Serenity Monvazen
"Hide out." Maikling sambit ni Jex.
"Ha?" Tamad na tanong ko sa kanya.
"Gusto mong makita yung hide out namin, right?" Seryosong tanong nya.
Agad akong napabusangot.
Inis ko syang nilingon bago walang paalam na humiga sa gray na malambot na kamang inuupuan ko.
"Kung sasabihin mo lang na eto na yung hide out nyo, pwes wag mo nang subukan. Ayokong dagdagan yung inis ko sayo." Mahabang lintaya ko habang nakatingala sa puting kisame.
Hindi ko alam kung nasaan kami pero halata naman na isang kwarto to' dito sa isang condo unit na hindi ko alam kung kanino.
"You're in my room, Serenity." Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya bago napa upo at napatingin sa kanya na nakaupo sa couch na nasa gilid lang netong kama.
"Weh?" Hindi makapaniwalang sambit ko.
Agad kong ipinalibot ang tingin ko na hindi ko nagawa kanina dahil sa pagka pikon sa kanya.
Agad napakunot noo ako.
Hindi nya to' kwarto! Hindi ako naniniwala!
Panong magiging kwarto nya to' eh sa ang aliwalas ng kwarto?!
Like puro puti yung nakikita ko, kung hindi puti ay gray naman. Basta maaliwalas sya, hindi dark yung aura.
Ang elegante pero hindi dark.
Hindi yon ang pagkatao ni Jex. Hindi ganito yung ine-expect ko sa kanya.
Muli ko syang nilingon at nang makita kong walang halong biro sa mukha nya ay agad nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa bibig ko.
Bakit ba?! As in nagulat talaga ako!
"You're overreacting Serenity." Blangkong sambit nya.
Agad akong napatayo habang nakaturo sa kanya.
"Don't call me Serenity!" Sigaw ko sa kanya na nagpataas ng kilay nya. "S-So... Nasa condo unit ba ko ng Tyrants? G-Ganon ba?"
"Kasama ko si Tyron at ang ibang members dito pero yung iba nasa kabilang unit." Agad naman akong napatango-tango sa sinambit nya.
"Eh mabalik tayo sa kwarto mo, seryoso kang kwarto mo to'? Dark na aura at kulay ang inaasahan kong magiging kwarto ng isang leader ng Tyrants." Mahabang sambit ko habang hindi nawawala ang paglibot ng mata ko sa paligid.
"I don't know. I also don't like the color, but I love the ambiance. I love the feeling with no reason." Seryosong sambit nya.
Agad napakunot noo ako nang mapansin ko ang hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata nya pero naging panandalian lang iyon.
Mabilis akong napakurap-kurap nang mapatingin sya sa direksyon ko.
Dali-dali akong umiwas ng tingin tsaka nadako ang tingin ko sa desk nya na nasa kabilang gilid ng kama.
"Ow! Ikaw yon?" Natutuwang sambit ko habang nakatingin sa mala teenager na lalake sa picture frame.
Agad akong napatakbo sa kabilang bahagi ng kama nya tsaka ko hinablot ang picture frame.
"Sery, please. Ibaba mo yan." Napipikon na sambit nya.
"Aww, dati pa lang pala halatang playboy kana. Wala ka bang naging girlfriend? Or puro fling lang?" Pagbabaliwala ko sa sinambit nya at talagang naka focus ako sa picture frame na hawak ko.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...