Royal Blood 40

24 2 0
                                    

Serenity Monvazen

Iiwan ko na sana sya sa pwesto nya nang bigla kong maramdaman ang lakas ng hampas ng hangin sa katawan ko.

Agad akong naging alerto, naging mabilis din ang kilos ni Cassian. Isang pikit ko lamang ay agad na syang nasa harapan ko. Nakunot noo ako. Kakaiba ang bilis nya, hindi pangkaraniwan. Eto ba ang ability nya? Kung ganon pwede na bang gamitin ang ability dito?

"They're here." Rinig kong bulong ni Cassian sa harapan ko.

"W-Who? S-Should we run?"

Saglit syang lumingon sakin ngunit agad ding ibinalik ang tingin sa harapan. "Too late." Maikling sambit nya na agad ding sinundan nang pagdating ng sobrang daming mga naka itim na lalaki. May ibat-iba silang armas na dala at base sa bigat ng nararamdaman ko ngayon mula sa presensya nila... Malakas sila. Hindi sila pangkaraniwang tao lang.

Are they royalties... Like us?

Hirap akong napalunok nang bigla silang pumalibot samin ni Cassian. Agad akong napatingin sa kamay ni Cassian na biglang sumakop sa kaliwa kong kamay. Mahigpit nya kong hinawakan sa kamay nang hindi pinapadaan ang tingin sakin. Lalo nya kong isiniksik sa likod nya na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sakin.

Is he trying to protect me?

"Listen to me Serenity." Mahinang bulong nya. Nanatili akong tahimik ngunit pinilit kong maging alerto sa ano mang sasabihin nya. "I'll distract the men at your back then run when you have a chance. Run as fast as you can. Don't look back." Seryosong sambit nya na imbes na maghatid sakin ng gaan ng loob dahil bibigyan nya ko ng pagkakataong tumakas ay mas nangibabaw ang bigat sa pakiramdam ko.

Balak ko na sana syang sagutin nang bigla akong balutin ng lamig sa buong katawan ko. Napabitaw ako sa kamay ni Cassian at agad na napahawk sa dibdib ko. Wala sa sariling napahawak ang dalawang palad ko sa dibdib ko. Pilit kong idiniidn ang kamay ko sa dibdib ko na para bang mapipigilan nito ang pagkirot na nararamdaman ko.

Agad na napatingin sakin si Cassian. Mabilis na bumalot ang pag aalala sa kanyang mukha nang makita nya ko. Dali-dali nyang idinampi ang palad nya sa mukha ko.

"What's happening? Y-You look so pale. May masakit ba? Tell me, Sery! Tell me, please."

Gusto ko man syang sagutin ay agad kong naramdaman ang labis na kirot ng dibdib ko. Dahilan para lalo kong idiin ang kamay ko sa dibdib ko. Unti-unti ko ring naramdaman ang pagbalot ng mas malamig pang pakiramdam sa katawan ko. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng mga tuhod ko dahilan para mawalan ako ng balanse. Agad na ibinalot ni Cassian ang braso nya sa bewang ko upang hindi tuluyan na matumba. Idinampi nya ang kaliwang palad nya sa mukha ko. Doon ko lamang napagtanto na bumagsak na pala ang kanina ko pang pinipigilang luha.

"C-Cassian..."

"Shhh... Don't cry." Mabilis nyang pinunasan ang walang tigil na pagbagsak ng mga luha ko. "Andito na sya... Act natural... Act normal. Hindi ka si Sery, hindi ka si Serenity. Hindi ka nya anak. Hindi kita kapatid..." Huminto sya sa pagsasalita kasabay ng pagdating ng mga kasama namin. Tila kinaladkad sila ng mga kasamahan ng mga nakapalibot samin. Kahit nahihipran ay pinilit kong tumayo ng maayos. Ramdam ko naman ang pag alalay sakin ni Cassian. Ipinalibot ko ang tingin ko. Nandito silang lahat. As in silang lahat. Liban na lamang sa mga Minotaur at... At kay Servo. "Act like you don't know him... You don't know Servo." Dugtong pa ni Cassian.

Imbes na sa kanya manatili ang mga tingin ko ay natuon ang tingin ko sa lalakeng nasa harapan.

A-Ang kapatid ko...

S-Servo.

Napahakbang ako ng isang beses upang lapitan sya ngunit kasabay nito ang paninigas ng katawan ko. Hindi dahil sa biglaang paghawak sakin ni Cassian, hindi dahil sa mga tingin na ipinupukol sakin ni Zero, Volt , at Jex, hindi rin dahil sa bigat ng presensya nila at pagiging alerto nila sa mga nangyayare...

Kundi dahil sa mga matang hindi man sakin nakatingin... Nakikilala ko pa din.

Agad na bumalot ang takot sa katawan ko.

