W A 17

457 19 3
                                    

[W E E K S  A F T E R  XVII]

"Gising na siya."

Minulat ko ang mata ko at kaagad ring napapikit nang masilaw. I can feel someone is staring at me which made me groan. Muli kong dinilat ang mata ko at unti-unting sinanay ang paningin sa paligid.

I feel thirsty!

"Uminom ka muna." Without hesitation, I accepted the bottled water they offered me. Para akong ilang araw na hindi nakainom dahil pagkatapos ng isang bote, humingi pa ako na kaagad naman nilang ibinigay.

"Salamat." Hinihingal akong umupo sa kung saan man ako nakaupo. I put my palm on my head, feeling the slight ache there. I felt someone caressing my back.

"Mabuti naman at gumising ka na." I looked at the one who spoked. May kakapalan ang balbas nito at mataba siya. May salamin din siya. Sa tingin ko ay nasa thirty years old na siya.

"Sino kayo? Anong ginagawa ko dito?" Nataranta ako pero hindi pa rin ako makatayo dahil biglang sumasakit ang ulo ko.

"Katulad mo, survivors din kami. Nakita ka namin sa daan habang naghahanap kami ng supplies." May nagsalitang babae. Her voice is soft, and judging that, I guess, she's on her mid-thirties too.

"Tatlong araw ka na ding natutulog. Akala nga namin ay patay ka na, mabuti naman at hindi." Then there's a lady who's, I think, 23 years old.

Three days.

Marami nang nangyari sa loob ng tatlong araw na 'yun. Sigurado akong mas lumala ang kalagayan sa labas. Nasayang ang tatlong araw ko.

"Nakita ko na!"

Lahat kami ay napatingin sa lalaking biglang pumasok. He's wearing a big smile on his face but when he saw me, it vanished.

He tilted his head like a curious kid but still withdraw his stare. Sa halip, nilabas niya ang tablet niya at pinakita sa kasamahan ang isang mapa.

Mukhang nasa 15 years old pa lang ang isang 'to base sa pangangatawan niya. Though, he's taller than me.

"If we're going to look at this map, this place is where the dead are coming. Kung tama ang hinala ko, lagi silang dito nanggagaling."

Even though I don't understand what they are talking about, I still listened. That guy looks like a leader explaining.

"There is a tendency that someone is summoning them the reason why they are inevitable." He looked at us as if he's trying to make us understand him. "Hindi naman basta-basta lang mag-magic ang mga zombie dito."

"And, the drone you see also goes there." My forehead knotted.

"Drone?"

"Oo. No'ng makita namin ang katawan mo, may nakita din kaming isang drone na umaaligid sa'yo."

That drone may somehow connected to the organization my ex-comrade's talking about. If there really is a drone, malamang 'yun ang dahilan kaya lagi kaming natatagpuan ng zombie.

So, hindi nag-mutate ang senses ng zombies. Tama nga ako na may mga tao sa likod nito.

Fuck them and their greedy deeds.

"If we're going here, in this direction, may posibilidad na makita natin ang mga tao sa likod ng pangyayaring ito." He, again, looked at us. There's a hint of doubt written on his face. "But you know what we will face."

He's right. We'll face not just dozen, but hundreds of zombies on our way there.

Kung totoo ngang doon 'yun nanggagaling, malabong makarating kami do'n ng hindi isang zombie. Plus 'yung drone. Kung nakasunod 'yun sa'kin, hindi din malabong malaman ng mga tao na 'yun ang plano namin.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now