Serenity Monvazen
"Gosh! You're so galing talaga Chezka. Look how nerd and old-fashioned Leigh turned into a hot, gorgeous woman." Tuwang tuwang puri ni Fatima.
"Yap! Ayan! Mas bagay sayo." Natutuwang sambit din ni Luna.
"Hindi naman mahirap ayusan si Leigh. Maganda sya, kulang lang sa ayos." Natatawang sambit naman ni Chezka.
Agad naman akong napalingon kay Leigh and there she is, pulang pula na sa hiya.
"And pack! Ang taray din ng look naten Sery ha. You look more fearless. Ang hot!" Bigla naman akong napalunok sa sinambit ni Luna.
"Ay te! Marami-rami kang mahahatak na lalake nyan. Ingat ka ha, walang kasiguraduhan na maga-guard ka namin don." Sambit naman ni Fatima.
Agad akong napangiti bago muling napatingin sa salamin na nasa harap ko.
I'm just wearing simple cocktail attire. Just wearing a black fitted dress exposing my left shoulder, my stomach, and my legs, of course... With my high heels.
This style will ease me into just about every nightclub's doors.
Itinali ko rin ng pa messy ang hair ko na tingin ko babagay sa suot ko.
Sanay na ko sa mga ganitong lakad dahil madalas kong pilitin at hatakin noon si Aly sa ganitong gala. Mukha lang yon mahinhin pero mas grabe pa yon sakin pag dating sa boys hunting.
"Super thank you talaga Chezka." Muling pasasalamat ni Fatima.
"Always welcome girls. Basta i-excuse nyo ko sa na absent kong day ngayon ha."
"Of course! Gusto mo whole week pa ih!" Luna said.
"Yap! Just keep us updated sa mga trends ha." Pahabol naman ni Fatima.
***
"Seriously? Where are we going?" Intrigang tanong ko na.
Pang club yung porma namin pero parang probinsya yung tungo ng sasakyan na minamaneho ni Luna ih.
"Relax, okay?" Natatawang sambit naman ni Luna.
"Nasa bayan tayo na sakop ng mga Royal Blood." Paliwanag naman ni Fatima.
"What? Bayan ba kamo?" Muling sambit ko.
"So mga Royal Blood din sila?" Tanong naman ni Leigh.
Agad naman syang nginitian ni Fatima na katabi nya sa likod habang katabi ko naman si Luna.
"Of course not, darling. Mga normal na tao lang sila na naging kaibigan ng Royal Blood. Mga normal na taong nakakaalam sa existence ng Royal Blood."
"Okay fine. But what are we doing here? Mangangampanya?" I sarcastically said.
Agad naman silang napatawa sa sinambit ko.
"Ang taray, bagay sa look." Natatawang sambit sakin ni Fatima na tinarayan ko lang.
"Nasa dulong bahagi neto yung RB bar." Paliwanang naman ni Luna.
"RB bar, yeah right." Pag uulit ko.
"Yap. And ang costumers naman sa bar na yon ay both normal people and mga Royal Blood."
Oh, God. I just want a normal night out.
***
Agad akong napangiti nang bumungad sakin ang madilim ngunit maingay na paligid.
Napatingin ako sa katabi kong si Leigh nang bigla syang kumapit sa braso ko na parang bata.
Agad kong tinignan ang tinitignan nya. Then, agad akong napangisi. Naghahalikan na parang walang ibang tao sa paligid. Club na club.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...