Serenity Monvazen
"Oh my God! Sery! Stop that! Tigilan mo yan! Ano ba?!" Napahinto ang kamay ko sa ere na dapat ay dadapo sa makapal na mukha ng kaklase ko nang bigla kong marinig ang boses ni Aly.
Napatingin ako sa paligid.
God! Gumawa na naman ba ko ng scene?
How come na maraming nanonood kapag ako na ang kumikilos?
Kainis! I hate this school, lahat na lang ng students inaabangan ang bawat kilos ko. And it's really suck as hell.
Ano bang tingin nila sakin? Entertainer? Pag bored sila sa buhay nila aabangan lang nila galaw ko tas magkaka-interest na ulit silang mabuhay?
Buset.
Agad akong nilapitan ni Aly sabay hawak nya sa braso ko.
"Get your hand off me, Aly. Masasapak kita kapag di mo binitawan ang braso ko. Swear." Pagbabanta ko sa kanya.
Inirapan nya lang ako sabay hatak nya sakin papunta sa kung saan.
Napairap ako nang mapunta kami sa isang kwarto na walang kalaman-laman, tanging mga nakakalat na upuan lamang, yung iba ay sira pa.
Luma sa tingin ko.
Well, I don't care.
Hindi naman gabi pero halatang pinagkaitan ng liwanag ang kwartong ito. Madilim. Tanging ang liwanag lamang sa labas ang nagbibigay ng liwanag dito.
Nang maisara ni Aly ang pintuan ay tsaka nya pinakawalan ang mga braso ko.
"Ano yon, Sery?!" Naiinis na sabi nya. Bakas ang galit sa kanyang mata. Namumula mula pa ang kanyang leeg.
Napairap naman ako.
Inaano ko to?
"What?!" Naiinis din na sambit ko.
Parang baliw.
"Anong what?! Kelan ka pa nauntog at biglang nakalimot?! Ipapaalala ko lang ulit sayo Ms. Monvazen, you're not normal. You're almost immortal! Baka pwedeng pabawasan naman ang init ng ulo mo! Walang kalaban laban sayo yung studyante kanina ih!" Naiinis na sambit nya na kulang na lang ay sabunutan ako para makahinga lang sya.
Napaupo ako sa isang lumang upuan na nasa gilid.
Pinalibot ko ang tingin ko pero ibinalik ko rin ang tingin ko kay Aly dahil wala naman akong masyadong makita dahil sa dilim ng paligid.
Inisa-isa kong itaas ang daliri ko na para bang nag bibilang.
"Ah! Seven." Nakangiting sambit ko sa kanya.
Napasabunot naman sya sa sarili nyang buhok.
Tignan mo tong babaeng to, parang mas stress pa sakin.
"Ano?" Naiiritang tanong nya.
"They kicked me seven times, they slapped me five times at pinagtulungan nila akong sabunutan. And look! My uniform! Geez! Anlagkit ko na! Tinapunan ba naman ako ng shake. Duh! Mga isip bata." Naiiritang sambit ko sabay pagpag sa uniform ko.
Kadiri talaga!
"W-What?" Napangiti ako nang makita kong namumula na sa galit si Aly.
Aww, that's my bestfriend.
"You know, Sand or Sandy or whatever her name is, she's blaming me. Sabog ata yon ih. Inagaw ko daw yung boyfriend nya. Sira! Nakita mo na ba yung boyfriend non? Loko mas papatulan ko pa lolo mo pag nagkataon! Nakakasuka kainis." Naiiritang sambit ko pero wala pang ilang segundo nang matawa ako.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...