A E 12

243 8 2
                                    

"Welcome to Nyasaaa Corporation."

As he stepped his feet on the ground of Nyasaaa Corporation, Rehan roamed his eyes around. The sound of the chopper, the warm wind; he feels new. The environment made him smile.

Hindi katulad ng inaasahan niya, dalawang palapag na building lamang ang tumambad sa kaniya. Ngunit malawak ang lugar na ito. Nasa gitna ng dalawang matataas na bundok ang Nyasaaa.

"Follow us so we can show you how our company works." Tumango siya saka sumunod sa babae. Ang mga lalaking nakaitim ay nakatayo lang sa gilid. Yumuko ang mga ito nang dumaan ang doktora.

Kusang bumukas ang salamin na pintuan kaya bumungad sa kanila ang iilang mga nagta-trabaho dito. Halos lahat ay busy sa computers. Nakapagtataka lang dahil mga receptionist ang kadalasang makikita sa first floor pero dito, hindi. Hindi naman sila mukhang receptionist.

Habang nililibot niya pa rin ang paningin niya, hindi niya napansin na pumasok na pala sa loob ng salamin na elevator ang doktora at iilang mga tauhan nito.

Dali-dali siyang sumunod at mapagpaumanhin na tumingin sa babae, ngunit nginitian lamang siya nito. Inilagay niya ang kaniyang kamay sa harapan niya at pinanood kung paano pindot-pindutin ng isa sa mga lalaking nakaitim ang mga buttons.

Hindi nagtagal ay nagsimula na ring gumalaw ang elevator. Tiningnan niya lang ang paligid habang kinakalma pa rin ang sarili. Pababa ang elevator kaya nagtaka siya.

So, underground pala ang Nyasaaa? He thought of himself.

Mula sa mga salaming humaharang, kaagad niyang nakita ang iilang mga glass tube sa palapag na nasa ilalim lang ng palapag na pinanggalingan nila. May mga tauhan rin na nakasuot ng puti ang kumikilos do'n. He can even see some human inside the tube which sends waves of fear inside him.

"Don't be afraid, Rehan. They are safe, and alive." Napalingon naman siya sa babae dahil sa sinabi nito. Bahagya siyang napanatag dahil mukha namang hindi nagsisinungaling ang babae. "Well, at least for now..."

Sa sumunod namang palapag, madilim lang. Pero nakikita niya ang dalawang kahon na salamin. May taong nakakulong sa bawat box na 'yun. Hindi niya mapigilang kabahan nang magtama ang paningin nila ng isa.

Bahagya pa siyang napaatras nang tumayo ito at bumuka ang mga bibig saka hinampas ang sarili sa salamin. Gan'on din ang ginawa ng isa pang tao kaya kumunot ang kaniyang noo.

"Don't mind them. They are one of our patients who is sick mentally. We're still trying to know their sickness that's why we locked them there for observation." Doctor Layla explained.

Sa kasunod namang palapag ay isang silid muli na parang laboratoryo. May mga makina, may mga test tubes at iilang substances ang nakikita niya. Maliwanag sa silid na ito at may iilang trabahador na kinawayan pa sila.

"This is our laboratory. This is where we experiment different things, from microbiological creature, to the future medicines." Muling nagsalita ang doktor. "And they are the scientist. They help us in concluding our theories."

Hindi umimik si Rehan at pinanood lang ang mga likido na nakalagay sa Erlenmeyer. Merong pula, berde, asul, at kung ano-anong kulay, depende sa kung anong substance. This room looks so clean and untouched.

The next floors were just black, nothing but darkness. Hindi na ipinaliwanag ng doktor kung ano ang makikita dito dahil mukhang isa lang naman itong vacuum. Isang lugar na walang kahit anong matter. Parang outer space.

Hanggang sa tumigil ang elevator. Ang tunog ng pagbukas ng salamin ay maganda sa kaniyang pandinig. Bahagya siyang nangiti saka sumunod sa mga tao na lumabas.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now