Nagsitayuan ang mga balahibo ko at lalong bumigat ang pakiramdam ko. Lalong kumirot ang dibdib ko na parang may sumasakal dito. Mapapahawak sana muli ako sa dibdib ko kung hindi ko lamang narinig si Cassian sa gilid ko.

"Don't. Please Sery, endure the pain. Please... I'm begging you."

Kahit patuloy na nahihipran dahil para akong pinapatay sa pakiramdam ko ngayon ay muli ko pa ring ibinaba ang kamay ko.

Hindi ko alam ang nangyayare at kung ikapapahamak pa ng iba o ng sarili ko ang pagiging matigas ng ulo ko ay tingin ko ito ang mga oras na kaylangan kong makinig sa iba... Makinig sa lalakeng to.

Hirap akong lumunok at pilit na tiniis ang sobrang sakit na nararamdaman.

At kahit na para akong papatayin ng nakaraan sa mukha ng taong nasa harapan ko ay pilit ko pa rin syang tinignan.

This man... Etong taong nasa harapan ni Servo... Is he... Is he, my father? P-Phoenix?

Lumunok ako at mabilis na iniiwas ang tingin sa kanya ngunit mabilis naman yong napunta sa bulto ng dalawang tao.

Napakunot noo ako at pilit na tinitigan ang dalawang taong nasa gilid ni P-Phoenix. Hindi ko kilala yung isang lalake na paniguradong nasa edad lang din namin ngunit yung isa... Yung katabi nya... Kamukha nya at sigurado akong magkapatid sila, girl version ata ng lalakeng ito... Tama ba ko ng nakikita ko? L-Leigh?

Y-Yung nakasabayan ko sa pagpasok sa Royal Blood? Yung ka-schoolmate ko sa lumang school ko? Yung babaeng mukha mahina at nerd? Did she just act weak and what for us to trust her? Did she... betray us?

Wala na ang mukhang mahinang Leigh. Wala na ang nerd na Leigh. Wala na ang makabasag pinggan na Leigh. All I can see now is a woman in black. A woman who knows how to play and manipulate people. Eto ba ang totoong sya?

Kasabay ng paghihirap ko dahil sa nararamdaman ko ay ang inis na pagdaloy sa katawan ko nang makita ko ang galit sa mga mata nya.

What's her business?

"Where's my daughter, young man?"

Isang tanong na nagpabalik sakin sa reyalidad.

Ang kaninang seryosong mga tingin na ipinupukol rin ni Servo sa lalakeng kaharap nya... Kay Phoenix ... Ngayon ay napalitan ng nakakalokong mga tingin... Ng ngisi na sigurado akong panakip sa takot na nararamdaman nya.

"Hindi ba nasabi ng magaling mong tuta?" Dahan-dahan syang lumingon sa gilid ni Phoenix kung saan nakapwesto ang isang lalake at si Leigh na sigurado akong kapatid nya. Matapos ay muli nyang ibinalik ang tingin kay Phoenix. "I killed her. I killed your daughter." Buong tapang nyang sambit. Tunog na nang aasar pero nakakasiguro akong nakakaramdam din sya ng takot.

Lalong nanikip ang dibdib ko nang bumalot ang napakalakas na tawa ni Phoenix sa buong paligid.

Sa nakakabinging tawa ng makapangyarihang lalakeng to ay kasabay nang pananahimik ng paligid. Ramdam na ramdam ko ang tensyong bumabalot sa paligid.

Nang makuntento sya ay ibinalik nya ang tingin kay Servo. Nagsinghapan ang lahat kasabay ng pagdiin ng paghawak sakin ni Cassian nang bigla na lamang sinakal ni Phoenix si Servo.

"N-No..." Mahinang bulong ko.

"Do you really think I will believe that? You can't fool me; you can't kill my daughter. I know how much you care for her. Don't you remember? You almost sacrificed your father, even your own life, just for my daughter's freedom. You can't kill her young man---"

"And that's my biggest mistake. To care for her. Sa anak ng demonyong gaya mo. Yeah, maybe at first... Kaya ko sya pinrotektahan ay para gamitin sya para muli kong mabawi ang ama ko mula sayo ngunit simula nang matunugan ko na ang plano mo... You won't believe me, I swear." Unti-unting lumapit si Servo kay Phoenix. "I killed her... In most... brutal... way."

At tila nanigas ako sa kinatatayuan ko nang unang beses kong makita ang reaksyon sa mga mata nya. This guy is not my brother anymore. Nawala na ang kaninang takot na nararamdaman ko mula sa kanya. This version of him... Can kill anytime soon... Nang walang takot at paniguradong walang pag sisisi.

Not the Servo I grew up with. Not anymore.



"Fine. I'll ask your big bro, instead."




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 07 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon