W H A 04

336 16 1
                                    

"Sige! Nandito ako! Ako ang habulin niyo!"

Patuloy akong sumisigaw habang sinusundan nila ako. Kahit na malakas ang mga ungot na ginagawa nila, sinigurado ko pa rin na mangingibabaw ang boses ko para sundan nila ako at maligaw sila.

Umaatras ako patalikod mula sa kanila pero sinisigurado ko na malaki ang agwat na magagawa ko para hindi nila ako masundan.

Tumalikod ako para tingnan ang dinadaanan ko. Mas lalong umingay ang mga zombie nang tumakbo ako ng mabilis. They tried to catch me up but I didn't let them.

Kung ano-anong ingay na ang ginawa ko para lang hindi sila malingat sa'kin. Hindi ko alam kung nagsisimula na din na sila Aziel sa plano namin pero sana lang, makaligtas sila at makaabot sa next wave.

"Shit, shit."

Nataranta ako nang makitang iba na ang dinadaanan ko. Hindi ko na napansin ang daan ko dahil masyado akong naka-focus sa distansiya namin ng zombie.

May dalawang daan na nandito at hindi ko maalala kung saan ang pinanggalingan namin. Lumikot ang mata ako, naghahanap ng palatandaan na puwedeng magturo sa'kin sa kung saan ang tamang daan.

"Shit, bahala na."

I go the left. Naramdaman kong malapit na ang mga zombie sa'kin kaya wala na akong pagpipilian kundi sundin ang instincts ko.

Nang lumingon ako pabalik, literal na nanlaki ang mga mata ko dahil sobrang lapit na nila sa'kin!

Napapikit ako ng mata at sinimulang tumakbo ulit. Nararamdaman ko na ang pangangatal ng paa ko pero hindi pa din ako tumigil.

"Bitch, what the fuck!"

Napasigaw ako nang makitang may tatlong zombie na sasalubong sa'kin. Bakit ba hindi sila nauubos?!

I swallowed my saliva before pointing the gun I have to them. I missed a single bullet but the next one shoot the zombie.

But that didn't stop them from attacking me. Frustrated, I throw them the empty gun and pulled my katana. The gun hit the zombie's head which made him growl.

"Die!"

Yumuko pa ako nang makalapit sila saka hiniwa ang nauna sa tiyan, saka naman ako umikot ulit at hiniwa ang likod ng isa pa. Nang makalapit ang susunod, hiniwa ko ang leeg nito kaya sumirit ang malapot niyang dugo.

Natalsikan pa ako ng iba pero wala na akong panahon para punasan pa 'yun dahil mas lalo lang silang lumapit. Para akong takas-bilanggo na hinahabol ng mga pulis kung makatakbo.

"Mga pukingina talaga kayo!"

I shouted to the top of my lungs for me to forget my exhaustion for the meantime. Lumiko ulit ako sa isang eskinita para maghanap ng puwedeng labasan mula sa kanila pero nanlaki na naman ang mata ko nang makakita ng dalawang zombie na papasalubong.

"Shit, mga buwiset!"

Binilisan ko ang takbo ko lalo at nang makalapit, kaagad akong tumalon sa pader at umikot sa hangin.

Parang nag-slow motion ang lahat. Parang bumagal ang kilos ng mga zombie sa likuran ko habang nasa itaas ako.

I smirked before I landed on the ground. Hindi na ako nagtagal at kaagad na bumalik sa pagtakbo. I successfully avoided the two monster who's about to approach me.

Nararamdaman ko ang pagyanig ng lupa habang tumatakbo sila. Alam ko namang nakalayo na ako sa kung nasaan man sina Azi ngayon kaya malaya na akong gawin kung anong gusto ko.

"Kapag ako nakatakas lang sa inyo, humanda kayo!"

Kahit madilim, alam kong may hagdan akong nakita ilang metro mula sa akin. Gumuhit ang isang ngisi sa labi ko saka mas binilisan pa ang pagtakbo.

Hindi ko alam kung nakakaakyat pa ang mga ito sa hagdanan pero sana hindi. Pinadausdos ko ang katana sa pader na siya namang gumawa ng nakakarinding tunog. Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga halimaw dahil doon.

Nang papalapit na sa hagdan, kaagad kong isinuksok ang katana sa lalagyan ko bago ko mas pinag-igihan ang pagtakbo. Wala na akong pake sa pangangalay ng paa ko at ang gusto ko na lang ay maka-akyat sa itaas.

Nang makalapit, kaagad kong hinawakan ng mahigpit ang handle ng hagdanang bakal pataas. Sinilip ko pa kung gaano kataas ang building at nang makitang nasa limang palapag, malakas na lang akong napabuntong-hininga.

Sinilip ko ang mga papalapit na zombie saka ko napagpasyahang umakyat. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang may humawak sa paa ko kaya naiinis ko itong sinipa-sipa.

"Putang----bitaw!"

Hinihila nila ako pababa!

Hinigpitan ko lalo ang kapit sa hagdanan saka sinubukang umakyat ulit.

Not just one, but three arms are trying to drag me down! Nararamdaman ko ang pagbaon ng kuko nila sa balat ko kaya gusto ko na lang maiyak sa sobrang sakit!

I, again, kicked them with my right foot until they gave up and let me go. Mas lalong lumakas ang mga ungot nila habang pinapanood akong maka-akyat sa itaas.

Ramdam ko ang pag-agos ng dugo sa kaliwang paa ko habang inaakyat ang hagdanan.

Nanginginig ang mga paa ko nang maka-akyat sa pinakataas. Napa-upo na lang ako sa edge ng building at tiningnan ang paa ko.

Tuluyan nang lumubog ang araw sa kalangitan. Unti-unti na ring dumidilim ang paligid.

Ngayon lang dumaloy sa katawan ko ang pagod mula sa metro-metrong pagtakbo kanina. Habol-habol ang hininga kong inangat ang tingin sa kalangitan.

Malabo ang buwan dahil natatakpan ito ng makapal na ulap mula sa kalawakan. Naramdaman ko na lang ang mainit na likidong umaagos sa mukha ko.

Nakakapagod tumakbo sa lahat. Nakakapagod ang lahat ng pangyayari.

Pero sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, isang pares ng braso ang nakapag-pasigaw sa'kin.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now