Serenity Monvazen
"Sleep if you want. Malayo-layo pa naman ang destination natin." Rinig kong mahinang sambit ng katabi ko.
Napatingin ako sa kanya.
Nakapikit sya habang nakasandal sa inuupuan at naka krus ang dalawang braso sa dibdib.
Mula sa pwesto ko na katabi lang nya ay kita ang pagkaka anggulo ng mukha nya, like panong may ganitong tao sa mundo?
Para syang mula sa mga wattpad books, yung kurba ng mukha nya, yung kilay na nakita ang pagkakakapal, yung mga pilik mata nyang normal na naka kurba, yung ilong nyang kita ang pagkakatangos at yung labi nyang---
"Sleep, don't stare at me." Sambit nya dahilan para mapa-iwas ako ng tingin at agad na ibinigay ang buong atensyon ko sa binatana na katabi ko.
"Don't talk to me." Sambit ko.
'Bakit ba kasi tumabi-tabi pa sakin tong isang to?'
Napatingin naman ako sa iba pang mga nakasunod saming bus.
Nandoon naman ang ibang group pero dahil kami ang group 1 ay kami ang nangunguna sa daan.
***
"Wake up... Hey..." Dahan-dahan kong naimulat ang mata ko.
Nang makita kong sobrang lapit sakin ang mukha ni Jex ay agad ko syang naitulak at wala sa sariling napatayo ako.
"Sh*t!" Daing ko nang mauntog pa ko ngunit ipinagwalang bahala ko na lang yon at dali-dali kong kinuha ang gamit ko at nagmamadaling napatakbo palabas.
Natapilok pa ko pababa at kung hindi lang ako inalalayan ng isang student ay baka napahiya na ko sa pagbagsak ko.
"T-Thanks." Nahihiyang sambit ko at sinuklian nya naman ako ng ngiti.
Agad akong umayos ng tayo at inayos ang sarili ko bago nanguna sa pila.
I'm the leader.
Yeah. Tsk!
Nagbigay lang ng iilang paalala samin yung isang staff na si sir Noah atsaka sya nagsimulang maglakad na sinundan naman agad namin.
Actually, sa dami ng staff ng Royal Blood ay si sir Noah lang ang kasama namin ngayon, mga tamad!
Dapat sinama na lang nila ako sa pamamahinga nila ih.
Nang magsimulang maglakad ay ayos pa ang lagay ko.
Pero nung inapak ko na ang paa ko sa bungad ng gubat ay nakaramdam ako ng kakaiba sa katawan ko.
Yung tipong parang may humihigop sa pagkatao ko. Sa buong lakas ko. Weird.
Napatingin ako sa paligid ko at tinignan ko ang mga kapwa ko studyante pero parang wala naman silang nararamdaman.
"That's normal." Napatingin ako sa katabi ko na biglang nagsalita. Si Jex.
Napailing ako.
Ang weird talaga ih.
Nang walang marinig na reklamo sa iba ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
***
"Nasan ang ibang group?" Tanong ko sa katabi kong si Meg.
Kasama sya sa group ko ngayon at taga Justice Bringers sya, section C.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...