X PART

336 15 5
                                    

Year 2011

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Year 2011

"Tulong!"

Isang babae ang tumatakbo sa hospital habang buhat-buhat ang isang batang nasa edad lima. Maputla na ang balat nito, gan'on na din ang kaniyang mga labi. Ang mata nito'y nakatirik na din.

Patay na siya.

Umiiyak ang babae habang pilit na tumatawag ng tulong. Agad naman siyang nilapitan ng mga personnels doon at in-assist.

Nilagay nila ang babae sa isang hospital bed at kaagad itong binigyan ng oxygen. Nagkakagulo ang lahat, at bakas na bakas ang takot at pagkabalisa sa nanay ng babae.

"Please, gawin niyo lahat..."

Walang nagawa ang babae kundi ang umiyak at magdasal na lamang habang hinihintay ang doctor na lumabas. Napaupo at napasandal siya sa pader, tinatanggihan ang sarili na sumilip sa loob at tingnan ang kalagayan ng anak.

Paggising ng anak niya kanina, matamlay na ito at namumutla, pero ipinagsawalang bahala niya 'yun dahil baka gutom lang. Pero noong bandang magt-tanghali na, bigla na lamang itong natumba.

Hindi niya alam kung anong nangyari.

Nanginginig ang kaniyang mga kamay. Ang anak niya na lang ang meron siya kaya kapag nawala ito, paniguradong mababaliw na siya.

"Doc, doc, anong nangyari sa anak ko?"

Agad siyang napatayo nang lumabas ang doctor. Lumipat ang tingin ng lalaki sa kaniya saka malungkot na buntong-hininga.

Namuo ang luha sa kaniyang mga mata saka napaupong muli sa upuan. Hinawakan niya ang kaniyang dibdib nang maramdaman niya ang pagsikip nito.

"Your daughter's heart has hole. Maybe she got exhausted about something, that's why she collapsed. I'm sorry, we did everything we can do."

The doctor's words lingered on her head. Nanginginig man, nagawa niya pa ring tumayo at lumapit sa pinto. Mula doon, sinilip niya ang kaniyang anak na noon ay tinabunan na ng puting tela.

Sinisisi niya ang kaniyang sarili. Kung napansin niya dati ang kaniyang kalagayan, baka hindi ito namatay ngayon.

She don't know but she just found herself signing a waver, giving a doctor a permission to put something on her child. Ang sabi niya, bubuhayin niya daw ang kaniyang anak. Out of desperation, she didn't hesitate and immediately agreed.

"Gawin niyo po ang lahat."

The doctor smiled at her. Malawak ang ngiti niya saka tumayo at tumalikod na, iniwan ang ina na nakaupo.

What she didn't know, her daughter will be a big part of a big project that will soon end the world.

Year 2013

"Dito! Tulong!"

Nurses are rushing. Marami pa rin ang sugatan mula sa bagyong Yolanda. Hindi man sa kanila ang sentro ng bagyo, hindi pa din maipagkakaila ang tindi ng pinsala na naibigay nito. 

Madaming mga sugatan na naghihintay ng tulong, at isa na do'n si Azi. Malala ang kaniyang tama sa tiyan dahil natusok 'yon ng steel bar na maging siya'y hindi alam kung saan nagmula. Napapikit na lang siya at napakagat nang madiin sa kaniyang labi, pinapatatag ang sarili. 

Tangina, kailan ba dadating ang tulong?

Hinawakan niya ang braso ng isang nurse nang dumaan ito sa tabi niya. Hindi siya makapag-salita dahil sa sakit na nararamdaman niya sa kaniyang tiyan.

"T-Tulong..."

Nanlaki ang mata ng nurse saka tarantang nagtawag ng tulong. Bumagsak ang kamay ni Azi kasabay ng kaniyang ulo.

Sa wakas.

Naramdaman niya na gumagalaw na ang kaniyang hinihigaan kaya naman nakampante na siya. He gulped as he felt dizziness starting to envelope all over his body.

Nang makapasok sa loob ng operation room, kaagad na nagprepara ang lahat. Pinikit na lang ni Azi ang kaniyang mata habang dinadama ang pagtusok ng isang bagay sa kaniya.

Nakatulog siya habang ang mga doctor naman ay sinusubukang tanggalin ang bakal sa kaniyang tiyan. Mahabang proseso din ang inabot dahil sensitive pa ang organs ng batang inooperahan nila. Baka may ma-damage.

Ilang oras pa, tagumpay na natanggal ng mga doctor ang bakal. They all sighed in relief before smiling. Lumabas na silang lahat at iniwan na lang sa isang doctor ang pasyente dahil marami pang gagamutin.

The doctor stared at the boy's pale face. She then bring out a syringe. Unlike the other syringe, this contains a purple liquid in it.

"I'm sorry..."

She shook her head before injecting the purple liquid into the kid. She then step back before sighing, putting her hands inside her pocket.

Inobserbahan niya ang sugat ng bata. Ilang minuto siyang naghintay bago niya nasaksihan ang paggaling nito. Ang tahi ay kaagad na naglaho. Bumalik na din sa dati ang kaniyang kulay kaya napangiti ang doctor.

It worked. His body accepted it.

Tumalikod siya at lumabas ng silid habang malawak ang ngiti. Pumasok naman sa loob ang dalawang nurse para ilipat ng kuwarto ang bata.

Nararamdaman niyang malapit na.

Malapit na malapit na sila sa tagumpay.

Every single cell of humanity will vanish. There will be no traces of existence. Only path of extinction.

E N D

Weeks AfterWhere stories live. Discover now