Serenity Monvazen
"Sery! Come on! Male-late na tayo!" Nagising ako dahil sa nakakarinding sigaw ni Luna.
Napabusangot ako bago magtalukbong ngunit agad kong naramdaman ang pagdagan nya sakin kaya walang pasensya ko syang tinignan.
"Ano ba Luna? Ang aga aga pa." Inis na sambit ko sa kanya ngunit inirapan nya lamang ako.
"Gaga ka! May camping ngayon, nakalimutan mo ba?"
Huminga ako ng malalim bago nag desisyon na itulak sya. Tamad akong tumayo at inayos ang kama ko.
"Dun kana! Kikilos na ko!" Sigaw ko sa kanya.
Nakangiti naman syang tumayo at agad na dumiretso sa pinto.
"Bilisan mo ha." Masiglang sambit nya bago lumabas.
Nang makalabs sya ay agad akong umupo sa kama.
Weeks passed...
Naging normal ang pangyayare. Naging tahimik ang buhay ko.
Kada papasok sa section ko ay ramdam ko ang pagtitig sakin ni Jexon pero hanggang dun lang yon, hindi sya nagsasalita or kahit lapitan ako ay hindi nya rin ginagawa.
Nakatitig lang sya sakin pero nakakailang pa din lalo na't magkatabi lang kami sa upuan.
Sa class ko naman sa team ay maayos lang din. Para kaming hindi magkakilala ni Zero at ng iba pang lalaking member ng Elite dahil hindi rin naman nila ako pinapansin.
I tried to talk to Cassian kasi naalala ko na may ibabalita sya sakin ngunit pati sya ay iniiwasan din ako kaya ipinagwalang bahala ko nalang.
Tanging si Vest lang ata ang kayang lumapit sakin sa mga lalake ng Elite dahil kahit si Trig ay iniiwasan rin talaga ako.
Naging normal lang din naman ang pakikitungo sakin nila Luna at Fatima.
Hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita kay Leigh at lalo ko lang ikinaiinis na parang walang pake ang kahit sino about sa issue na to, kahit ang mga Executive or kahit sila Zero.
Sa nakalipas na raw ay wala akong natanggap na kahit anong nakakagulat pa na balita, gaya nga ng sabi ko... Mas naging normal ang buhay ko bilang isang mag aaral.
Even my brother! Kada sinusubukan ko syang lapitan at kausapin ay lagi syang hindi available na halata naman na iniiwasan lang ako... Or yung mga itatanong ko? I don't know.
Normal nga ang lahat pero ang weird naman ng mga tao sa paligid ko.
Yung mga taong inaasahan ko na magpapaliwanag sakin ng mga bagay na hindi ko maintindihan ay nilalayuan ako na para akong may nakakahawang sakit.
Dapat nag eenjoy ako dahil sa wakas ay naging tahimik din ang buhay ko pero hindi ko magawa!
Iniisip ko silang lahat at yung mga bagay na nalaman ko, at yung mga bagay na dapat ko pang malaman.
"Hoy! Ano na?! Kinain ka na ba ng kama mo jan?! Antagal ha?" Rinig kong sigaw ni Luna mula sa labas.
"Eto na!" Sigaw ko muna bago kunin ang bag pack ko para mag impake.
Makalipas ang ilang minutong pagiimpake ay naghanap naman ako ng susuotin ko.
Patakbo akong pumunta ng cr at mabilisang naligo.
Simple dark khaki color lang na sports bra and short ang isinuot ko at nang makuntento ay isinuot ko na rin ang rubber ko.
Agad kong ipinaikot sa tuktok ang buhok ko tsaka ko ito itinali. Nagsibagsakan pa ang iilang piraso ng buhok ko at agad na kumalat sa gilid ng mukha ko ngunit hinayaan ko na lamang iyon. Nagmistulang messy ang pagkakatali ng buhok ko na hinayaan ko na lamang.
BINABASA MO ANG
ROYAL BLOOD
FantasyPower. Fire. Water. Wind. Life is something else. Everyone seeks incredible power. Everyone wants to be able to control fire and beat the water. Everyone wants to control the water and put out the fire. Everyone wants to control the wind. Everyone d...