Royal Blood 34

17 4 0
                                    

Serenity Monvazen

"Sery!" Inis akong napatingin sa harap nang marinig ko na naman ang pangalan ko.

Nang makilala ay nagpilit ako ng ngiti.

"Hey, Meg." Maikling bati ko sa kanya.

Muli nya naman akong nginitian.

"Akala ko napano ka na." Nag aalalang sambit nya.

Nginitian ko sya at nagsimulang maglakad na agad nyan namang sinundan.

"Asan yung iba? Kumpleto ba sila?" Muling tanong ko.

"Yap. Isa na lang ang problema." Agad ko syang nilingon. "Kung makakalabas ba tayo dito sa gubat ng ligtas at kumpleto." Seryosong sambit nya.

"Hey girls, napaka seryoso nyo naman ata." 

Nabalik ang pagka irita ko at agad na napa-irap nang marinig ko ang boses ng dakilang playboy na si Vest.

Kung hindi lang to ganito, baka nagka crush pa ko sa kanya.

Bago sya tumuloy sa mga sasabihin nya ay agad ko na silang tinalikuran.

"Usap na lang tayo mamaya Meg." Sambit ko sabay lakad ng mabilis papalayo sa kanila.

Nakakarindi kaya yung boses nya minsan.

Narinig ko pa ang ilang beses nyang pagtawag sa pangalan ko ngunit naging mabilis ang lakad ko para makalayo sa kanya.

Sa paglalakad ay di ko namalayan na medyo napalayo na ko sa kanilang lahat, ngunit rinig pa naman dito ang mga boses nila.

Pinili ko na lang na manatili sa pwesto ko at pinagmasdan ang paligid.

Umupo ako para kumuha ng iilang bato. Nang makakuha ng iilang bato ay isa-isa ko iyong binato sa kung saan.

'Tabi-tabi po.'

Baka makatama ako ng dwende.

Napahinga ako nang malalim at ipinagpatuloy ang ginagawa.

Ang boring naman.

"Shit!" 

Agad akong napahinto sa ginagawa nang makarinig ako ng daing.

Inilibot ko ang paningin ko.

Hala! M-May natamaan ba ko?!

M-Multo?!

Du-Dwende?!

O...

O baka naman... Minotaur?!

Sinasabi ko na nga ba ih! Andami ko talagang maling desisyon sa buhay!

Agad akong napalunok. "S-Sorry." Wala sa sariling sambit ko at handa na sanang tumakbo nang biglang may lumabas na lalaki mula sa kung saan.

Napakurap-kurap ako.

"Tss..."

"V-Volt?" 

"Why are you here?" Seryosong tanong nya habang nakatingin sa mga mata ko.

Medyo malayo pa sya sakin pero nanatili lang syang nakatayo sa pwesto nya.

Napatingin ako sa piligid.

Bawal ba dito? Pagmamay ari nya ba to? Tsk!

"Gusto ko lang." Wala sa sariling sambit ko.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon