Royal Blood 39

29 3 0
                                    


Serenity Monvazen

"Anong kalokohan to?" Naiinis na sambit ko kay Cassian.

Agad syang tumingin sa sahig at paulit-ulit na sinipa ang maliliit na batong nasa paanan nya.

"Base sa naging reaksyon mo kahapon at kanina sa harap ng leader ng Minotaur..." Dahan-dahan nyang iniangat ang tingin sa mga mata ko. "Bumalik na ang ilan sa mga ala-ala mo."

Kung ganon ay may alam sya? Sa pagkakatanda ko ay nasabi sakin ni Jex na tinanggal ng tatay-tatayan nyang si Mr. Dale ang lahat memories ng mga tao sa past... Mga taong kasama sa nakaraan.

Dahilan kung bakit kahit anong pilit ko ay wala akong maalala. Then... Pano naman natatandaan yon nila Cassian? Nila Zero at Volt? Pano natandaan yon ni Jex?

Umiling ako at muli syang tinignan.

Ganon na lamang ang panlalambot ko nang mahawigan ko sya sa isang taong pilit kong tinatakasan... si Phoenix.

Hindi ko to napansin nung una dahil wala pa naman akong maalala pero ngayong tinititigan ko sya ay hindi mapagkakaila... Anak nga sya ni Phoenix!

Napaatras ako nang lalong sumeryoso ang mga tingin nya. Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko hatid ng kaba at takot na nararamdaman ko.

"T-Tama ka... Nakabalik na nga ang ilan sa mga ala-ala ko." Pinilit ko pang tapangan ang boses ko. "Pero wala don ang kahit anong part na may kapatid ako. Wala akong kapatid kaya hindi mo ko maloloko---"

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang mabilis syang nakalapit sakin at agad kong naramdaman ang mahigpit nyang yakap sa katawan ko.

Sa hindi malamang dahilan ay naging kalmado ako. Agad kong isinubsob ang mukha ko sa dibdib nya at doon ibinuhos ang kanina pang namumuong luha sa mga mata ko.

Ang mahinang pag-iyak ay nauwi sa hagulgol nang maramdaman ko ang mumunting halik nya sa ulo ko.

"Shhh... I-I'm sorry... I'm sorry sweetheart... I'm sorry." 

Hindi ako huminto sa pag-iyak at pinakinggan lamang ang sasabihin nya. Agad kong ipinulupot ang braso ko sa kanya at hinigpitan ang pagkakayakap non.

"Bata pa lamang ako..." Pagsisimula nya. "... Tumakas na ko sa puder ni Phoenix, sa tulong ni Mom... Ng nanay natin." Nang wala syang nakuhang sagot mula sakin ay ipinagpatuloy nya ang pagku-kwento nya. "Isinama ko ang nag iisa kong kapatid." Inilayo nya sakin ang ulo nya at nakangiti nya kong tinignan. "At ikaw yon." Natatawang sambit nya at agad na pinunasan ang mga luha ko.

Huminga sya ng malalim bago ipinagpatuloy ang pagku-kwento.

"Baby ka pa non at walang kaalam-alam sa nangyayare." Ibinagsak nya ang mga palad nya sa magkabilang balikat ko. "Iniwan kita sa isang bahay na una kong nakita. Alam kong kukupkupin ka nila at mamahalin ng tunay na sa kanila kaya hindi na ko nabahala. Napunta ako sa puder nila Zero nang minsan akong makita ni tito Dale sa lansangan non. Kinupkop nila ako at pinag aral sa paaralang pagmamay-ari nila... Kakaibang paaralan. Hindi kaylanman pumasok sa isip ko na doon ka rin pag aaralin ng pamilyang Monvazen. Hindi kita kilala noon kahit ilang beses na tayong nagkasalubong sa hallway at ilang beses nang nagtagpo ang landas natin non. Baby ka pa nang huli kitang makita at mahawakan pero malaki kana nang ipasok ka nila doon. Naging ka close mo sila Volt kaya kahit papano ay madalas tayong magkita... Ngunit hindi pa rin kita kilala noon."

Pansin ko ang paglunok nya ng bahahya. "May kakaiba na kong nararamdaman non sayo, ang buong akala ko ay nagkakagusto na ko sayo." Napatawa sya nang bahagya na hindi ko na lang pinansin. "Lukso ng dugo na pala yon." Dugtong nya pa. Humigpit ang pagkakahawak nya sa balikat ko. "Hindi ko pa malalaman na ikaw ang kapatid ko kung hindi pa sumugod ang mga alagad ni Phoenix sa Royal Blood. Buong akala ko non ay pumunta sila para sakin... Na natunton na nila ako pero... Ikaw ang kinuha nila... I'm sorry... Maniwala ka..." Muli nyang ibinalik ang kanyang seryosong tingin sa mga mata ko. "Ginawa ko ang lahat... Nagplano ako nang maigi, makuha ka lang sa kanila. Binalak kong humingi ng tulong kila Zero pero sobrang takot ako non na baka pag nalaman nila ang rason kung bat ka kinuha ng mga alagad ni Phoenix ay baka pati ikaw... Pati ikaw ay saktan nila."

Huminga ako ng malalim at iniwas ang tingin sa kanya. Inantay ko na lamang ang susunod nyang sasabihin.

"Nag alala din sila sayo at hindi malaman ang gagawin. Nang mga panahong wala ka ay yun yung mga panahong unti-unting nabuo ang galit sa kanila. Lahat sila... Kami ay labis ang pag aalala sayo. Wala kaming kahit anong ideya kung saan ka nila dinala. Pero dumating na lang ang war... Yun na ang huling beses na nakita kita. Hindi nagtagumpay si Phoenix sa plano nya at muli ka rin naming nakuha matapos mong mahimatay dahil sa labis na enerhiyang inilabas mo noon. Doon na nabuo ang plano ng mga nakakatanda na tanggalin ang ala-ala ng lahat na naging parte ng war. Hindi nasama doon ang kabigan mong lalake at nagmakaawa naman ako kay tito Dale na wag din akong isama. Mula noon hanggang ngayon ay iisa pa rin ang goal ko... Yon ay mahanap ka at gampanan ang dapat dati ko pa ginawa... Ang bantayan, alagaan, protektahan at magpaka kuya sayo." Ramdam ko ang paghinga nya ng malalim. "Napagkasunduan ng lahat na ibalik ka sa mga Monvazen at palakihin ng normal na alam ko namang mas makakabuti sayo kaya hindi na ko nangeelam. Nalaman ko lang na ikaw ang kapatid ko nung nasa club tayo. Yung mga sinabi ng kaibigan mo."

Lumunok ako at agad na lumayo sa kanya.

Seryoso ko syang tinignan sa mga mata.

"H-Hindi... Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa mga kamay ni Phoenix. Hindi mo alam ang paghihirap ko! Walang kahit sinong nasa tabi ko non! Kahit... " Napayuko ako at sunod-sunod ang pag agos ng luha ko. Biglaang nanikip ang dibdib ko. "Kahit si Mom... Kahit si Mom ay hindi ko naramdaman ng mga panahong yon. Para akong tinalikuran ng mundo." Puno ng hinanakit ko syang tinignan sa mga mata. "Tas ngayon magpapakilala ka bilang kuya ko?" Halos pabulong ko nang sambit.

"S-Sery..."

"Don't ever say my name! Wala kang karapatan!" Agad kong tinuro ang kawalan. "K-Kinulong nya ko. Sinaktan  nya ko ng paulit-ulit at walang katapusan... Yun yung mga pagkakataon na gusto ko na lang malagutan ng hininga matapos lang ang paghihirap ko..." Muli kong ibinalik ang mga tingin ko sa kanya. "Ginawa nya lahat ng yon... Para lang mapasunod ako... Sa mga utos nya... Sa mga gusto nya... Sa mga plano nya... Sa mga yapak nya! Bagay na ikapapahamak ng lahat kapag nagpadala ako." Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. "Kaya kahit gano kasakit, kahit gano kahirap... Pinilit kong lumaban... Para sa mga taong nangakong po-protektahan ako... Sa mga taong hindi dumating ng mga panahong kaylangan na kaylangan ko."

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon