Royal Blood 38

20 3 0
                                    

Serenity Monvazen

"Serenity..." Muling pagtawag ni Servo sakin na paulit-ulit kong hindi pinapansin.

Simula nang magising ako ay nabungaran ko na sya sa tabi ko. Nasa isang kwarto kami na pagmamay-ari ng mga Minotaur. Kanina pa nila ako sinasabihan na pwede na kong lumabas kung ayos na ang pakiramdam ko pero... Pero hindi ko magawa.

Hindi ko kaya.

Hindi ko kayang harapin ang lahat. Wala akong mukhang maihaharap.

Dahil tanggapin ko man o hindi... Unti unting bumabalik ang ala-ala ko... Ang totoong ala-ala ko.

Agad akong napalayo kay Servo nang maramdaman ko ang kamay nya sa braso ko. Nang lingunin ko sya ay lito nya kong tinignan. Bakas ng pag aalala at pagtataka ang kanyang mga mata dahilan para mapasabunot ako sa buhok ko.

H-Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Ano bang nangyare sayo?" Puno ng pag aalalang tanong nya. "Kanina habang tulog ka ay paulit ulit kang nagmamakaawa na wag kang sasaktan. Sino ba sa tingin mo ang mananakit sayo?"

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

Umiling-iling ako at pilit na pinigilan ang mumunting luha na gustong kumawala sa mga mata ko.

Hindi nya pwedeng malaman... Hindi...

Ang mga paghihirap at madilim kong nakaraan. Walang pwedeng makaalam. Hindi si Servo o sino man...

Agad akong napa isip.

Kung ganon... Kung ganon kilala nga ako nila Zero. Kaya ba ganon na lang ang galit nya sakin? Pinilit kong lumunok at huminga ng malalim.

Humarap ako kay Servo at nagpilit ng ngiti.

"Ayos lang ako. May masama lang akong napaginipan." Pilit na ngiting sambit ko.

"Pano mo ipapaliwanag yung nangyare kanina? Sa harap ng leader ng mga Minotaur ay paulit-ulit kang humingi ng tawad bago ka nahimatay." 

Hirap akong napalunok at hindi mahagilap ang dapat kong isagot.

"A-Ang mga Minotaur..." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Walang gustong lumabas sa bibig ko.

Napagitla lamang ako nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko.

"Wag ka nang mag alala. Hindi galit ang mga Minotaur. Agad ka nilang inasikaso para makapagpahinga. Nasa labas ang mga kasama natin, ang iba ay kumakain at ang iba naman ay nagpapahinga sa mga kwartong pinahiram ng mismong leader nila."

Napalunok ako at hindi makapaniwala sa sinabi ni Servo.

No... Impossible.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo ko sa kama.

Gulat namang napatingin sakin si Servo. Seryoso ko syang tinignan sa mga mata.

"Asan ang leader nila? Dalhin mo ko sa kanya." Seryosong sambit ko.

Kunot noo syang napatingin sakin ngunit kalaunan ay tumango din at nanguna sakin sa paglabas at paglalakad.

Nang makalabas ay bumungad samin ang napakalumang pasilyo pero unang tingin pa lang ay mababakasan mo nang nasa palasyo ka.

Dumaan kami sa napakatahimik na pasilyo at tanging ang mga yapak lamang namin ang maririnig.

Nang mapatingin ako kay Servo na nasa harap ko ay doon ko lang napansin na iba na pala ang kanyang suot.

Kulay Green na longsleeve at black pants. Mas mukha syang komportable sa suot nya kaysa kanina.

Habang naglalakad ay unti-unti ko nang naririnig ang ingay na parang may mga nag uusap-usap.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon