Serenity Monvazen
Habang nakasalampak sa sahig at patuloy ang pag agos ng luha ko ay ramdam ko ang pagluhod ng isang bulto ng tao sa harapan ko.
Agad nyang pinahidan ang luha sa mukha ko kaya ang nanlalabo kong mata dahil sa mga luha ko ay unti-unting naging malinaw dahilan para makita ko ang mukha nya.
"V-Vest..." Naluluha pa ring sambit ko.
"Tahan na, ampanget mong umiyak." Seryoso nyang sambit dahilan para mapasimangot ako.
Wala talaga tong ibang ginawa kundi pikunin at asarin ako.
"Mas panget ka! Ikaw nga hindi pa umiiyak napaka panget na ih!" Pang aasar ko din sa kanya.
"Atleast hindi iyakin." Balik na pang aasar nya sakin. "Kala mo naman broken hearted ang lagay mo!"
Agad ko syang hinampas sa balikat.
"Anong broken hearted?!" Inis na sambit ko sa kanya.
Agad naman syang tumawa ng paglakas lakas tulad ng mga tawa nya pag alam nyang napipikon na ko sa kanya. "Oo nga! Mukha kang jowa ni Zero na hiniwalayan nya!" Natatawang sambit nya.
Wala sa sariling binatukan ko sya ng pagkalakas lakas.
"Wala ka talagang kwenta!" Sigaw ko sa kanya.
"Tahan na kasi, ampanget mo nga. Sige ka, di na kita crush. Itatakwil na kita." Pananakot nya na inismiran ko lang.
"Pakeelam ko sayo?!" Sigaw ko sa kanya bago pilit na tumayo.
Agad nya naman akong inalalayan sa pag tayo. Wala rin naman akong lakas kaya hinayaan ko na lang sya na tulungan ako.
"Kinatakutan pa kita dati dahil sa tapang mo tas makikita lang kitang umiiyak sa harap ni Zero? Asan na yung matapang na Sery na nakilala ko?" Bulong nya sakin na ikinatahimik ko.
Sa pagkakataong to ay unti-unti kong binalikan ang mga pinag gagawa ko sa buhay ko bago ko pa makilala ang mga taong kasama ko ngayon. Bago pa ko mamulat sa mundong ginagalawan ko ngayon. Bago pa pumasok sa buhay ko ang Royal Blood.
Hindi ako ganito.
Hindi ako mahina.
Kinakatakutan ako ng lahat.
Hindi ako emosyonal.
Wala akong kinakatakutan.
Walang kayang magpa-iyak sakin.
Alam ko sa sarili ko na mabilis akong kumilos, maliksi, malakas... Malakas ako even without using my ability.
Kahit ano kaya ko.
Wala akong inaatrasan.
"... Asan na yung motto mo na 'I'm Serenity, your finish line.'?" Muling bulong nya sakin.
Muli kong naalala ang unang kita ko sa kanya sa principal office.
Agad ko syang tinarayan bago pilit na tinulak tsaka ako pilit na tumayo ng maayos.
"I don't need your help." Pataray na sambit ko. "Lumayo ka, kairita." Dugtong ko pa ngunit imbes na magalit ay agad nya kong ginantihan ng tawa.
Inilingan ko sya bago ko inikot ang paningin ko. Muli kong nakita si Zero pero nakalayo na sya samin, naglalakad palayo.
"By the way... San tungo mo? Bakit mag isa ka? Asan yung mga ka grupo mo?" Sunod-sunod na tanong ni Vest na muli kong inirapan.
"Daming tanong." Bulong ko. "First of all, hindi ko alam kung san ako tutungo cause obviously nasa kalagitnaan tayo ng gubat. Second, dahil mas gusto kong mag-isa at hinahanap ko ang kumag na si Jex and lastly, nasa safe na lugar ang mga ka grupo ko. Magkakasama sila and I really hope na inaantay nila ako." Mahabang paliwanag ko kahit sa totoo lang tinatamad akong magsalita.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...