A E 17

229 11 0
                                    

"Sumuko na lang kayo."

Natawa nang malakas si Kimberley dahil sa sinabi ni Rehan. Lahat sila ay may natamo ng mga sugat sa iba't ibang parte ng kanilang katawan pero wala pa ring tumitigil.

Nawasak na din nila ang illusion ng Russia kaya nalipat sila sa panibagong lugar. Ngayon naman ay nasa isang lugar na sila sa Hong Kong.

It is raining, and it is night time but the fancy lights of the city made their spot lit. Nabasa na ang kanilang mga katawan pero nanatili ang mga usok na bumabalot sa kanila.

"Will never, Rehan!"

On a swift move, Kimberley made it to Rehan's back. Kaagad niyang sinipa ang likod ng lalaki kaya humampas ito sa isang taxi. When she was about to slice his body, Rehan avoided it by bowing. Saka niya naman sinipa patalikod si Kimberley dahilan nang pagtalsik nito.

Samantala, patuloy naman sa paghampas ng kadena si Nate kay Azi na noon ay walang ginawa kundi ang hampasin lang din ang mga kadena para hindi siya tamaan. Azi got a hard time fighting Nate because he's so fast. His and Kimberley's kind is really something.

Napailag si Kimberley nang muntikan na siyang tamaan ng isang kadena na nagmumula kay Nate. Habang nakadapa sa sahig, kinuha niya ang kadenang ito saka tumayo at hinila ng malakas dahilan nang paghinto ni Nate.

Lumingon ang lalaki kay Kimberley na noon ay nakatingin lang din sa kaniya habang nakangisi. Hinila niya nang malakas ang kadena pero hindi siya hinayaan ni Kimberley.

When Rehan was about to attack Kimberley, Azi blocked him again. Nagpalitan na naman sila ng mga kalaban.

Pinulupot ni Kimberley ang kadena sa kaniyang braso at buong puwersa itong hinila. Naputol niya na kanina ang kadenang ito nang isangga ni Nate kaya kung magagawa niyang makuha mula kay Nate ang kadena, mas magiging madali ang lahat.

"Let go!" Nate shouted and pulled the metal chain with full force. Walang nagawa si Kimberley kundi ang magpahila. Lumipad siya sa hangin kasabay ng kadena kaya ipinosisyon niya ang kaniyang katana, handa na para ibaon sa ulo ni Nate.

Pero nagawang kontrolin ulit ni Nate ang kadena kaya hinampas niya ito sa isang kotse. Nanlaki ang mata ni Kimberley at kaagad na napabitaw sa kadena saka bumagsak sa bubong ng kotse. Gumulong siya pababa bago pa man siya tamaan ng tanikala. Nawasak ang sasakyan dahil sa nagawang tama ni Nate.

Azi and Rehan started their duel again. Hampas lang nang hampas si Rehan samantalang sangga naman nang sangga si Azi.

Umikot si Rehan para sana patamaan sa tagiliran si Azi ngunit mabilis ring umikot ang lalaki para salagin ang tira na 'yun. Ngayon, si Azi naman ang nagsimulang patamaan si Rehan. Mabilis niyang pinaghahampas ang lalaki na mabilis din naman niyang naiiwasan at nasasalag.

Naglakad palapit si Nate sa kotse kung saan niya inihampas si Kimberley. Hinanap ng kaniyang mga mata ang babae ngunit hindi pa man nagtatagal ay napasigaw siya nang biglang may humiwa sa kaniyang paa.

Sa ilalim ng kotse, nagtago si Kimberley at hinintay ang paglapit ni Nate. Lumabas siya nang tagumpay na mahiwa ang paa nito. Nang sisipain niya na sana ang likod ng lalaki, yumuko si Nate at naramdaman na lang ni Kimberley ang pagtama ng paa ng lalaki sa kaniyang sikmura kaya napaatras siya.

"Ah!" Tinamaan ng bakal ang braso ni Rehan! Azi smirked when he heard his reaction, but his reaction immediately changed when he saw how his opponent's eyes become more darker that it is.

"Shit..." Wala na siyang nagawa kundi ang ihanda ang sarili para sa atake na gagawin ng kaniyang kalaban. Hinawakan niya nang mahigpit ang bakal para magawa niyang salagin ang bawat paghampas ni Rehan.

Mula sa pagkakatalsik, umangat ang ulo ni Kimberley kay Nate na noon ay tumatakbo na naman palapit sa kaniya. Tiniyaga niya ang sakit ng kaniyang sikmura at inihanda ang sarili sa atakeng gagawin ni Nate.

Nagpadulas siya sa semento nang tumalon si Nate. Bumagsak ang kadena sa semento kung saan unang nakatayo si Kimberley. Kung hindi siya nakaiwas, malamang ay madudurog siya sa sobrang lakas no'n. Gumawa pa 'yun ng crack sa sahig.

Bumangong muli si Kimberley mula sa pagkakahiga sa sahig at hinarap ang noon ay nakaluhod na si Nate. Basang-basa na ang damit nito kaya bumabakat na ang kaniyang katawan.

Patuloy naman sa pagsalag at pag-iwas si Azi sa malalakas na hampas ni Rehan. Base sa bigat ng kamay nito, mahahalata mo ang sobra niyang galit. Ang kaniyang bakal ay unti-unting nayuyupi habang patuloy pa din sa pagtama ang kanilang mga sandata.

Wala siyang pagpipilian kundi ang pumasok sa loob ng isang sasakyan. Kaagad siyang napahiga nang tusukin at basagin ni Rehan ang bintana sa pintuan ng sasakyan.

Mabilis ang pagkilos niya para makarating sa likuran ng sasakyan kaya hindi siya natamaan ng mga bubog nang basagin naman ng lalaki ang windshield.

Sumunod naman na ginawa ni Rehan ay hinampas niya ang bubong ng sasakyan at pinagbubutas ito. Iniilagan na lamang ni Azi ang mga bakal na tumatagos sa bubong habang binubuksan niya ang backdoor.

Nang makalabas, kaagad na tumakbo si Azi ngunit kaagad din siyang naharang ni Rehan. Ngumisi ang lalaki bago niya sinapak ang mukha nito.

"Nate..."

Nanatiling nakaluhod ang isang paa ni Nate sa lupa habang nasa likod niya naman si Kimberley. She was just staring blankly at her old friend.

He really changed a lot. Ang suot niyang damit ay ang damit pa rin na suot niya noong huli silang nagkausap doon sa dulo ng Safe. Namatay kaya talaga si Nate noon? Kasi posibleng ang mga butas sa damit niya ay sanhi ng tadtad ng mga bala.

Maaaring binuhay na lang muli siya ng CSQP4. Pero bakit parang nawala na ang kaibigan niya? Nang mag-mutate si Azi, nakilala niya pa rin si Kimberley, at gan'on din siya nang magmutate, naaalala niya pa ang lahat.

Pero si Nate, hindi niya na ba siya naaalala?

"We're still friends, right? And friends protect each other."

She recalled what he last say to her. They are friends, so why is he doing it to her? Why are they doing it to her?

Bumagsak ang kaniyang katana sa sahig dahil sa panghihina. She can't accept it. Her friends are all gone now. All her love was gone, and dead.

Napatingin sa kaniya ang tatlo. Rehan who's about to give Azi another punch, Azi who is lying on the ground, and Nate who's just kneeling with his one knee.

Si Kimberley naman, nakapikit lang at dinadama ang ulan, kahit pa alam niyang peke lang ito.

They all heard it.

They cannot be wrong.

Her heart beats again. They can hear her heartbeat again. Kahit mabagal lang, meron pa rin.

So, she is alive. Again.

"Kimberley..."

Mga patay na sila, hindi ba? Paanong muling tumibok ang puso ni Kimberley?

Ngunit nawala sa tibok ng kaniyang puso ang atensiyon nila nang makarinig ng isang bagay. Napatingin silang lahat sa iisang lugar kung saan nanggagaling ang tunog.

Mga yabag.

Mabibigat na yabag.

Not long after, a silhouette of a big entity appeared. May hawak itong malaking palakol at umuungot ito nang malakas.

All of them looked at the silhouette with wide eyes. Their knees trembled like how the earth shaken when the monster landed its feet on the ground.

Weeks AfterWhere stories live. Discover now