Serenity Monvazen
"Mag isa ka lang?" Napatingin ako sa isang lalakeng naka salubong ko habang wala sa sariling naglalakad ko.
Nakaupo sya sa isang bench habang nakatingin sa kawalan ng saktong madaanan ko sya.
Base sa itsura nya ay ramdam kong matagal na sya ditong nag aaral.
Malaki ang katawan nya pero hindi yung tipong ikatatakot ko.
Nakapamulsa syang nag lakad papalapit sa kinatatayuan ko.
Matapos kong talikuran sina Luna at ang grupo nya kanina ay nagpalakad lakad na ko sa kung saan-saan.
"Mukha ba kong may kasama?" Naiiritang tanong ko sa nakaka bobo nyang tanong.
Napangisi sya sa sagot ko.
Tatalikod na sana ako nang bigla nyang tawagin ang isang babaeng napadaan.
Base sa itsura ng babae ay mukha syang nasa grupo ng mga healer.
Di ko alam. Katulad nya yung uniform nung tinutukoy kanina ni Luna.
Napataray ako sa paraan ng pag tawag nya.
"Hoy lampa na taga section E!" Napatingin agad sa kanya yung babae. "Halika dito."
Napataray ako sa pangalawang pagkakataon.
Mukhang inosente yung babae at mahinhin pero dahil ayokong madawit sa kahit anong gulo lalo na't ke bago-bago ko dito ay agad akong tumalikod.
Tama. Hindi sa lahat ng oras ay kaylangan kong tumulong.
Isa pa, hindi ko alam ang pabalik sa main area at ni anino nila Leigh hindi ko makita. Dahil sa kagagahan ko ay ni section ko hindi ko pa alam.
Nawala tuloy ako at nahiwalay sa grupo ng mga bago. Tsk.
Dire-diretso lang ako sa paglalakad pero agad akong napalingon sa direksyon nung lalake kanina nang makarinig ako ng sigaw.
Napakunot noo ako nang hawak na nung lalake sa braso yung babae at nakahawak naman yung babae sa tyan nya habang nakabaluktot ang katawan na para bang may inindang sakit.
Parang namimilipit sa sakit yung babae.
Oh, come on. Normal na yung away, gulo at sakitan sa paningin ko pero yung tipong lalake mananakit ng babae? Abay ekis sakin yon.
Walang pag aalinlangan akong tumakbo ng buong bilis ko papunta sa kinapu-pwestuhan nila tsaka ko mahigpit na hinawakan sa kamay yung lalake tsaka ko ito pinaikot sa likod nya dahilan para mabitawan nya yung babae.
Nang mabitawan nya yung babae ay agad ko na rin syang binitawan.
"A-Anong karapatan--- Ahhh!" Agad ko syang sinuntok ng buong lakas sa mukha nya.
Ang inaasahan kong pagtumba nya ay naglaho nang bigla rin syang naglaho sa paningin ko kasabay nito ang agad kong naramdamang sobrang sakit na nagmula sa likod ko.
Gago ba sya? Alam nya bang pwede kong ikamatay ang pagsuntok nya sa likod ko?
Shet!
Dahil sa panghihina ay agad akong napasalampak sa sahig.
Bumagsak ang dalawa kong palad sa sahig at nakaramdam ako ng kung ano sa lalamunan ko atsaka ako naduwal.
Napangisi ako nang magsuka ako ng dugo.
Ang mala-kalawang na lasa mula sa bibig ko ang dahilan ng kakaibang pakiramdam sa katawan ko.
Dumura ako bago ako nanghihinang tumayo.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...