ko. N-Nadamay lang din sya. She's controlled by my father."
Kontrolado ng walang hiyang ama ko ang mom ko. Kaya kahit anong pilit ko kay mom na tumakas na kami kay Dad ay hindi nya magawang pumayag. Kay dad lang sya nakatutok. Lahat ng sasabihin ni Dad ay pinapaniwalaan nya, sinusunod nya. Para syang robot na ginawang master si Phoenix.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...