Serenity Monvazen
"Bakit mo naman kasi sinapak yung tao? Inaano ka ba ha?!" Inis na sambit ko kay Liquid.
"Eh humiwalay sya sa inyo ih. Pano kung napano ka? Wala kang ability sa gubat na to kaya hindi mo alam kung gano ako nag alala sayo tsaka bakit ba masyado kang apektado ha? Sinabi ko na sayong layuan mo sila di ba?!" Naiinis rin na sambit sakin ni Servo.
Napalingon ako sa pwesto ng iba naming kasama, malayo kami sa kanila dahil pinilit akong hatakin ni Servo dito dahil may pag uusapan daw kami.
Pero ang lagay sya lang naman nagsasalita.
Sisigawan pa ako pag sumagot sa mga tanong nya, saan ako lulugar?
"K-Kasi nga ka grupo ko sya. Responsibility ko sya."
"Look at me." Seryosong sambit nya ngunit umiling-iling lang ako. "Serenity, look at me."
Napalunok ako sa paraan ng pagiging seryoso nya kaya wala akong nagawa kundi pilit na lumingon sa kanya.
"A-Ano?"
"Layuan mo sila." Muling seryosong sambit nya.
Yan na naman sya, hindi ba sya nag sasawang sabihin yan ng paulit-ulit knowing na hindi ko rin naman susundin.
At isa pa, nakakapagod kayang sundin yung mga utos nyang wala ring maidudulot sakin. Yun bang walang point?
Agad akong napa atras ng tangkain nya kong hawakan sa balikat. Seryoso ko syang tinignan sa mata.
Ayoko mang i-open to ngayon ay wala akong pagpipilian. Bihira ko lang syang makasama at makausap simula nang maka apak ako sa Royal Blood at naniniwala akong isa ito sa mga huling pagkakataon ko na kaylangan kong i-grab.
"Sabihin mo muna sakin lahat ng nalalaman mo. Yung mga sikreto mo." Buong tapang na sambit ko. "Alam kong may mga tinatago ka sakin. Pilitin ko mang hindi maniwala sa mga naririnig ko at sinasabi ng iba ay hindi ko magawa. Pano ko magagawa kung yung mismong katotohan hindi ko alam? Kung nilalayo mo ko sa mga bagay na dapat kong malaman?"
"Serenity..."
"Servo, ano bang dapat kong malaman?"
"Hindi---"
"Andito na yung iba!" Nahinto sa sinasabi si Servo dahil sa biglaang pagsigaw ng isang studyante.
Agad akong napatingin sa mga studyanteng bagong dating.
Una kong nakita si Volt at ang mga kagrupo nya kasunod ay si Cassian at ang mga kagrupo nya.
Nag antay pa ko ng ibang dadating pero napabagsak balikat ako nang wala na.
Tinalikuran ko si Servo at maglalakad na sana sa direksyon ng iba ngunit agad nyang nahawakan ang kamay ko.
"Ginagawa ko ang lahat ng to' para sayo."
May sasabihin pa sana sya ngunit agad kong binawe ang kamay ko mula sa kanya at nauna na kong umalis.
Wala akong mapapala kay Servo. Desidido syang i-sekreto ang lahat sakin.
Matik na yang mga ganyang galawan ih, yung tipong pag ayaw umamin ng isang tao sa sikreto nya ay gagawin nyang dahilan ang word na 'para sayo to' and so on.
Umiling na lang ako at iwinaksi sa isipan ko si Servo.
Walang pagdadalawang isip na nag dire-diretso ako sa kinaroroonan ni Jex na nakaupo lang sa malayong bahagi habang katabi si Tyron at ng iba pang Tyrants.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...