Chapter 35

203 2 0
                                    

Chapter 35 

Relationship 

I tried so hard not to think about what I heard dahil alam kong kung ano-ano ang papasok sa utak ko once I let what Quinn said in my system but when I saw Michael inside my unit sleeping peacefully doon bumalik lahat ng naramdaman ko kanina when Quinn told me about it. 

Alam ko na wala naman akong dapat ikabahala doon dahil kahit na alam ko na kayang-kaya niya na siraan ako kaya ko pa ding linisin ang pangalan ko pero pag isa sa mga importanteng tao na sa paligid ko ang dinamay nila I really don't know anymore. Not only Michael who is important to me I have my friends and also my family. 

For the first time since Michael and I got together ngayon ko lang naramdaman ang hirap hindi sa relasyon na meron kami at sa layo namin kung hindi sa pagtatago ng kung anong meron kami because while keeping what we have there is a big chance na siya ang gamitin nila Quinn laban sa'kin. 

Ipinangako ko sa sarili ko na kahit anong mangyari I will not take Michael away from his comfort zone kahit na ilang beses niya na din namang sinasabi sa'kin na handa siyang madamay sa ilaw na meron ako pero ako gusto kong iiwas siya doon hindi dahil sa hindi ko gustong malaman ng lahat kung ano siya para sa'kin kung hindi ang iiwas muna siya sa kung ano ang pwedeng masabi ng tao hangga't hindi ko pa naayos ang lahat. 

I am taking everything slowly kaya nga naipaalam ko na sa lahat kung sino ba talaga ako e I am taking one step at a time sa lahat ng pwedeng mangyari. 

Dahan-dahan akong lumapit kay Michael na nakahiga sa couch na mukhang nakatulog lang kakaantay sa'kin at nakita ko pa yung maleta niya sa isang gilid kaya napangiti na lang ako. Nang makalapit ako mabilis akong umupo sa tabi niya at tinitigan siya. 

"I can't measure how much I love you, Michael. At dahil hindi ko masukat yung pagmamahal ko sa'yo natatakot na ako sa pwede kong gawin. Dahil baka sa mga desisyon na gagawin ko hindi mo naman magustuhan." I slowly caressed his face and bite my lower lip to stop my tears. 

Natatakot ako hindi lang dahil sa naging banta sa'kin kung hindi natatakot din ako sa pwede kong gawin para kay Michael dahil sa mga oras na 'to para sa'kin siya na lang ang mahalaga that is why I am scared to all the things I can do for him at natatakot din ako na baka dahil sa mga gusto kong gawin para sa kanya mawala naman siya sa'kin dahil hindi yun ang gusto niya. 

He is Michael at kilala ko siya dahil para sa kanya ako lang ang mahalaga parang hindi niya ako hinahayaan na gawin sa kanya ang mga bagay na ginagawa niya para sa'kin. 

"Hey, babe. Wake up." I whisper to his ear and I thought he is still not awake at lalayo na sana ako pero hindi ko nagawa dahil mabilis niya na akong nayakap kaya siniksik ko na lang yung mukha ko sa leeg niya. 

"I miss you." he said with his husky voice. 

"I miss you more." sabi ko at mas lalong siniksik yung mukha ko sa kanya. I miss his warm. "You should call me so I can go home early." Naramdaman ko naman ang pag-iling niya. 

"Paano na magiging surprise?" Natawa muna ako sa sinabi niya bago humiwalay sa kanya at tiningnan siya sa mukha. 

"Surprise na makita kang tulog dito?" I asked and that make him pout and I can't help but give him a smack in the lips pero hindi niya na ako hinayaan pa na makalayo sa kanya because he put his hand on the back of my waist at mas nilapit ako sa kanya hanggang sa magtama yung mga labi namin. 

This is one thing I like about my relationship with Michael yung kahit na ilang buwan kaming hindi magkita but once we met it feels like we are in our own world that revolves only to each other. Yung mundong kami lang ang nandoon. 

Falling to the Spotlight Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon