Serenity Monvazen
Agad akong napadilat sa kalagitnaan ng pagtulog ko dahil sa sunod-sunod na sigawang naririnig ko.
Kinuha ko ang jacket na nasa tabi ko at agad na sinuot iyon tsaka ako nagmamadaling lumabas.
Halos mawindang ako sa nakita ko.
A-Ang gulo.
Yung paligid. Yung mga gamit namin ay nagkalat sa kung saan-saan, yung mga tent sira-sira na at yung mga ka-grupo ko... Ang dudungis nila. May mga sugat sila. May mga pasa. Ang tatapang pa rin ng mga mukha nila at kita mong handang lumaban pero hindi maitatago ang takot sa mga mata nila.
Alam kong sanay na kami sa mga brutal na labanan tuwing ang klase namin ay per team dahil inilalaban kami sa kapwa namin kaklase, nagkakaroon kami ng mga pasa at sugat sa ibat ibang bahagi ng katawan namin, kumakalat din ang dugo, nagkaka pisikalan kami pero sa mga oras na yon, alam ko at kampante ako na ligtas pa rin kami, na hindi aabot sa puntong ikapapahamak na ng buhay namin.
Pero ngayon?
Ano tong nakikita ko?
Ano tong nararamdaman ko?
Nang may dumaan na ka-grupo kong babae sa harap ay agad ko syang hinawakan sa braso.
Seryoso naman nya kong tinignan.
"Anong nangyayare?" Naguguluhang tanong ko.
Agad nya namang inilayo ang kamay nya sakin.
"Isang kamalasan talaga na sa grupo mo ko napunta. Ni wala kang kaalam alam, ikakapahamak natin yang lahat." Seryosong sambit nya.
Lalong napakunot noo ako.
Nang umalis sya sa harapan ko at nagsimulang tumakbo ay hindi ko na sya hinabol pa.
Agad akong naglakad at hinanap ang bulto ni Jex. Hindi ko na lang pinagtuunan ng pansin ang iba kong ka-grupo na alam ko namang simula sa una ay hindi ako gusto.
Nirerespeto lang naman nila ako dahil bukod sa Elite ako ay alam nila na malapit pa ko kila Jex na kinatatakutan nila.
"Sery!" Agad akong napatingin sa babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko.
HIndi ko masyadong maaninag ang mukha nya dahil madilim pa at hindi pa ganon ka araw. Nasa gitna pa lang kami ng gabi.
Nang makalapit sya sakin ay doon ko lang sya nakilala.
"Meg! Anong nangyayare?" Takang tanong ko sa kanya.
"K-Kanina pa kita hinahanap. Nasan na yung iba nating ka grupo?" Tanong nya habang hinihingal-hingal pa.
Agad ko namang tinuro ang kabilang bahagi sa likod ko.
"Natulog ako tas pag gising ko ganito na ang dinatnan ko. Ano bang nangyare? Yung iba tumakbo papunta sa kung saan. Bakit sila nagkakagulo?" Sunod-sunod na tanong ko.
Agad akong napakapit sa jacket na suot ko dahil sa pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa binti at mukha ko.
"May mga nagkalat kasi na Minotaur dito sa gubat. And swear, sa lakas nila, malabong mabuhay ka, so all we need to do... Is to run." Paliwanag nya na lalong nagpagulo sa utak ko.
"W-What? Minotaur? Like yung sa Greek Mythology? Yung last na tinuro ni Ms. Sam? H-How come?" Naguguluhang tanong ko.
What the hell?
"No... Wait, tinawag lang syang Minotaur dahil same image nya yung sa greek mythology with the head and tail of a bull and the body of a man but there's no evidence na Minotaur talaga yon, na buong akala natin ay sa greek mythology lang nabubuhay."
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...