Royal Blood 16

36 7 0
                                    

Serenity Monvazen

"Seriously, where are we going?" Pikon na sambit ko kay Jex.

Bigla nya na lang akong hinatak na labag sa loob ko!

Etong lalakeng to', sa simula pa lang alam mo nang kaylangan lahat ng gusto nya nakukuha nya. Sapilitan man o hindi, wala syang pake.

Gaya nang kawalan nya ng pake sa mga studyanteng nakatingin samin habang hawak-hawak nya yung kamay ko.

Imbis na kiligin habang hawak-hawak ako sa kamay ng isang pinagpalang gwapong lalake ay mas nanaig ang inis sa pagkatao ko.

Bakit ba simula nang mapunta ako dito sa paaralang to' ay kinontrol na ko ng mga taong nakapaligid sakin? Para ba kong isang gamit na kakaladkarin lang nila papunta sa kung saan tas biglang may mga pasabog na sasabihin.

Hindi nakakatuwa.

Walang nakakatuwa sa nangyayare sakin.

Muli akong napataray nang wala akong natanggap na sagot sa kanya sa pang ilang beses ko ng tanong.

Agad akong napakunot noo nang huminto ang lalakeng may hawak-hawak sa kamay ko. Si Jex.

Napanguso ako bago sinubukang bawiin ang kamay ko mula sa kanya ngunit lalo nya lamang hinigpitan ang pagkakahawak dito na ikina kagat labi ko dahil sa sakit na dulot nito. 

Susumbatan ko na sana sya ngunit napahinto yon ng marinig ko ang isang pamilyar na boses.

"Let her go, Jex." Agad akong napatingin kay Servo na nasa harap ni Jex.

Napalunok ako nang makita ko ang mala seryoso nyang tingin.

"And why would I?" Blangkong sagot naman ni Jex na nagpataas ng balahibo ko.

"Dahil sinabi ko." Diretsang sagot ni Servo.

"Sino ka para sundin ko?" 

Napalunok ako nang biglang umabante papalapit si Servo kay Jex.

Oh no dear brother, wala kang alam sa ability nya. 

Bago pa sila magpang abot ay agad na kong nagsalita.

"Ow! Kalma lang guys. Masyado akong maganda para pag agawan." Pagbibiro ko pero imbis na makatulong ay lalo ata silang naging seryoso.

Napa-atras ako nang biglang ituon ni Servo ang tingin nya sakin.

"I told you to stay away from them." Panenermon nya sakin na parang wala kaming ibang kasama.

Bahala sya, sabi nya secret lang namin yon.

"Bakit nya naman gagawin yon? Who are you?" Sagot naman ng katabi ko.

Agad akong umusod papalapit kay Jex tsaka tumingkayad para maabot ko ang ulo nya. Tangkad ih.

"He's my brother. As in biological brother." Bulong ko sa kanya.

"Serenity!" Agad akong napatalon sa gulat dahil sa biglaang pagsigaw ni Servo.

What the hell?!

Anong ginawa ko at sinisigawan nya ko?!

Ano bang problema ng lalakeng to?!

"What?! Don't shout! You liquid!" Inis na sigaw ko sa kanya.

Pumikit sya at alam kong sa oras na to' ay pinipilit nya nang ikalma ang sarili nya.

"You... Mind your own business." Seryosong sambit ni Jex kay Servo tsaka sya lumingon sakin. "Let's go."

Ngunit bago pa sya maka-diresto sa paglalakad ay agad syang tinulak ni Servo ngunit hindi man lang sya napa-atras kahit konti. 

Ramdam ko ang galit ni Jex dahil sa lalong paghigpit ng hawak nya sa kamay ko.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang makita kong gumalaw ang kabilang kamay nya at dahil mabilis akong kumilos ay agad akong pumwesto sa harap ng kapatid ko at pumagitna sa kanila.

Alam ko kahit papano ang kayang gawin ni Jex at ayokong makatikim ang kapatid ko ng ability ni Jex even though I'm dying to know his ability.

Agad akong pumikit at inantay ang naka-ambang kamay ni Jex para kay Servo na alam kong sakin na tatama.

"Move." Agad akong napadilat staka napatingin sa nasa ereng kamay ni Jex.

Agad akong napalunok tsaka napatingin sa mga mata nya.

Ang kaninang labis kong takot ay unti-unting kumalma nang makita ko ang mga mata nyang nakatingin sakin.

Ngayon napatunayan ko na mismo sa sarili ko na hindi ako takot. Hindi ako takot sa kanya.

May parte sa mata nya na parang sinasabing hindi nya ko sasaktan. Hindi nya ko magagawang saktan. Kaya anong ikakatakot ko?

Teka, bakit ko nga ba sya kakatakutan bukod sa muntik nya na kong mapatay?

Hindi naman pala sya naging katakot-takot sa paningin ko.

"Don't. He's my brother, Jexon." Seryosong sambit ko sa kanya.

Napakunot noo ako nang makita ko ang gulat sa mga mata nya.

Agad akong napa-atras nang may maintindihan ako sa nangyayare.

J-Jexon?

W-What the hell? Saan nanggaling ang pangalan na yon?

Agad kong naramdaman ang pag alalay ni Servo sa likod ko.

Muli akong humarap kay Jex bago napalunok dahil sa lalim ng mga tingin nya.

"Serenity." Seryosong sambit ni Jex na nagpa-taas talaga ng balahibo ko hindi dahil sa takot.

Basta hindi dahil sa takot.

Hindi ko alam kung ano... Wala akong maintindihan.

"Even your full name, Sery?" Rinig kong sambit ni Servo sa likod ko at halata na talagang napipikon sya.

Hindi ko sya pinagtuunan ng pansin at buong atensyon kong hinarap si Jex na hanggang ngayon ay mahigpit na nakahawak sa kamay ko.

"I-I'm sorry, nagkamali lang ako. Naalala ko lang yung kaibigan ko sayo. Jexon pangalan nya." Pagdadahilan ko na lang kahit wala naman talaga akong naaalalang Jexon ang pangalan sa tanang buhay ko.

Ang kaninang seryosong mga tingin nya ay unti-unting naging blangko.

"Yeah right. As if I told you my full name." Agad akong napa tawa ng peke dahil sa sinambit nya.

"Ha. Ha... O-Oo nga." Naiilang na sambit ko.

"And that's why we really need to talk." Seryosong sambit nya bago ako muling hatakin papunta sa gilid nya at walang alinlangang sinuntok si Servo na nagpagulat sakin.

Agad na napabagsak sa lupa si Servo ngunit walang pag aalinlangan lang akong hinatak ni Jex papunta sa lugar na hindi ko alam.

Masama ko lamang na tinignan si Jex mula sa likod nya.

"How dare you?! Who are you?! Ha?! I told you! He's my brother! My brother, Jex!"

"The hell I care." Seryosong sambit nya. Napahinto ako nang huminto sya at muling lumingon sa direksyon ko. Seryoso nya kong tinitigan sa mata na dahilan nang biglaan kong paglunok. "And I'm Jexon."



ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon