Royal Blood 30

27 5 0
                                    

Serenity Monvazen

So anong gagawin namin ngayon dito? Tutunganga?

"Nagugutom na ko." Reklamo ng isang babaeng studyante na kasamang naiwan samin dito.

Maka reklamo, kala mo may naiaambag.

Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid.

Nagugutom na rin ako, gusto ko maghanap ng makakakain kaso paniguradong hindi naman sasama tong mga babae. Maaarte tong mga to ih. Mga duwag pa. Tsk.

Hindi ko rin naman silang pwedeng iwan. Mapahamak pa sila, tas ako sisihin ng mga demonyong nang iwan samin dito.

Naghanap ako ng pu-pwede sanang mag bantay sa kanila at sakto namang nahinto ang mga mata ko sa isang taong wala akong choice kundi pagkatiwalaan. Tyron.

Wala na kong ibang malalapitan kundi pare-pareho kaming tutunganga dito hanggang sa mamatay kami sa gutom.

Aba, walang nakakaalam pero malakas akong kumain hindi lang halata sa katawan ko pero hindi ako sanay na nagsi-skip ng meal.

Pilit akong naglakad sa direksyon nya. Nakaupo sya sa ugat ng isang puno habang paulit-ulit na pinapatalas ang kahoy na hawak nya sa pamamagitan ng isa pang kahoy. Basta pinagkikiskis nya yon tas hihipan saglet yung isa. 

Para syang sanay na sa mga ganito.

Agad syang huminto sa ginagawa nang maramdaman nyang nakatayo na ko sa harapan nya.

"What?!" Taas kilay na tanong nya sakin.

Napaka maldito ng nilalalang na to, daig pa babae. Kaltukan ko sya jan ih.

"Bantayan mo sila, hahanap ako ng makakain." Nakataas kilay ko ring sambit.

Aba, hindi pwedeng sya lang ang nagmamaldita saming dalawa ha.

"Tss." Singhal nya. Nang walang nakuhang matinong sagot ay aalis na sana ako ngunit muli syang nagsalita. "Samahan na kita." 

Kunot noo ko syang nilingon.

"Hindi pwede! Walang magbabantay sa kanila!" Inis na sambit ko.

Kaya ko nga nilunok ang pride ko mapakiusapan lang sya para magbantay sa mga to tas sasama lang rin pala sya? Edi sana sya na lang ang umalis.

Pabor pa sakin. Katamad kayang maglakad. Pero sabagay, mas nakakaumay nga namang makita ang pagmumukha ng mga babaeng to'.

"Anong tingin mo sa kanila? Mga bata? Kaya na nila sarili nila." Medyo kalmado nang sambit nya pero nanatili pa rin ang mga masasamang tingin nya sakin.

Agad naman akong napasabunot sa buhok ko.

May pagka slow talaga tong nilalang na to. Napaka hirap pang kumbinsihen.

"Hindi nga pwede, dito ka na lang. Magpapasama ako sa iba. Ikaw, dito ka at bantayan sila." Pagpapa intindi ko sa kanya.

Lalo namang kumunot ang noo nya.

"Ano ba sa sinabi ko ang hindi mo maintindihan?! Sasamahan kita dahil ipinababantay ka sa sakin ni Jex!" Sigaw nya sakin.

Aba! 

"Anong pakeelam ko sa inutos sayo ni Jex?! Ako ang kasama mo dito ngayon! Taga Elite ako! Susundin mo ko sa ayaw at sa gusto mo!"

Tumayo na rin sya sa pwesto nya at galit akong hinarap.

"Anong pakeelam ko kung taga Elite ka?! Wala bang nakapagsabe sayo na hindi sakop ninyong mga Elite kaming mga Tyrants?! Wala akong ibang susundin kundi si Jex lang!" 

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon