Serenity Monvazen
"May napili ka ng group?" Rinig kong sambit ni Leigh habang kaharap akong kumakain sa cafeteria.
Nasa bandang gilid kami nakapwesto.
Wala pa ang first subject namin at nag uumagahan pa lang kami dahil na late kami ng gising.
Hindi ko nga alam kung kakayanin kong pumasok ngayon lalo na sa mga nalaman ko kagabi.
Mula sa mga sinabi ng lalake na yon na nag pakilalang best friend ko hanggang sa pagbabanta ni Zero sa buhay ko.
Sinasabi ko na nga ba, living death threat si Zero para sa buhay ko.
Agad kong naisubsob ang mukha ko sa desk nang may maalala ako.
Wednesday ngayon, kaklase ko si J-Jex.
Pano ko sya haharapin ngayon?
Muli akong napaangat ng ulo.
"What the hell? Bat ba ko magpapaapekto don? As if naman totoo yon. Aish!" Iritang sambit ko.
"Hey! Sery to earth!" Inis ko namang nilingon si Leigh.
"What?"
"Okay ka lang ba? Ganyan ka na matapos nyong umuwi ng maaga ni Zero kagabi. Nag away ba kayo? Galit ba sya sayo? Sinaktan ka ba nya?" Agad akong napataas kilay dahil sa pagiging oa ni Leigh.
Geez. Hindi naman ako sasaktan ni Zero... Papatayin lang... At sa pinaka brutal way, I think?
Huminga muna ako ng malalim at pilit na binura ang mga kaalaman sa utak ko. Tatanggalin ko muna yung brain cells ko para sa araw na to.
"Nothing. Kulang lang sa tulog." Pagdadahilan ko na lang.
"O-Okay... So may naisip ka na ba na group na sasalihan mo?" Pag uulit nya sa tanong nya.
Agad naman kong napaisip.
Pag sa Tyrants... Hindi ko sigurado, andon si Jex. Hindi ko alam kung magiging komportable ba ko or magiging maayos ang pagsasama namin ng halos araw-araw dahil ka section ko rin sya.
Kung sa Elite naman, jusko! Andon naman yung taong gustong pumatay sakin. Although naging kaibigan ko na rin kahit papano yung ibang member except don sa mayabang na lalake na hanggang ngayon ay di ko pa rin alam yung pangalan, sa demonyong Zero na gusto akong patayin sa hindi ko malamang dahilan, sa buset na Cassian na pinagkamalan akong takot kay Jex at kay Volt na... Na... Ah basta! Ayoko din sa kanya!
Tama si Liquid, kung gusto kong maging normal ang pag aaral ko dito hanggang sa maligtas daw namin si Papa mula sa hindi ko malamang dahilan ay kaylangan kong lumayo sa dalawang grupong yon.
Wala dapat akong pagpilian sa dalawang grupong yon, hindi sila magiging solusyon. Magiging dagdag problema lang sila sa milyon ko pang problema.
But for now... Mangangalkal muna ako ng mga dapat malaman.
I mean buburahin ko rin naman sa utak ko at hindi maniniwala, promise!
First step, kaylangan kong makausap yung lalake kagabi.
"Hey..."
"Wala pa. Ikaw ba?" Pagbabalik ko sa topic namin kanina.
"Hmm... Ano pa bang babagay sakin na group? Ita-try kong mag apply don sa Royal Sage." Nakangiting sambit nya.
"So... Healer?" Sambit ko naman bago inubos ang strawberry juice na hawak ko.
"Yap. Ow! Ang Elite." Nakangiting sambit ni Leigh habang nakatingin sa likod ko.
Pilit kong nilunok ang natitirang juice sa plastic cup bago ako walang alinlangan na tumayo at hinarap ang Elite.
May iilan na studyante na dito sa cafeteria pero ayos lang, sanay na naman ako sa isyu kahit sa dati ko pang school.
Alam kong nagulat sila sa biglaan kong pagtayo at pagpunta sa harap nila. Pero dahil mga taga Elite sila ay pinanatili nila ang mga propesyonal nilang postura.
"Hoy yabang. Let's talk." Sambit ko don sa lalakeng kayang gawing hayop yung gamit.
"You should not talk to Elite like that." Maotoridad na sambit ng leader nila na nasa gitna.
Agad nagtagis bagang ako sa inakto nya.
Yeah, I'm scared. But the hell I care?! Patayin nya ko kung trip nya kong patayin! Sa tingin nya ba mananahimik lang ako matapos ng mga nalaman ko kagabi?!
"Mr. Zero, I'm sorry... But you have to force me." Mapanghamon na sambit ko sa kanya.
Lalong naging seryoso at malalamig ang tingin nya sakin.
At dahil ma pride akong nilalang ay nakipagtagisan din ako ng titigan sa kanya.
Agad akong nakarinig ng bulungan dahil sa sinambit ko at sa ginawa ko ngayon.
I. Don't. Care.
Kahit nanlalambot na ang tuhod ko mula sa lamig at seryoso nyang mga tingin ay pinilit ko pa ring magmatapang.
"S-Sery... Alis na tayo." Rinig kong bulong ni Leigh sa gilid ko.
Sakto namang tumunog na ang bell para sa first sub.
Huminga ako ng malalim bago muling sinamaan ng tingin si Zero na tila walang pakeng nakatingin sakin.
Hindi matatapos tong araw na to hanggat hindi ko natatanong isa man sa mga Elite kung nasan yung lalake sa club kagabi.
***
Ang malalim kong iniisip ay agad na naputol nang makita ko sa bukana ng pinto si Jex. Hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala ako ng pinto ng section namin.
Seryoso syang nakatingin sakin na lalong nag pailang sakin.
At hindi sinasadya ay napatitig ako sa mga mata nya. Geez! Ang cool! Ang ganda ng pagkakaitim ng mata nya.
Agad akong napakurap kurap bago nabalik sa reyalidad.
"Sa pagkakatanda ko ay nagsabi ako na mag uusap tayo." Pikon na sambit nya habang seryosong nakatingin sakin. "Hindi ba nasabi sayo ni Fatima?" Dugtong nya pa.
Nag club ako, sira!
Eto yung taong nasampulan na kong patayin ih, na dapat ko talagang katakutan. Pero pag naaalala ko yung pagbabanta ni Zero, baka magpapatay na lang ako kay Jex.
Geez! Ano ba tong mga iniisip ko?
"Nope. Sinabi nya, wala lang talaga akong pake." Walang ganang sambit ko.
Hindi naman sa wala akong gana, wala lang talaga ako sa mood na makipag chitchat pa sa kanya lalo na't hindi talaga matanggap ng sistema ko na ang isang Jex na muntik na kong patayin ay may chance na naging boyfriend ko for life sake!
"Who do you think you are? I really need to fix your attitude, Sery. But for now, we need to talk." Seryosong sambit nya.
Agad akong lumapit sa kanya tsaka sya seryosong tinignan sa mata.
"Ayokong makausap ka. Kung about to sa pagsali ko sa grupo mo, still no." Sambit ko at papasok na sana sa loob nang agad nyang mahawakan ang kamay ko.
"It's about the past, Sery."
"Wala tayong past okay?! Hindi kita kilala!" Sigaw ko.
Agad akong nakarinig ng sigaw sa paligid at don ko lang namalayan na lumakas pala yung hangin at alam kong kagagawan ko yon.
"Your ability." Seryosong sambit ni Jex habang nakatingin sa mga mata ko.
"J-Just stop." Pagmamakaawa ko sa kanya.
Agad namang kumunot ang noo nya.
"Your emotions controlled your ability. Tell me, what happened... Serenity." Agad akong nanghina nang marinig ko ang buong pangalan ko mula sa bibig nya.
"N-Nothing."
"As expected." Pikon na sambit nya bago nya ko hatakin papunta sa kung saan.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...