Royal Blood 11

38 6 0
                                    

Serenity Monvazen

Saktong pagtunog ng bell ay syang pagtayo ni Jex sa tabi ko.

Nagsitayuan na rin ang iba tsaka ko napagdesisyunan na tumayo na rin.

Pagka kuha ko sa bag ko ay agad akong naglakad at agad na nilagpasan si Jex na nasa harap ko lang.

Ngunit hindi pa ko nakakalayo ay agad nyang nahawakan ang braso ko.

Hindi ko sya nilingon pero ramdam ko ang paghinga nya sa kaliwang gilid ng tenga ko.

"Follow me." Seryoso nyang sambit bago sya agad na naglakad palabas.

Napakurap kurap ako bago napa buga sa hangin.

Wow. As in wow.

Utusan ba naman ako.

Aba! Sa school namin hindi ako makapapayag ng ganito.

Ngumisi ako bago napailing at napagdesisyunan na lumabas nang hindi pinapansin ang sinabi ng lalakeng yon pero saktong pagkalabas ko ay agad na may humawak sa magkabilang braso ko na dalawang lalake.

Tinaasan ko sila ng kilay.

Ang kapal ng mukhang hawakan ako.

Magrereklamo na sana ako at papalag nang bigla kong makita si Servo.

Napangiti ako nang makita kong napatingin sya sa gawi ko. May kasama syang ibang lalake na di ko naman mamukhaan.

"Psst! Servo! Tulong!" Sigaw ko sa kanya pero matapos nyang mapatingin sakin ay umiwas din sya tsaka dire-diretso na naglakad. "Hoy! Liquid! How dare you! Alam kong narinig mo ko! Tulungan mo ko! Hoy---"

"Let her go." Sambit ng mula sa malamig na boses ni Zero.

Napalunok ako nang bigla-bigla na lang silang sumulpot sa harap namin.

Pinalilibutan ako ng Tyrants, Elite at ng iba pang studyante.

So ngayon, pano ako magiging normal neto?

Yung paghatak sakin ng dalawang lalakeng to kanina ay unti unting bumibitaw kaya bago pa mangyare yon mismo ay agad kong hinawakan ng mahigpit ang kamay ng dalawang to tsaka ako na mismo ang humatak sa kanila.

Ayokong puntahan si Jex pero kung kinakailangang mamili sa kanila ng Elite, at ni Zero?

Walang pag aalinlangan at si Jex ang lalapitan ko.

Ewan.

Iba talaga ang nararamdaman ko kay Zero ih, may something sa kanya na malaki ang epekto sakin.

"Ms. Sery." Isang salita na nagmula kay Zero.

Ang pangalan ko.

Pati ang pangalan ko ay nagiging iba sa pandinig ko pag nagmula na sa kanya.

Napalunok ako at lilingunin na sana sya ngunit agad na may humawak sa kamay ko at hinatak ako papunta kung san.

***

Pinalibot ko ang paningin ko sa paligid ng loob ng kwartong pinasukan namin ni Jex.

Tama.

Ang Leader ng Tyrants ang walang kahiya hiyang humatak sakin papunta dito.

Bagot akong tumingin sa kanya.

"Eto ba yung tambayan ninyong mga Tyrants? Ang boring naman, parang walang choice." Walang filter na sambit ko.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon