W A 02

1.1K 51 23
                                    

[W E E K S   A F T E R  II]

"Please, answer your phone."

Para akong tanga na naglalakad sa gitna ng daan. Nakapaa lang ako dahil nasira ang sapatos ko. Kanina pa ako palakad-lakad, naghahanap ng ligtas na pwedeng pagtaguan.

Luckily, I am not yet encountering some zombies on my way. Mga patay na tao, meron na, pero hindi naman sila gumagalaw.

I am trying to contact my mother but her phone is dead. Kinakabahan na ako. Ayokong isipin pero hindi ko maiwasang hindi.

What if she became one of them?

Napailing ako sa naiisip. Hindi pwede. Hindi ako papayag. What I have to do now is to find way for me to survive and save my mother.

I smiled with the thought.

Yes, I will save myself to be able to save her.

Nanlaki ang mata ko nang makitang may dalawang zombie ang papunta sa direksyon. Mabilis na naghanap ang mata ko ng pwedeng pagtaguan. Una kong nakita ang isang malaking basurahan. Sa tingin ko naman, hindi na nila ako makikita dito.

Pigil hininga ako nang dumaan sila sa gilid ko. Napapikit ako at kahit nanginginig na sa kaba, pinilit kong 'wag gumawa ng ingay. Shutaccaeyo, 'wag naman sana akong maamoy ng mga 'to.

I slowly opened my eyes. Nakahinga ako ng maluwag nang mapansing nasa malayo na sila. Bumuga ako ng hangin para kalmahin ang sarili ko.

"Kalma, Kimberley, madami pang iba. 'Wag ka munang mamatay." Pagka-usap ko sa sarili ko. "Kaya mo 'to, naka-survive ka nga sa Plants versus zombies dito p----AHHHHHH!!!!"

I screeched when I felt someone hold my shoulder. Gan'on na lang ang gulat ko nang mapagtantong isa itong babaeng zombie. Her eyes popped out and she got scratched all over her face.

Mas lalo akong napasigaw sa hitsura niya. Nakakadiri!

Tumakbo ako palayo sa kanya. Wala na akong pake kung may humahabol ba sa'kin pero alam kong may na-attract na zombie dahil sa sigaw ko.

Tanga mo, Kimberley.

Pumasok ako sa isang building. Wala na din akong pake kung may nag-aabang din sa'kin dito. Ang mahalaga sa'kin ngayon ay makalayo.

I ran as fast as I can. Huminto ako nang maramdamang wala ng humahabol sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko habang hinihingal.

Pota, nakakapagod.

I gulped my saliva as I continue my way. Mukha namang ligtas ang lugar na ito. Sa ngayon.

Palinga-linga ako sa paligid habang naglalakad. Mahirap na, baka basta na lang may humablot sa'kin.

Ang dumi-dumi na ng damit ko. Pati 'yung dugo at sugat ko sa ulo, natuyo na lang nang hindi ko man lang nagagamot. Hindi ko na rin naman nararamdaman ang sakit, mas kinabahan ako do'n. Baka sa ibang infection naman ako mamatay.

I just shook my head before continue walking.

"AHHH----,"

"Shh. Manahimik ka."

Sisigaw pa lang sana ako nang takpan ng kung sino ang aking bibig. My eyes widen when I saw a zombie approaching. Paika-ika itong naglalakad papunta sa direksyon kung nasaan ako. May tapyas ang pisngi nito na sa tingin ko'y nakuha niya dahil sa kagat. Ang puti niyang mata ay naglilikot, naghahanap ng mabibiktima.

I shut my eyes tightly when he passes our direction. My breath almost ditched me, my heart is beating fast. Nakakatakot din ang ginagawa nitong ungot.

Agad akong napahinga ng malalim nang pakawalan ako nito. I held my chest, panting heavily. That was close!

Weeks AfterWhere stories live. Discover now