W A 04

719 37 6
                                    

[W E E K S  A F T E R  IV]

"Hindi pa ako gutom, pero salamat."

Isang araw na ang nakalipas.

Isang araw na ang makalipas matapos ang kahindik-hindik na pangyayari sa Pilipinas.

Gabi na pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. I'm afraid that...that I will wake up as a zombie. Hindi ako sure! Pa'no kung atakihin kami habang nahihimbing?

I saw how he nodded his head and withdraw his hand. Nagpatuloy lang siya sa pagkain. Me, on the other side, stare at the fire, which is the only thing that provides light and heat to the both of us.

Unti-unti na itong namamatay. Nasa ilalim kami ng isang tulay. For now, this is the only safe place. Tago naman ito kaya maliit ang posibilidad na makita kami ng mga infected.

We're still looking for much safer place. Quarantine areas? Meron naman sigurong gan'on.

"Hindi ka pa ba matutulog? Malalim na ang gabi, masamang magpuyat. Hindi makakabuti sa'yo, lalo na't ganito ang panahon." Bumalik ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi niya. Nakasandal ito sa pader habang nakasubo ang sigarilyo sa bibig.

"Sasamahan na lang siguro kitang magbantay. Magsasabi na lang ako kapag inantok ako." Hindi na siya tumutol sa sinabi ko.

We were silent once again. Dinig na dinig ang tunog ng mga insekto. Umuugong na din sa tainga ko ang mga lamok.

Nakakakaba ang katahimikan ng paligid. Bahagya akong uminat nang makaramdam ng pangangalay. I adjusted my blanket when I felt cold.

Mabuti na lang at nakapagpalit na ako ng damit. Kung hindi, malamang pati ako mandidiri sa sarili ko. Si Rehan, naghugas lang ng katawan. Wala kasi siyang nahanap na damit na kakasya sa kaniya.

"Pa'no pala kapag naubusan ng gasolina 'yang sasakyan? Wala na tayong magagamit."

Naalala ko lang na hindi unlimited ang mga gamit namin. Lalong-lalo na ang gasolina. What if habang hinahabol kami ng mga zombie, biglang ma-out of fuel? Katapusan na namin.

He puffed the smoke before glancing at me. Binalik ko na lang sa apoy ang paningin ko at bahagyang pinaglaruan 'yun.

"Bukas..." Nagsalita siya. "Bukas, papakargahan ko 'yan, 'wag kang mag-alala." Tumango lang ako.

Ilang sandali lang, nakaramdam ako ng pagbigat ng talukap ng mata ko. Yeah, I'm already sleepy. Nagpaalam na lang ako na matutulog muna.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Naabutan ko pa si Rehan na natutulog. Sumunod pala siya sa'kin sa kotse.

Tumingin ako sa labas, sinisiguradong ligtas. Nang makumpirma, lumabas ako.

Hindi katulad kahapon, mas maaliwalas ang araw ngayon. Naririnig ko pa ang paghuni ng mga ibon. Napangiti ako sa loob-loob ko dahil kahit papaano, nakaramdam ako ng kapayapaan.

Nangunot ang noo ko nang makarinig ng nagsasalita. Driven by curiosity, I just found myself dragging my feet towards the direction where I heard the sound.

"Wala na tayong magagawa, Iris. I'm sorry, please do it."

"Alam mong hindi ko kayang gawin 'yan."

Mas lumalim ang kunot ng noo ko dahil hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan ng dalawa. I can hear soft cries which pick the inner me to peek.

Nakita ko ang dalawang babae. They are wearing uniform so I assume they're students like me. Base naman sa paraan ng pag-uusap nila, para silang magkaibigan.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now