Royal Blood 35

21 3 0
                                    


Serenity Monvazen


"Baka nakita ni Sery." Seryosong sambit ni Trig habang nakatingin sa mga mata ko.

Agad nyang naagaw ang atensyon ng lahat.

Napalunok ako lalo na nang mapunta sakin ang mga tingin nila. 

Lumayo sakin si Vest at taka rin akong tinignan.

H-Hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko nga alam kung may maisasagot pa ko ih.

Kahit sang anggulo tignan ako ang magiging mali at aminado ako doon, sadyang ayoko lang literal na aminin sa kanilang lahat.

Aba! Ma pride ako no! A-Atsaka... Fore sure na magagalit silang lahat sakin, lalo na yung mga Elite... Sila Zero... Argh! Ano bang pake ko?!

Huminga ko ng mallaim at magsasalita na sana kung di lang kami nakarinig ng sigaw.

Agad akong nanigas sa kinatatayuan ko. 

Kahit saglit lang ang naging pag uusap namin kanina ay nakilala ko na agad kung kaninong boses yon.

Hindi ako pwedeng magkamali, at alam kong sigurado din sila... Na si Clara yon.

Nagkagulo sila at patakbong umalis. May iilang natira at naghintay na lang dito ngunit ako ay nanatili sa pwesto ko.

"Hindi ka ba sasama?" Nabalik ako sa reyalidad dahil sa sinambit ni Vest na nasa tabi ko.

"H-Ha? Ah oo." Maikling sambit ko atsaka naglakad sa direskyon na pinuntahan ng iba. Ramdam ko naman na nasa likod ko lang si Vest na nakasunod.

Nang makita ko na ang pwesto nila ay naging mabagal ang paglalakad ko.

"Hey, Sery..." Agad akong napatingin kay Vest. Agad nangunot ang noo nya. "Okay ka lang?" 

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinigay na lang ang atensyon sa harap.

May nakita ako sa kabilang gilid na isa Minotaur pero bagsak na. Hindi ko alam at wala na ata akong pake kung sino pa ang nag pabagsak noon.

Ibinalik ko ang buong atensyon ko sa harap kung saan may pinagkukumpulan sila at naniniwala akong si Clara ang rason non.

Kahit nahihirapan ay agad akong naglakad sa pwesto nila.

Pinilit kong makisiksik sa kumpulan at hindi naman ako nabigo dahil yung iba ay sinadyang padaanin ako dahil siguro taga Elite pa rin ako or... Baka dahil kasama ko si Vest. Tsk!

Bumungad sa harap ko Clara na nakasalampak sa sahig at nakasandal sa isang puno habang nakayakap sa nakaupong si Zero.

Bawat detalye ay pinapanood ko kahit parang gusto ko na lang tumakbo ay lumayo sa kanila sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

Umiiyak si Clara at hinigpitan pa nya ang pagkakayakap kay Zero.

Ang kaninang napakalinis na itsura ni Clara ay napalitan ng mga sugat at pasa. Puno din ng dugo ang ibat ibang bahagi  ng damit nya.

Kita ang panghihina nya... Natakot sya... Hindi ko naman alam... Hindi ko naman alam na matatakot sya... N-Na mahina sya.

Hindi ko magawang magalit or magreklamo sa itsura nila ngayon ni Zero dahil una sa lahat... Kasalanan ko.

Rinig na rinig ang paghikbi nya at halatang ayaw nyang kumawala kay Zero.

Naiintindihan ko... P-Pinipilit kong intindihin pero... 

No Sery! Stop!

Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili ko.

Pilit na lumayo si Zero sa kanya.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon