W A 18

433 19 3
                                    

[W E E K S  AFTER XVIII]

"Ah, shit!"

Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo sa ulo ko nang tumaob ang sasakyan namin. Putangina, palagi na lang, ha!

"Lumabas na kayo! Bilisan niyo!"

Kahit na nahihilo pa sa biglaang pagtalsik ng sasakyan, pinilit ko pa ring makalabas. I can feel the blood dripping on my body. Ano na naman ngayon?!

"Salo!"

I catched the gun Beal threw to me. She's having a hard time pulling herself out so I helped her. Like me, she's also had bloods on her head.

Tumakbo kami papalit at pagkalingon ko, gan'on na lamang ang gulat ko nang makakita ng malaking nilalang. It is twice our height!

Hinampas nito ng poste ang sasakyan namin na siya namang ikinasira nito. Nagtago kami ni Beal sa likod ng isang gusali habang pinapanood kung paano nito pitpitin ang sasakyan namin.

It is bigger than the usual mob! Wala na din itong balat kaya kitang-kita ang mga muscle nito sa katawan. His body is reddish and the blood is freely flowing all over it. Para siyang zombie na binalatan nang buhay!

"Ito ang rason kaya hesitant kaming pumunta sa siyudad." Hindi ko na magawang lingunin si Beal nang magsalita ito. Napako ang paningin ko sa kakaibang nilalang na 'yun na sigurado akong kami ang susunod na dudurugin. "In just a span of three days, nagawa na nilang mag-mutate."

"What the fuck..."

"Kahit na wala na siyang balat, hindi pa rin siya matatalo sa pagbaril lang sa kaniya. Mabilis siya, kumpara sa iba." Ramdam ko ang panginginig niya habang sinasabi 'yun.

Nanlaki ang mata ko't nagtago nang bumaling ang halimaw sa'min. Puting-puti ang mata nito at ang bibig niyang punit na din. Halos bungo na nga lang ang makikita sa ulo niya.

"Tumakbo ka palayo kapag sinabi ko. Hanapin mo ang mga kasamahan mo."

"Anong gagawin mo?" Tiningnan ko na siya ngayon dahil sa tanong niya. "Delikado ang gagawin mo!"

"Kailangan may makarating sa kung saan man 'yun, Ate Beal. Kailangang may pumigil sa kanila. Kapag hindi, maaring matapos na talaga ang mundo." Nakiki-usap na sabi ko.

"Paano mo naman masisigurado na makakarating kami do'n?" Bumuntong-hininga ako at nilingon ulit ang halimaw na noon ay sinisipa na ang ibang sasakyan.

"Dahil naniniwala ako sa inyo."

Hinawakan ko ang balikat niya saka ko siya mahinang tinulak. She even looks hesitant but she still nodded her head. Binigay niya sa'kin ang dalawang katana na hawak niya at tinapik ang balikat ko.

"Mag-iingat ka. Hihintayin ka namin."

Tumango na lang ako't bahagyang ngumiti. Nagsimula na siyang tumakbo papalayo sa'kin kaya napapikit ako at bumuga ng hangin.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa sandata ko at kinagat ang pang-ibabang labi. I silently prayed to Him to give me strength, physically, emotionally and mentally.

Sa panahon ngayon, gabay Niya na lang ang kailangan ng lahat.

Lumabas ako habang hawak ang dalawang katana sa kamay ko. May inipit na din akong baril sa baywang ko for emergency.

"Hey, bitch! Hanap mo ba ako?" Ngumisi pa ako nang humarap ito sa sa'kin. He growled loudly and promise, it hurts my ears. Kasing tangkad niya ang isang palapag na gusali kaya hindi ko alam kung paano siya patutumbahin.

Nang sumugod siya, sinalubong ko na siya. Since malaki naman siya, mabagal ang kilos ng mga braso niya kasi mabigat, pero mapipirat ka talaga kapag natamaan ka. Kaya lang naman siya mabilis kasi malaki ang mga yabag niya.

Nang makahanap ng pagkakataon, lumusot ako sa ilalim niya nang susuntukin niya na sana ako kaya natamaan ang semento na siya namang ikinawasak nito. Hiniwa ko ang binti nito kaya bahagya siyang napaigtad pero alam kong wala lang sa kaniya 'yun.

Tumakbo naman ako palayo sa kaniya nang naramdaman kong sumunod siya sa'kin. Gumulong pa ako sa sahig nang muntikan niya na akong matamaan.

Nanlaki ang mata ko nang may makita na naman akong kamao na babagsak sa'kin kaya muli akong gumulong. Bumangon ako at nagsimula ulit tumakbo.

Bigla naman akong tumigil at umikot saka sinalubong ang paparating na halimaw. Gamit ang dalawang katana, hiniwa ko ang dalawang binti nito kaya gumawa na naman siya ng ingay.

I used that opportunity to run again. He's so consistent following me! Nangbabato na din siya ng mga sasakyan kaya napapatili na lang ako kapag may tumatama sa gilid ko.

Gago ampota!

Umiling lang ako at pumasok sa loob ng isang mataas na building. Nang paakyat na ako, naramdaman ko ang pagkabasag ng mga salamin at pagkasira ng mga pader nang sumunod siya.

Napangisi ako at nagpatuloy. Lahat ng madadaanan niya ay sinisira niya ng tuluyan, at wala siyang pinapalampas na harang.

Nagpatuloy na lang ako sa pagtakbo kahit na natatakot akong baka biglang may zombie na sumalubong sa'kin. Ang ungot ng malaking zombie na 'yun ay mas lalong lumalakas habang papalayo ako.

Nang makarating sa rooftop, tumakbo ako sa pinakagilid at hinintay na makapasok ang zombie. I was panting as I stand there.

Nagulat pa ako nang biglang mawasak ang pintuan at ilang bahagi ng haligi ng pinagpasukan ko nang pumasok ang malaking zombie.

His eyes immediately found me and he opened his mouth before running towards my direction. Mas lalong lumawak ang ngisi ko dahil do'n.

Nang malapit na siya, tumalon ako sa building ng nakatalikod.

Walang pag-aalinlangan siyang sumunod sa'kin kaya napangiti na lang ako dahil kahit papaano naman ay successful ang plano ko.

"Bye, bitch."

Nang makita ang hinahanap ko, kaagad akong kumapit doon. Buti na lang merong nakabukas na bintana para mahawakan ko! Ang sakit ng braso ko dahil sa bigla kong pagkapit do'n!

Dire-diretso namang bumagsak ang halimaw kaya pinanood ko siya habang nakakapit pa rin ako sa bintana. Natusok ang katawan niya sa isang poste kaya naman alam kong wala na siya.

Umakyat na ako pagkatapos bago pa tuluyang bumigay ang braso ko. Ang sakit!

Bumagsak ako sa sahig pero hinayaan ko lang ang sarili kong mahiga do'n sandali. Nakikita ko ang pagtaas baba ng dibdib ko habang mabibigat na hininga ang nilalabas ng bibig ko. Pumikit ako at lumunok dahil pakiramdam ko, natuyo ang lalamunan ko.

Bumangon ako at dinampot ang mga katana na hinagis ko dito kanina bago ako umakyat pataas. Hawak-hawak ko sila hanggang sa lumabas ako ng silid.

Naglakad ako pababa ulit sa building nang nakayuko. Bakit ba lagi na lang akong naiiwang mag-isa? Nakaka-putangina naman.

Nagsimula ko nang lakarin ang daan. Nakita ko pa ang malaking zombie. Mulat pa din ang mata nito pero parang baha na umaagos ang dugo niya. The red thick liquid is flowing on the road.

Napangiwi na lang ako at iniling ang ulo ko.

"Kimberley!"

I averted my eyes on the lifeless mob and look at the one who called me. Tumaas ang kilay ko nang makita ang isang lalaki na tumatakbo palapit sa'kin.

It's Aziel.

Ano pang ginagawa niya dito? Siya pa naman ang inaasahan kong magiging leader ng apat na 'yun sa pagpunta sa pupuntahan namin!

"Anong----,"

Naputol ang sasabihin ko at nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ang isang bagay malapit sa'kin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko at nanlamig ang katawan ko.

Bago ko pa man magawang umiwas, nakita ko na lang ang aking sarili na tumalsik dahil sa pagtama ng isang bagay sa'kin.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now