W H A 12

293 11 0
                                    

"Lalapit ba tayo?"

Matapos ang ilang minutong katahimikan, nagsalita na ako. Mukhang hindi man lang nila naramdaman na may mga taong nakamasid sa kanila. Kung kanina, akala namin, nakatayo lang sila, ngayon naman ay mukhang nag-uusap-usap silang lahat.

"Siyempre----,"

Hindi na natapos ni Rehan ang isasagot niya nang bigla kaming makarinig kami ng mga pamilyar na tunog ng mga patay. Nagkatanginan kaming tatlo at pare-parehong nanlaki ang mga mata namin.

Sabay-sabay kaming lumingon at gan'on na lang ang gulat namin nang may tumambad na dalawang babaeng zombie. Nakasuot sila ng puting nurse uniform, at sumasayad na sa lupa ang mga bituka nila kaya bahagya kaming napaatras.

Binali nila ang leeg nila bago bumuka ang bibig sanhi ng pag-agos ng dugo mula doon. Laelyn and Rehan was fast to got their weapons and defend us from the two zombies.

I stayed behind, watching how they hit the two mobs. Kada tama ng bakal sa katawan nila, naririnig ko kung paano magkalasog-lasog ang mga buto nito. Mga normal lang ito na zombie kaya alam kong madali lang para sa kanila na matalo ito.

Tumatalsik ang dugo ng dalawa sa paligid habang pinaghahampas sila nina Rehan, nakadagdag pa sa kilabot ang mga basag nilang tinig. Ilang sandali pa, natigil ang mga 'yun kasabay ng pagtigil nila Laelyn at Rehan sa paghampas.

Their body is now covered with blood. May iilang talsik pa ng dugo sa mukha nila na humalo sa kanilang pawis. They wiped it before walking towards my direction.

"Laelyn? Laelyn!"

Napatingin naman kami sa likuran nang may tumawag sa'min. Nate and four more rushed on our place to check us out. Lumiwanag ang mukha ko nang makalapit na sila.

May kasama silang matandang babae na sa tingin ko'y nasa 70 na or younger. My heart sank because of that scenery. May mga dumi at uling na sa mukha niya pero nagawa niya pa ding ngitian kaming tatlo.

Mukhang pamilya sila at si naligaw lang si Nate. When I looked at the guy, he's already talking to Laelyn. Mukhang inaasar niya pa ang ate niya dahil nakakunot na naman ang noo nito.

"Kimberley," Mayamaya ay lumapit sa'kin si Nate. Nagulat pa ako nang bigla ako nitong yakapin ng mahigpit pero kalaunan ay tumawa at tinapik lang ang likod niya. "Akala ko kung ano nang nangyari sa'yo pagkatapos mong mawala sa'min. It's good that you're now back."

"Oo, may tumulong sa'kin, kaso naiwan na naman ako, 'e. Buti na lang nakita ko sila Rehan." Lumapad ang ngiti ko saka tiningnan si Rehan na nakatingin lang din sa'min.

It was silence after that. Bumaba ang mata ni Nate sa bandang balikat ko kaya medyo umatras ako at napaiwas ng tingin. I bit my lip and wait for his reaction. I know by now how serious my case is.

"May...sugat ka..."

Napayuko ako lalo dahil ramdam kong nasa akin na ang tingin ng lahat. My heart is beating faster as I feel my eyes' corner heating. I can feel their heavy stares.

"I'm...sorry..."

"Hindi pa naman siya infected. Marami pang oras at mauubos 'yun kung uunahin niyong pake-alaman ang sugat niya." Laelyn talked with her strict voice.

"Anong gusto mong gawin? Magsama tayo ng isang malapit ng maging halimaw habang nasa paglalakbay tayo?" Umalingawngaw ang boses ng isang lalaki. Sa tingin ko, mag-asawa sila no'ng babaeng tahimik lang ding nakatingin sa'kin. "Hindi ako papayag na sumama sa'tin 'yan! Paano kung maging---,"

"'E di hindi, ano namang pake ko sa gusto at ayaw mo?" Laelyn raised her brow which made the man shut his mouth. Mukhang napahiya siya sa naging sagot ni Laelyn. "After all, hindi naman tungkol sa inyo ang lahat. Kung ayaw mo sumama, you're very free to leave and go alone."

"Laelyn, may kasama silang matanda. We can't just leave her." Rehan said, trying to point out something.

Laelyn crossed her arms on her chest and stared at the family. "I'm sure naman, kaya niya nang protektahan ang pamilya niya. Nagmamagaling naman siya, 'e."

Natahimik kami pagkatapos no'n. They will be safer if they are with Rehan and Laelyn, but that'll only happen if I am not with them.

Tama nga naman kasi siya. Magiging halimaw na ako, at kapag nagkataon, maari silang mapahamak nang dahil sa akin. I feel sorry for myself. Kung hindi ko lang hinayaan na ma-infect ako, 'e di sana payapa kaming naka-alis.

"Angelo, hindi tama 'yang ginagawa mo. Tao pa rin 'yang sinasabihan mo na halimaw." The old woman talked and gaze at us apologetically. "Pagpasensiyahan niyo na ang anak ko. Marahil ay natatakot lamang siya sa mga nangyayari."

"Lahat naman ho tayo, natatakot, pero hindi naman ho tama na gawing dahilan 'yun para manghamak ng isang tao."

I pursed my lips and tightly closed my eyes when I felt the pain on my wound again. Mas masakit na ito kumpara sa mga naunang sakit. With that, I already decided for my life.

I need to stay away from them already.

"Okay, pasensiya na sa inasal ko. Humihingi ako ng paumanhin, hindi na mauulit." I opened my eyes when that Angelo talked. Sakto namang nagtama ang paningin namin kaya kita ko kung paano muling gumuhit ang takot sa mata niya.

"Oh, 'e di malinaw tayo ngayon. Walang aalis, walang maiiwan, walang mahihiwalay. Sinong tututol?" I was about to raise my hand but they won't. I don't know what's happening. Hindi ko ma-kontrol ang sarili kong mga braso!

Fuck! I tried the breathing exercises to calm my nerves and my system. The virus is slowly eating me alive, and I can't even do something about it.

"Kimberley, aalis na tayo."

Napabalik ako sa sarili nang marinig ang boses ni Rehan. I looked at him but immediately averted my gaze when I saw worry and pity on his eyes. The only thing I can do is to nod my head because even my mouth seems paralyzed.

"Magiging okay din ang lahat sa mundo, maniwala ka." He even smiled after saying that before he held my shoulders and guided me.

I let out a heavy sigh as something formed in my throat. The heavy feeling, and fear within me is slowly burning the greatest weapon I have.

Faith.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now