W A 01

1.9K 82 54
                                    

[W E E K S  A F T E R  I]

"Inanunsiyo na ng PGH na magaling na ang pinakahuling kaso ng COVID-19 sa Pilipinas."

"Pakinggan ang mensahe ng huling pasyente ng PGH na may kaso ng Covid."

I don't know what to feel while listening to all the news. Kahit sa diyaryo, laman-laman ang balitang 'yan. Videos of people throwing their mask and PPE's in the trashcan scattered on the internet. Everyone is celebrating the victory of the country against the unseen enemy.

Nakaupo lang ako sa aking study table habang nanonood ng balita sa YouTube. Katatapos ko lang gawin ang aking pukinginang modules at mukhang ito na ang huling beses na may tatapusin akong buwiset.

Hindi maalis ang ngiti sa aking labi. Nadinig ko ding nag-iingay si Mama sa baba. Napairap ako kasi alam kong sa lahat, siya ang pinaka-tuwang-tuwa. Hindi niya na kasi kailangang alalahanin kung nasaan ang kanyang quarantine pass.

Tumayo ako at nag-unat ng katawan. I am excited to go out! It's been years. Imagine being locked up in your house for like, 3 years or 4? Nakakamiss ang buhay. Hindi man siya magiging katulad ulit ng dati, at least hindi na siya kasing lala nung nakaraan.

Yes naman, Kimberly, look at the brighter side of everything 'yarn?

"Mama! Anong ulam?" Katulad nang nakagawian ko, tatanungin ko na naman si Mama kung anong ulam niya. Umalis ata siya sa bahay para makipag-chismisan sa labas. Medyo safe naman na since nabakunahan na ang mga chismosa.

In fairness, effective ang bakuna. Parang dati lang, nananakot pa ang iba na magiging zombie daw ang taong mababakunahan no'n.

Psh!

Mahina lang akong tumawa habang nakasuot pa din ang headphone, binuksan ko ang ref. Napataas ang kilay ko nang makita ang box ng cupcake. Napangisi ako at kinuha ito.

Hihintayin ko na lang na pumasok si Mama tapos sasabihan akong 'wag kong kakainin ang nasa ref dahil pinalagay lang ng kapitbahay.

Kumakanta-kanta pa ako habang tinatahak ang daan palabas. Sumilip ako sa pinto para tingnan kung may tao.

"Blackpink in your area~"

Sumabay ako sa tugtog habang naglalakad. Hindi ko pinansin ang mga taong tumitingin sa'kin, malamang ay naw-weird-uhan kasi sumasayaw na naman ako.

"Hala, nabuang na naman si Kimberley. Maganda sana, napaglipasan lang ng utak." Kahit na naka-earphone, dinig ko pa din ang sinabi nung babaeng 'yun. Paepal, duh!

"Ate, pabili nga itlog, dalawa. Saka pancit canton, chilimansi." Tawag ko sa tindera. Mukha itong matamlay nang iabot niya sa'kin ang binili ko. Hindi ko nga alam kung inabot niya 'yung bayad ko pero bahala siya.

"Kimberley!"

"Kimberley! Anak ng kagang naman talaga't may ulam na nga sa loob, bumili pa talaga." Kinindatan ko lang si Gian, 'yung crush ko, saka pumasok sa loob.

"Hindi ko nakita, Ma. Okay na 'tong pancit canton." Ngumiti lang ako sa kanya.

Ilang araw lang ang makalipas, unti-unti na ding tinanggal ang mga quarantines sa bawat sulok ng Pilipinas. Everyone availed vaccination, but not me. Ayoko sa karayom. Bahala sila d'yan. Mabuti na lang at hindi na din ako pinilit ni Mama.

"Shuta sila? Next week na kaagad ang simula ng klase? Wala man lang rest-rest?" Akala ko ligtas na ako sa module pero ang mga timang, nagpa-simula agad ng klase. "Ma! Ayokong pumasok!"

"Tantanan mo 'ko, Kimberley. Papasok ka, sa ayaw at sa gusto mo."

"Ito naman, hindi na mabiro. Sama ng mood mo ngayon, mamsh, anong ganap?" Nagtataka ako kasi kanina pa siya ubo nang ubo tapos parang ang sama pa ng mood.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now