Chapter 16

241 5 0
                                    

Chapter 16 

Visit 

"You are weird, Chantal. Are you really okay?" I look at Irene in front of me. Kanina pa ako wala sa sarili ko I mean nitong nakaraang araw pa dahil hanggang ngayon hindi pa din mawala sa isip ko yung oras na nakasama ko siya. All those times I spent with him. 

Ilang araw na din matapos ng araw na yun and here I am always not in my usual self. Napansin na nila Mia yun pati na din ni Rosalie at ngayon si Irene naman. Hindi mawala sa'kin yung saya ko sa maikling panahon na yun. Our shoot to Batanes has been moved kaya nandito pa din ako.

"Irene, can I ask something?" I look at her at kita ang pagtataka sa mukha niya but later on tumango naman siya sa'kin "Did you experience being sad because you lose a friend that you met for a short period of time?" Natigilan naman siya sa tanong ko hanggang sa makita ko na parang nag-iisip siya. 

"Losing a friend? No... But all I know is losing someone is so heartbreaking friend man yan o ano. Losing someone will always be painful maikling panahon man yan o hindi. Dahil nawalan ka pa din. You still lose someone." she said and I keep quiet thinking of what she said. 

Losing someone will always be painful kahit pa maikling panahon pa yan? I think she is right because as of this moment pakiramdam ko hindi ako buo because I lose someone important to me at ang mas nakakasakit pa we are not sure if we can face each other again kung tama pa ba na magkita kami ulit. 

Because just like what I said our worlds colliding is wrong. Hindi dapat mangyayari dahil pag ganun sa huli may masasaktan pwedeng ako at ang malala at hindi ko kayang makita ay siya ang ang masaktan. 

"Bakit mo naman naitanong? Do you have a problem or something? Ganyan ka na since I came back what really happen?" I don't know kung tama ba na magsabi kay Irene pero mas pinili ko na lang  na umiling. 

Okay ng ako lang ang nakakaalam ng tungkol sa mga panahon na yun. Only me and him that is enough. I will just keep that on myself. 

We are waiting for Oliver na nasa meeting pa kasama si Tita Olivia at Mia they are talking about Oliver taking the position of Tita Olivia and si Mia naman as our manager. They both want to know kung kakayanin ba ni Mia yung pressure sa pagiging manager dahil alam naman naming lahat na nasanay lang talaga siya na kasama lang ni Irene sa schedule at hindi iniisip yung mga kung ano pa because Oliver is the one handling everything. 

"What if Mia become our manager, sino magiging PA mo?" I ask her and she smile at me. 

"Siya pa din, I told her na pwede namang iba para hindi siya stress but she insist kaya niya daw." she said kaya natawa na lang ako. Irene and Mia are really close kaya hindi na ako magtataka na yun ang mangyayari o yun ang gustong mangyari ni Mia and I know Oliver will agree to it ano ba namang laban nun sa mahal niya.

 And also Tita Olivia is fond of Mia dahil nga after a long time daw nagkaroon na ulit ng girlfriend ang anak niyang muntik niya ng mapagkamalang bakla dahil walang interest sa babae after his last break up and that last is Almia's sister but everything is fine now. 

"E ikaw, I heard you are stressing Oliver this past few weeks." she said kaya napairap naman ako doon. She speak like parang ako lang yung stress ni Oliver. We both are the cause of stress of Oliver Ken Rivera and we are thankful to be one. 

Tahimik na lang kami ni Irene na nag-aantay dito sa meeting room doon sa dalawa and we just also took some picture at dinalhan na din kami ng makakain kaya naisipan ni Irene na maglive kaya sumama na ako. 

"No boys for us don't worry. Patay kami sa manager namin." Irene said when she read a comment about us if we are looking for a boyfriend. 

After a minute dumating na din sila Mia kaya pinatay na ni Irene yung live but instead of greeting them pinagpatuloy na lang namin ni Irene yung pagkain na hindi pa namin nauubos. 

Falling to the Spotlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon