Royal Blood 6

52 9 0
                                    

Serenity Monvazen

"All executives?" Narinig kong seryosong sambit ni Zero.

Iniiwasan kong mapatingin sa kanya kahit isang segundo kaya binigay ko na lang ang buong atensyon ko sa paligid.

Matapos mangyare yon ay agad nila kaming pinapunta dito sa isang malaking kwarto. Base sa atmosphere ay parang sobrang pang seryosohang pag uusap ang kwartong to. Mas malala pa ata tong kwartong to sa principal office.

Napakadilim ng paligid, sobrang lamig.

Bibitayin na ba kami?

Naka upo ako sa gitna ng lahat habang katabi ko naman tong basagulerong lalakeng to na sinuntok ako sa likod. Nasa harapan namin ang pahabang mesa. Tas sa magkabilang gilid namin ay may dalawa pang pahabang mesa. Sa bandang kaliwa ko ay naka upo sa pahabang mesa ang grupo nila Luna. The Elite. Sa may bandang kanan ko naman may iilang studyante na hindi ko alam kung anong grupo. Mukhang may inaantay pa sila. Sa harap naman ang tingin kong tinutukoy ni Zero na Executives na hanggang ngayon wala pa.

"Papunta na daw." Seryosong sambit ni Trig. "They're here, the Tyrants." Dagdag nya pa.

Kasabay ng pagpasok ng grupo ng mga studyante.

Dahil mula sila sa likod ko ay hindi ko na pinagka abalahan pang tignan sila. Basta alam ko lang nakapila at nakapwesto sila sa likod namin ng lalakeng to.

Napairap ako tsaka ko hinigpitan ang pagkakahawak sa tissue na hawak ko at madiin ko yong ipinunas sa bibig ko.

F, I hate blood.

Napansin ko ang pagtayo ng lahat pati ng Elite at ibang studyante sa kanan ko pati tong katabi ko nang biglang may grupo na pumasok. Wala akong nagawa at tumayo na rin.

Hindi ko na napigilan ang mapatingin na rin sa mga grupong pumasok sa kwarto. Ang tindig nila, masasabi mong karespe-respeto sila. Ang mga awra nila ay napakaseryoso at parang hindi mo pag iisipan na banggain sila. Unang tingin pa lang masasabi mo na na... Mataas ang posisyon nila.

The Executives.

Nang maka upo sila ay umupo na rin ang iba kaya naki upo na rin ako.

They're looking so serious... but not the man in the middle. I can say that he's old, but no one will argue about his looks. He's handsome.

He kind of looks familiar. I don't know. Para syang may kamukha.

"Nandito na ba ang lahat?" Seryosong sambit nung lalake sa gitna.

"Kulang pa po ang members ng Justice Bringers." Rinig ko namang sambit ni Luna.

Huminga ako ng malalim bago ngumisi.

Ano bang kalokohan tong napasok kong school?

"Then I will just first ask some simple questions." Seryosong sambit nya.

Lahat ay tahimik at seryoso sa pakikinig sa itatanong nung lalake sa gitna. Walang nagsasalita. Ni pinigilan na nga rin ata nila ang huminga.

"You're from Tyrants, right?" Napatingin ako mismo sa harap dahil sa tanong nya. Nakatingin sya sa lalakeng katabi ko.

Kahit alam kong hindi sya nakatingin sakin at ako lang naman ang nakatingin sa kanya... Damang-dama ko pa din ang awra nya, like he's looking directly at me... I mean, I can feel that he's aware that I am looking at him curiously.

Hirap akong napalunok at damang-dama ko ang biglaang panlalamig ng kamay ko. Pilit kong ipinagsawalang bahala iyon. 

Hm... He's not looking at me, he's not reading my mind... Calm the f down Serenity.

ROYAL BLOODTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon