Royal Blood 31

24 5 0
                                    


Serenity Monvazen


Agad akong tumakbo paikot tsaka kumuha ng tyempo at solidong sinuntok ang isang Minotaur na sobrang lakas talaga! As in!

Sa sobrang lakas ni hindi ko manlang napagalaw yung Minotaur.

Napakunot noo ako.

"Geez! Ang lakas nila!" Naiiyak na na sambit ko sa kawalan.

"Suko na?" Nang aasar na sambit ni Tyron habang abala sa pakikipaglaban sa isang Minotaur. 

Gusto ko pa sana syang titigan dahil grabe talaga ang hanga ko sa kanya habang nakikipaglaban pero hindi ko magawa kasi agad akong sinugod nung kalaban kong Minotaur.

Nagulat ako nang pati yung isa ay sakin na papunta. Tatlo kasi sila at dalawa lang kami ni Tyron.

"H-Hoy! D-Dun ka! Dun ka kay Tyron!" Naiiyak na sambit ko doon sa isa.

Ni hindi ko nga magawang patumbahin tong isa tas dadagdag pa sya?!

"F*ck!" Natatawang sambit ni Tyron at agad napahinto sa ginagawa ngunit agad din syang sumugod. "Don't make me laugh, please." Habol nya pa na tinarayan ko lang.

Bida-bida na naman sya.

Agad akong nagpokus sa kalaban ko.

Kanina nya pa ako pinapatamaan at sobrang sakit talaga. Pag eto napabagsak ko sisiguraduhin ko talaga na ipiprito ko to.

Punong puno na ko ng sama ng loob sa kanya.

Muli akong tumakbo sa direksyon nya tsaka mabilis na sinaksak ang hawak kong kahoy sa dibdib nya ngunit hindi nya manlang yon ininda. Pano ba naman, hindi naman ganon kalakihan ang hawak ko.

"K-Kanina ko pa sya sinusubukang puruhan pero parang hindi naman naaapektuhan!" Sumbong ko kay Tyron.

Napapunas ako sa noo ko gamit ang braso ko dahil sa patuloy na pagtagaktak ng pawis ko.

"Puntiryahin mo sa batok, kahinaan nila yon!" Sagot nya naman.

"Eh bakit di mo ginagawa?! Kanina ka pa jan sa kalaban mo!" Naiinis na sambit ko sa kanya.

Kung sanang maaga nya yan tinapos edi sana natulungan nya pa ko dito. Kaso ma pride din gaya ko ih.

"Gusto kitang asarin ih." Pag amin nya na lalong ikinakulo ng dugo ko.

Agad kong hinawakan ang kahoy na nakatusok sa Minotaur na kalaban ko at agad akong tumalon at buong lakas na tinadyakan sya para mahugot ko ang kahoy. 

Halos tumalon naman ang puso ko sa tuwa nang magtagumpay ako.

"Papatayin kita pagkatapos nito!" Galit pa rin na sigaw ko kay Tyron.

Bumwelo yung Minotaur na kalaban ko para sugudin ako ngunit agad akong tumakbo at nagpadulas sa gilid nya at dali-dali akong tumayo at mabilis na tumalon, iniangat ko ang kamay ko at mabilis na itinarak ang kahoy sa batok nya kasabay ng paghugot ko rin dito. Nang mag landing ako sa sahig ay kasabay ng pagtalsik ng green na dugo mula sa Minotaur at ang pagbagsak nito.

Nakahinga ako ng maluwag nang magawa kong tanggalan ng buhay ang Minotaur na kanina ko pa kinakalaban.

God! Nakapatay ako ng Minotaur!

Naiiyak ako!

Waaa---

"Shet!" Sigaw ko nang bigla akong tumalsik at tumama sa isang puno.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon